Chapter 4

563 24 0
                                    

Hazel's

Nagbabasa ako ngayon dahil may long quiz uli kami mamaya. Nandito ako sa may garden at naglalanghap ng sariwang hangin. Isang lesson lang ang iquiquiz namin pero alam kong papalawakin pa ito sa mga tanong sa quiz kaya inaaral ko talaga by detail.

Pagkatapos magreview ay napagdesisyunan ko nang bumalik sa room. Habang naglalakad ay napatingin ako sa babae't lalaki na makakasalubong ko. It's the dean and Troy. They are laughing.

"Oh Hazel andiyan ka pala."


"Ay wala, wala ako rito." mataray na sabi ko kay Troy, he then chuckled and then looked at me with amused face.


"Okay sabi mo eh." nangaasar na sabi niya at naglakad na nang tuluyan. Napatulala naman ako saglit at napagdesisyunan nang maglakad. Bwisit talaga.


Ano kaya ang relasyon nila ng dean?



"Oh anong iniisip mo riyan Hazel?" tanong sa akin ni Sarah. Hindi ko namalayang nasa classroom na pala ako dahil sa iniisip 'ko.


"W-wala kinakabisado ko lang sa isip ko yung iquiquiz."


"Ay loka!! Wala nga pala yung prof natin, hindi tuloy yung quiz." natatawang sabi ni Sarah. Napasimangot naman ako, sayang nireview ko.

Ilalabas ko na sana ang phone ko nang may biglang pumasok sa pinto. Napalaki ang mata ko nang makitang pumasok ang professor.

"Kala nyo haa, issa prankk!!!" ngiting ngiti na sabi ng matanda naming professor. Narinig ko naman ang angalan ng mga kaklase ko. Natawa lang ako.

Nang matapos ang quiz ay nalungkot ako sa kalabasan. I am 25/30. Ang baba ko!!!


Kaya nang pagkadismiss ng klase ay agad kong tinext ang tatlo at inaya sa bar. Agad naman sila sumangayon which is good dahil akala ko ay busy sila sa trabaho.



"Doc Hazel." a familiar voice said.

Agad naman akong lumingin patalikod, it's Troy. He is smirking at me while his hands are in his pocket.


"Ano nanaman?" iritang tanong ko rito, he just chuckled then look at my books that is being hugged by me.

"Wala, naawa lang ako sa libro mo nasisikipan sa higpit ng pagyakap mo." natatawang sabi nito.


"Paki mo ba? Inggit ka lang kasi walang yumayakap sayo."


"Woah miss med student, hinay hinay ka sa pagsasalita! For your information, many girls are kneeling and pleading for them to be my date. They can hug me if I say so."

"Ay ganon? Sige saksak mo sa baga mo mga babae mo." sabi ko rito, I heard him chuckled.

"Can't believe that an innocent looking girl like you can be so mean." naiiling na sabi niya habang natatawa.

"Edi wow." sabi ko nalang at napairap, tinalikuran ko naman ito at diretsong naglakad.


"Hazel!" pagtawag nito pero 'di ko pinansin.


"Med student!!" pagtawag pa nito sa'kin pero di ko ulit pinansin.


"Hoy, may sasabihin akong importante." rinig kong sigaw pa ni Troy.


"Medstudent" pagtawag niya pa.


"Uy snobber naman neto."


"Oy."


Di na ako nakapagpigil at lumingon sakaniya habang nakasimangot. "Ano?!" inis na tanong ko rito.


"Wala, pangit mo." sabi niya habang nakangisi. Napapadyak naman ako sa inis, narinig ko pa itong natawa.


"Iniinis mo ba 'ko?"

"Oo?"


"Ano bang trip mo ha? Pwede bang ibang babae nalang ang guluhin mo? Yung papatol sa trip mo?" inis na sabi ko rito.


"Ayaw."


Napapikit ako at mas lalong nainis. "Edi wag." sabi ko rito at lumayo na pero napansin kong sumunod ito.


"So kamusta naman maging med student?" tanong nito pero di ko pa rin pinansin. Men are men. Kaya ako kinukulit ni Troy dahil alam kong may balak siya! Well, wala akong balak maging isa sa mga babae niya.



"Ano ba sa feeling mag inject?" he curiously asked while following me.


"Ano mas masaya? Mang inject o iinject?' he innocently added. Tiningnan ko lang siya at hindi sinagot.

"Paano pag di sa ugat nainject?" dagdag pa nito.


Hindi 'ko naman napigilang mapangiti ng palihim. He is innocently asking me such questions. I find him cute. Agad akong napailing.


"Takot ka ba sa dugo?"


Napabuntong hininga ako dahil sa pagiging makulit niya. "Hindi." simpleng sabi ko.


"Ako ba 'di mo tatanungin?" pangungulit pa niya.


"Hindi." sabi ko rito pero nagpatuloy ito na para bang walang napapansin.


"Ako nung bata---"

"Takot ka sa dugo?!" sabi ko at napaharap sakaniya.

"Wag kang bingi Hazel, ang sabi ko nung bata ak--"


"Ah takot ka sa dugo." pangasar ko. I saw him frowned.

Magsasalita pa sana siya nang pigilan ko. "Lakas ng loob mang chiks takot naman pala sa dugo." pangaasar ko at tila walang naririnig.


"What?! No!! I said nung bata pa ak--"

"Tsk tsk duwag, bakla yata ayaw lang aminin kaya piniling mangchiks."

"What the fu---"

"Bababa erooo bababaeroo" pagkanta ko. Nakita ko naman itong napailing.


"Awit takot sa dugo." pangaasar ko pa. Napansin ko itong nakasimangot pero sumusunod pa rin sakin maglakad, natawa naman ako.



"Bakla yata." pagbibiro ko, alam ko naman na normal lang sa ibang tao na takot sa dugo. Binibiro ko lang na bakla siya pero hindi naman nakakabakla sa lalaki ang pagiging takot sa dugo.


Napansin kong natahimik siya kaya't pinagpatuloy ko ang pangaasar. Sige huh, hinahamon mo ko? Patulan kita!!

"Takot sa dugo pala ha. Regaluhan kita sa birthday mo."



Di na siya uli nagsalita, napatawa nalang ako at nagpatuloy maglakad. Nakabusangot na siya ngayon, kaya't lihim akong napangiti. Agad naman akong tumingin sa cellphone nang makitang nagtext si Olivia. Habang nagtetext ay napatingin ako kay Troy nang bumulong ito,






"Putek, gusto ko lang magkaron ng paguusapan, naasar pa na bakla."













Autumn Love (Season Series #3)Where stories live. Discover now