Chapter 20

457 18 0
                                    



Hazel's pov




Nandito ako ngayon sa mall dahil bibili ako ng libro, busy kasi si Troy kaya't hindi niya ako nasamahan, sayang naman.




Habang naghahanap ng libro sa national bookstore ay nagulat ako nang makita ang pamilyar na mukha ng lalaki. "Hazel!!" malakas na tawag nito, agad akong napahinto.





"R-roi."





"Long time no see ha!! Mukhang sumesexy tayo ngayon ha." ngisi niya sabay tingin sa katawan 'ko. Agad ko itong sinamaan ng tingin, manyak!!





"Mauna na 'ko." walang modong sabi 'ko, nagulat ako nang bigla ako nitong hilahin. "Oh palaban ka na ngayon Hazel?" natatawang sabi nito sa'kin.





"Bitawan mo ako!!" malakas na sabi 'ko rito pero tinawanan lang ako. Nang maramdamang ilapit ang mukha sa leeg ko ay nagpumiglas ako sakaniya pero hinawakan niya ako ng mahigpit. "Bitawan---"






"Bitawan mo siya."





Napalingon kaming parehas sa lalaking nagsalita, agad na nanlaki ang mata 'ko nang makita ang lalaking nurse na kumausap sa'kin noon nang ma cardiac arrest ang isang lalaki noon sa mall.






"Oh bakit? Sino ka?" mayabang na sabi ni Roi sakaniya.






"Boyfriend niya. Bakit? May angal ka pre? Baka gusto mong masampolan." sabi nito. Napansin 'ko namang binitawan ako ni Roi. "Chill pre." nakangising sabi nito at tinaas ang dalawang kamay bago umalis.






"Are you alright?" nag-aalalang tanong nito nang makaalis si Roi.






"No, but thank you Mr. Nurse."







Nakita ko itong napakamot sa batok. "I'm Greg by the way." pagpapakilala nito. "Oh hello Greg, salamat uli ha." nakangiting sabi ko rito.





"Nako wala iyon, ano palang pangalan mo Doktora?"





"I'm Hazel, pero di pa 'ko doktora. 'Di pa lumalabas ang result ng board exams." natatawang sabi 'ko.




"Nako kaya mo 'yan. Ikaw pa ba." natatawang sabi nito.





Sumama sa'kin si Greg sa mall. Nabanggit niya na matagal na akong hinahanap nito. The man that I saved is Mr. Troni Limuel, kapatid ng may-ari ng Limuel's Hospital. Gusto raw akong makausap nito ngunit hindi ako mahagilap.





"Pwede 'ko bang makuha ang number mo?" tanong nito, agad 'ko naman itong binigay. Sinabi niya rin na gusto ako makita ni Mr. Limuel, yun na rin ang purpose non.





Napatingin naman ako sa phone 'ko nang magmessage sa'kin si Troy na nasa labas siya ng mall, sinusundo na ako kaya't nagpaalam na ako kay Greg.





Pagkasakay sa sasakyan ay agad akong lumapit kay Troy para halikan ito sa pismgi ngunit umiwas ito, agad naman akong nagtaka at lumayo.





"Troy!! Naalala mo yung may niligtas akong lalaki sa mall?" masayang sabi 'ko kay Troy, ngunit pagtingin 'ko ay halatang hindi siya interesado at tahimik lang.




"Nakita 'ko yung nurse na kumausap sa'kin noon." pagpapatuloy 'ko pero di ito nagsalita kaya't napatahimik nalang ako.




Nagdaan ang mga araw na hindi ako masyadong kinikibo ni Troy. Kapag minemessage 'ko siya ay tipid lang ang reply at kung minsan ay seen lang, kaya't eto ako ngayon umiinom nanaman kasama ang dalawa, si Elizabeth kasi ay pass muna.




"May problema ka ba Hazel?" tanong ni Olivia sa'kin. Kaming dalawa nalang dito sa lamesa dahil sumasayaw si Maddison.





"Pre, may iba kay Troy these past few days." sabi 'ko sabay lagok ng alak.



"Paanong iba?" nagtatakang tanong nito.




"Nagiging distant siya." malungkot na sabi 'ko, agad akong napahinto nang makita sa isang pwesto si Troy, he's laughing with his friends at may kasama silang mga babae.




"Hazel! Tulala ka riyan? Kanina pa kita tinatawag huy!" pagpapapansin sa'kin ni Olivia.



"O-olivia si Troy nandito."




"Ha? Asan?!" tanong nito sabay tingin sa isang gawi agad nanlaki ang mata nito kaya't napatingin uli ako sa banda nila, yung babaeng kasama nila ay kumandong kay Troy.


"Sugurin na naten Hazel!! Ano pang inaantay mo?!" galit na sabi ni Olivia. Agad 'ko itong pinigilan.


"B-baka kaibigan lang."

---



hazelcrz: how are you babe? imysm





Napatingin ako sa chat 'ko kay Troy, it's been hours but he's still not replying. What is happening? I can't understand. Sa susunod pa naman na araw ang monthsary namin. We need to talk as early as possible.



hazelcrz: kita us?

troyseb: sorry, i have work.





Napabuntong hininga ako, dati ay kahit may trabaho siya ay nabibigyan niya ako ng oras, pero ngayon?




Kinabukasan ay nagising ako sa lakas ng sigaw nila Mom kaya't napabangon ako. "Ma?" nagtatakang tanong 'ko. Agad akong niyakap ni Mom.






"Anak!! Doktoraa ka naa!!" sabi ni Mom sabay pakita sa'kin ng phone.

Autumn Love (Season Series #3)Where stories live. Discover now