Epilogue

630 24 3
                                    



Troy's pov





"Ubo ka nang ubo Troy! Baka tb na 'yan ha!!" pangasar na sabi sa'kin ni Ate Zoa.





"Ang sama naman nito." natatawang sabi 'ko sabay ubo. Ubo lang naman 'to eh, 'di nakakamatay!




Pagkatapos kumain ay agad 'kong tinawagan si Hazel para kumustahin, himala at hindi nanaman nagrereply sa'kin. Naalala 'ko nanaman kahapon, aba'y nagpaulan pa, baka nagkasakit.





At hindi nga ako nagkakamali pucha! Pwede na yata akong pumalit kay Madam Awring. Agad akong pumunta sa bahay nila Hazel at inalagaan siya, tinawagan 'ko nalang ang kapwa engineer para sila ang bumantay, si Engineer Ethan.




Tumagal nang tumagal ay lumala pa ang ubo 'ko kaya't nahihiya tuloy akong pumunta kay Hazel! Baka mahawa 'ko pa iyon, agad akong napatigil nang makitang may dugo ang panyo na pinagubuhan 'ko. Pucha may tb na nga yata ako.




Nagdaan ang araw na minsan ay kinakapos ako ng hininga sa construction site, nag-alala naman sa'kin ang mga trabahador at sinabing magpacheck up na ako. At dahil sa pangbubudol nila ay agad naman akong nagpacheck up. Nagpaschedule naman ako, at saktong sa araw at oras pa ng pamimili ni Hazel ng libro.





Ayaw 'kong sabihin kay Hazel dahil natatakot ako na matakot siya, ayokong maramdaman niya ang kabang nararamdaman 'ko ngayon.





"You have lung cancer Mr. Santos, I am afraid na malapit ka nang magstage 2."


Agad nandilim ang paligid 'ko. Natakot ako nang marinig ang salitang 'cancer.' Marami akong kakilala na namatay dahil dito. Marami pa akong pangarap kasama si Hazel! Gusto ko pang makita siyang magdoktor. Bumalot ang takot sa'kin.





Napatingin ako sa listahan ng mga nakapasa sa board exam, agad akong napangiti nang makita ang pangalan ni Hazel, doktora na ang mahal 'ko. Sakto naman at naramdaman 'ko ang pagkahilo at pagkasakit ng katawan, patagal nang patagal ay palala ito nang palala.





"Troy, mamaya na ang flight natin sa States, ihanda mo ang passport mo." pagpapaalala sa'kin ni Ate Zoa, sha already knows that I have cancer, napagdesisyunan naming sa States ako magpapagamot dahil magagaling ang mga doktor doon, nakipagtalo pa nga ako dahil magagaling din naman kaya ang doktor dito, si Hazel kaya magaling!





"Let's break up." pilit na kalmadong sabi 'ko. Pucha ang galing 'ko magacting ha! Nang makita ang pagiyak ni Hazel ay gusto ko na siyang yakapin pero kinailangan ko itong pigilan, nang tanungin niya ako kung bakit ay doon ako napatigil, kailangan kong magpalusot!




Nagulat naman ako nang bigla niya akong suntukin sa panga. Pucha! Sakit non ha! Pero loko astig ng girlfriend 'ko nung ginawa niya 'yon ha! Ay ex pala. Medyo nahilo ako lalo noong ginawa niya iyon pero 'di ko pinahalata.





Nagdaan ang araw sa states at naging stage 2 na nga ang cancer 'ko. Hinang hina ang katawan 'ko at namayat ako at tila hindi na makakakain. Awang awa sa'kin ang pamilya 'ko, habang nakikita ang itsura nila na ganon ay parang gusto 'ko nang bumigay.




Tama yata ang naging deisyon 'ko na makipaghiwalay kay Hazel, 'di ko kakayanin na makita siyang awang awa sa lagay 'ko.




Pagkatapos ng iilang chemoteraphy ay nakalbo ako. Leche! Ang pinakamamahal 'kong buhok!!





Natapos ang isang taon na naging ayos na ako. Nang makarecover ay balak na sanang umuwi sa Pilipinas kaso natatakot na baka may kasintahan na ang aking iniirog. At syempre papatubo muna ako ng buhok!! Bawas pogi points! Paano 'ko maagaw si Hazel niyan.





Lumipas ang dalawang taon at nagpalakas ako at nagpaabs uli! Napangiti ako pagkakuha 'ko nang maleta. Here I am Philippines, nagbabalik ang pinakagwapong engineer sa balat ng lupa.





Napagdesisyunan 'kong bumisita muna kay Jezk pagkauwi, alam din niyang nagkacancer ako. Nang makita ako ay parang hindi man siya nagulat, pucha mangsusurprise sana ako eh.





"Oh buhay ka pa?" pangaasar nito sa'kin, napahawak naman ako sa dibdib 'ko.



"Aray naman! Ang gandang bungad pre ha." natatawang sabi 'ko rito. Natawa rin ito, agad akong napatigil nang makita si Hazel! Pucha dito siya sa Limuel nagtatrabaho?! Bigtime na ang baby ko!! Lalo pang gumanda shit!





Pinilit 'kong baliwalain ang pagkagulat nang makita siya at pinagpatuloy ang pakikipagusap kay Jezk.



"Pre!! Dito nagtatrabaho ang ex ko!!" gulat na sabi 'ko kay Jezk nang makapasok kami sa office niya.




"Oh talaga? Ano uli pangalan?"




"Hazel Cruz gagi!!"





Nakita 'ko itong tumango at medyo nagulat pa. "Doktor yon ni Geila ha." pagkukwento ni Jezk.




Nalaman 'ko rin na may lung cancer si Geila. Pucha goals pala kami ng kapatid-kapatiran 'ko. Madalas akong bumisita kay Geila lalo na't nalaman na si Hazel ang doktora nito.





Nang magising si Geila ay agad akong natuwa, hindi lang dahil nagising ito kundi makikita 'ko uli si Hazel.




"Tawagin niyo ang doktor!! Gising na ang pasyente!!" masayang sabi 'ko sa mga nurse.





Nang makita si Hazel ay napangisi ako, the white lab coat really suits her. Ganda ng baby ko!! Baby ko 'yan bawal agawin ha! Tuwang tuwa naman ako nang kausapin ako ni Hazel, puro tanong ako rito nang walang kwenta. Nahahalata 'ko na napapansin na ni Hazel ma ginagago ko lang yung mga tanong kaya't napairap ito. Namiss ko.





"Titoo!!" malakas na tawag sa'kin ni Zarren, pamangkin 'ko. Napangisi ako nang makita ang pamangkin 'ko, pucha gumagwapo ha, manang mana sa tito.







Agad namang nanlaki ang mata 'ko nang makita si Hazel kasama si Zoa. Napag-alaman 'ko na si Hazel ang tumulong kay Zarren noon, napangisi ako. Tadhana na talaga ang naglalapit sa'tin! Sa'kin ka lang talaga mauuwi Hazel, huwag ka sa pamgit na Gregorian na 'yan.





Nagulat ako nang malaman niya na nagkasakit ako, inexplain 'ko sakaniya lahat. At ayon, niligawan 'ko uli siya at nang sagutin niya uli ako ay feeling 'ko ako na ang pinakamasayang gwapo sa buong mundo.







"Oh ano nanaman iniisip mo riyan babe?" tanong ni Hazel sabay yakap sa'kin. "Ikaw babe." nakangising sabi 'ko rito. Agad naman akong hinampas nito kaya't napatawa ako.






Kahit ilang pagtataray, paghahampas, pagsusungit, pambabara at pambibwisit ang gawin mo sa'kin Hazel, ikaw lang. Ikaw lang ang magpapatibok nito. Pangakong, parati kitang iintindihin at papatahin tuwing umiiyak ka. Pangakong sasabihin 'ko na sayo ang lahat. Magkasama nating lulutasin ang mga problemang darating. Mahal na mahal kita, doktora 'ko.





-End-

Autumn Love (Season Series #3)Where stories live. Discover now