"Syempre naman Manang. Don't worry. Hindi naman siguro wawasakin ni Aeicy itong bahay."
____
Dinaan ko na lang ang pagkadismaya ko sa pagwawalis ng garden. Isa rin ito sa mga kailangan kong gawin pagkaalis nina Manang. Kailangan kong alagaan ang mga halaman na alagang-alaga ni Mang Nestor.
"That's right, Ace. Mag-practice ka na ngayon para hindi ka na mahirapan lalo sa mga susunod na araw. " Nilingon ko yung boses ni Liam. Nakatayo siya sa may pintuan at napakalaki ng ngiti niya sa akin.
"A-anong ginagawa mo dito?" Sa sobrang gulat ko, hindi ko na napigilan ang bibig ko.
Natawa lang siya tapos nilapitan ako. Then he raised an eyebrow. "This is my house. Anong ginagawa ko dito? Is it so wrong for me to stay here in my own house?"
Ayan na naman. Iniwas ko na lang ang tingin ko at napayuko. Nag-uumpisa na naman siya sa pagpapahirap sakin.
"Ang... ibig kong sabihin ano... diba may trabaho ka pa?"
Akala ko pagtataasan niya ako ng boses o iinsultuhin na naman pero nginitian niya lang ako. "I'm very touched, honey." Halos mawala yung lahat ng hangin sa katawan ko noong hinabol niya talaga yung tingin ko at inilapit niya pa lalo yung mukha niya sakin. "We'll go out later."
Minsan iniisip ko kung naka-drugs ba 'tong napangasawa kong 'to.
"Sandali... saan tayo pupunta?"
Nginitian lang niya lang ako tapos bumalik na siya sa loob.
"WE ARE NEVER EVER EVER GETTING BACK TOGETHER! WE ARE NEVER EVER EVER GETTING BACK---" Nagulat ako sa ringtone ng phone ko. Shit hindi ko pala na-silent.
May unknown number na tumatawag? Sino kaya ito?
"Hello? Sino to?"
"It's me, Terence."
Hindi na ko nagdalawang isip na patayin yung tawag. Ano bang gusto niya? Nananahimik na ko.
_____________________
"Saan ba talaga tayo pupunta?" Tanong ko. Hindi ko malaman-laman ang trip ni Liam minsan. But he seems to be in a light mood. Hindi siya masungit. But it doesn't mean that I will play along and enjoy. Still, I have to build my walls.
"Sa Mall, saan pa." Sabay ngiti nito. Pinaandar niya ang kotse at nagdrive.
Mall? Ano naman gagawin namin doon? And what's with his smile? Parang napakasaya niya ngayon. Ano bang meron? Mamamatay na talaga ko sa curiosity!
"Liam.. Ano bang gagawin natin doon?"
"Could you please... act like you are having fun while you're with me? Just this once." Mahina niyang sinabi, but it was loud enough for me to hear it. Okay, this is getting weird. Anong meron?
Tinignan ko siya nang mabuti. May lagnat ba ang taong to? Parang kanina lang ang lakas ng trip niya sakin tapos ngayo naman, parang ang lungkot na niya. Napaka-bipolar.
Then there was the same awkward silence.
Pagkadating sa mall, tinanong niya ako kung saan ko raw gustong kumain at nahila ko siya sa isang Japanese restau. Hindi ko talaga alam kung anong nakain niya kagabi kaya nagagawa niya akong ilabas at pakitunguhan ng maayos. Ang awkward pero feeling ko mas okay ang ganitong Liam.
Siguro mas okay kung ganito lagi.
I really think that our marriage could work kung magiging okay lang ang pakikitungo niya sa akin. Something changed after I cried in front of him. Pero... yun ba talaga ang dahilan kung bakit niya ako pinakikisamahan ng maayos ngayon?
"WE! ARE NEVER EVER GETTING BACK TOGETHER!! WE ARE NEVER EVER----" Halos mailuwa ko yung isinubo kong pagkain nung tumunog na naman yung phone ko. Ramdam na ramdam ko yung titig ng mga tao sa restau at lalo na ang tingin ni Liam sa akin.
"H-hello?" Kung si kuya Rio or ate Mylven ito, napaka-wrong timing nila.
"Aeicy. Let's talk---"
Pinatayan ko agad siya ng phone. Ano bang gusto ni Terence? Bakit pa siya tumatawag? Pinagpawisan ako sa nangyari at napahiya ako ng konti.
"Sinong tumawag?" Liam asked. Okay, ang bilis niya talagang bumalik sa pagiging Liam.
"Ahh, ehh... W-wala lang yun. Wrong number lang tapos pinatayan ko na ng phone." sagot naman ni Aeicy na super balisa.
"Ah, w-wala lang yun. Ano, wrong number tapos... tapos pinatayan ko na." Sagot ko habang iniiwasan yung tingin niya. Tinuon ko na lang yung atensyon ko sa pagkain. Alam kong hindi ko nakumbinsi si Liam sa sagot ko. Jusko, noong nagsaboy ng talent sa pagsisinungaling, nasaan ako nung mga panahon na yon?
"Parang ewan lang yang ringtone mo. Sa susunod, i-silent mo na yan kundi itatapon ko yan."
"O-okay." Okay na yang sungit niya medyo mild. But I have to do something else para maiba ang topic at hindi mauwi sa disaster ang lahat. "Ah, Liam... ano kasi... Ano bang ahh..."
"What the hell do you want to say?"
"Ah.. eh... Bakit ka nagyayang kumain dito?"
Pansin kong napatigil siya sa pagnguya na para bang nag-iisip pa siya kung sasagutin ba niya yung walang-kwenta kong tanong. Nage-expect na ako ng pambabara at pagsusungit niya.
But there was a long pause. Then finally he said, "I just want to celebrate my birthday with someone."
_____
FL01
YOU ARE READING
I'm In Hell With Him
General FictionBoth Aeicy and Liam have reasons why they agreed into marriage. If living with a stranger will pay the debt of Aeicy's father, she would do it. Liam, of course, has a reason: revenge. (Book One) #YourChoiceAwards2017Winner
Chapter Four
Start from the beginning
