Chapter 2

626 21 0
                                    


Hazel's

"Putek taas ng score!!"

"Galing talaga ni Hazel."

"Beauty and brains."

Napatawa naman ako sa sinasabi ng mga kaklase ko. Parang mga baliw yah! Lalakas mambola.

"Tyamba lang yan." natatawang sabi ko sakanila.

"Weh" natatawang sabi ng isa kong kaklase

Pagkatapos ng klase ay agad akong dumiretso sa coffeeteria para uminom ng kape. Masarap kasi talaga ang kape roon kaya't suki kami don magkakaibigan. Dinala ko naman ang libro ko na patungkol sa biology at napagdesisyunan magbasa.

Nagbabasa ako ngayon patungkol sa anatomy. Grabe, naalala ko pa nang pakabisado ito lahat sa amin. Kastress. Binasa ko nang binasa ang mahahalagang parts hanggang sa sumakit ang ulo ko. Humigop ako ng kape bago magsimulang magkabisa uli.


Napatingin ako sa harap ko at agad tinakip ang libro sa aking mukha nang makita yung lalaking nakita ko sa bar na bumibili sa counter. He is wearing a charcoal color button up long sleeve with a black pants and black belt. Nakaparagan ang pants sa pangitaas niya. Shete fit na fit sakaniya yung long sleeve at nakatupi pa yung sleeves hanggang sa may siko. He looks hot.


Oh my gosh!! I can't believe that I am fantasizing over him. Agad 'kong iniling ang ulo ko at pumikit. What am I doing? Pagdilat ko ay nakita ko itong nakangisi habang kausap ang babaeng cashier, halatang nilalandi niya ito.


Yung cashier naman ay humahagikgik. Parang nawawalan na akong gana bumalik sa coffee shop na toh ha. Di ko na rin aayain sila Elizabeth nang malugi sila. Suki kaya kami rito. Laking kawalan nila noh!

Nang matapos yung lalaki na makipagusap ay agad itong napabaling sa may gawi ko. Ngumiti ito at kumaway sa akin. Tinaasan ko ito ng kilay bago umirap. Duh, feeling close. Nakita ko itong naglalakad papunta sa akin. Agad naman akong kinabahan kaya't sinamaan ko ito ng tingin.

Habang palapit siya ay napatingin ito sa akin at tila nagtataka kung bakit ko siya sinasamaan ng tingin. Nainis naman ako lalo dahil pamwiset ang mukha niya. Pero lalo akong nainis dahil sa pagkapahiya nang lagpasan niya ako. Agad akong napatingin sa likod ko nang makita na nasa likod ko ang kinakawayan at nilapitan niya.

Gosh!! Nakakahiya!!!

Pasimple 'kong kinuha ang bag ko at kinuha ang kape. Niyakap ko naman ang libro ko at tumayo na. Nagmamadali akong lumabas ng coffee shop. Gosh, what a day.

-----

Dumiretso na ako sa condo ko at napagdesisyunan na magbabad sa pagaaral. Palagi kong binabalik balikan ang anatomy dahil alam kong makakatulong talaga iyon kapag naging doktor na ako kaya't sinabihan ko ang sarili na kailangan na kabisado ko yon at bawal kong kalimutan.

Napatingin naman ako sa phone ko nang bigla itong magring. Nakita kong si Olivia ang tumatawag.

"Oh?" bungad ko rito.

["Mall tayo tomorrow!!!"] naeexcite na sabi nito.

"Anong oras?"

["1 sis!!"]

"Sigee. Bye na at magaaral pa ako."

["Sipag ha, pagiging medstudent lang pala ang susi para magsipag ka magaral."] natatawang sabi nito.

Napatawa rin naman ako, noong elementary kasi kami hanggang maghighschool ay napakatamad ko magaral. Naalala ko pa noon na palagi niya akong pinapagalitan dahil puro bagsak ako. Mabuti at nang mag senior highschool ako ay nagsipag na ako ng kaunti at lalo naman nung nagcollege. Kailangan na kasi magseryoso lalo na't future ang naksalalay.



Autumn Love (Season Series #3)Where stories live. Discover now