Chapter 1

1K 27 0
                                    

Hazel's pov


"Inom na kasi tayoooo."





Hindi ko alam kung pangilang aya na ni Maddie sa akin uminom sa bar. Kakauwi lang kasi ng kaibigan namin na si Elizabeth galing America kaya't pinipilit talaga nila ako. Ako naman ay tanggi nang tanggi dahil may pasok pa ako bukas.




"Pass nga ako riyan, may long quiz ako bukas."



"Aral aral pa mamatay din naman" natatawang sabi ni Maddie sa akin. Inirapan ko naman ito. Palibhasa'y mga hindi na nagaaral kaya't ganyan.




"Porket may mga trabaho na kayo, lalakas ng loob. Maawa kayo sa akin noh."


"Kakarating lang ni Elizabeth noh!! Fresh from U.S!! Tara na kasiiii" pilit pa.




"Oo nga Hazel, di naman tayo magpapakalasing eh!!"


"Oo ngaaa."



"Kahit juice lang inumin mo, basta mahalaga magkakasama tayoo." pambobola pa ni Maddie.



Napatawa naman ako. Well, wala na akong magagawa, ang galing ng persuasive skills nila.

-----



Napailing ako habang nakatingin sa mga kaibigan 'ko. Sunod sunod na inom ang ginawa nila. Napakalalakas uminom, lalo na si Maddie. Si Olivia naman ay wild na wild, tumayo pa sa may upuan at doon sumayaw. Gosh.


Mabuti nalang at ngayon ay hindi na sila wild, napagod yata. Halata ring nahihilo na ang iba kaya't napatawa ako habang hawak ang baso na may laman ng juice.


"Psst Hazel, tingnan mo yung lalaki na yon oh mukhang type ka." bulong sa akin ni Olivia sabay turo doon sa lalaking nasa kabilang banda.





"Not interested." simpleng sabi ko rito, sabay pasimpleng sulyap sa tinuro niya.

Pagtingin sa lalaki ay napaismid ako dahil tama nga siya, the guy is looking at me. Well, he looks good though. But I hate men. They are siraulos. Men are trash maliban sa angkan ko. Siyempre, baka multuhin pa ako ng mga yumaong lalaking kamaganak ko kaya nako.


Napansin ko na nang makita ng lalaki na napatingin ako sakaniya ay biglang napangisi ito. Napairap naman ako, gwapo sana kaso mukhang manyakis.




Agad naman akong napatingin kay Elizabeth nang marinig itong kumanta. Napabuntong hininga ako, lasing na 'tong babaeng toh.


"Bahaaay namiiin maliiittttt lamaaaangggg pero peroooo perooo malakii to."



Napairap ako lalo nang marinig ang kanta ni Elizabeth. What the heck? Bahay namin maliit lamang pero malaki to? Napailing naman ako. Grabe talaga tong babaeng to pag nalasing.


Agad akong lumapit sakaniya para tulungan itong tumayo, kailangan na niya umuwi bago pa siya mawalan ng malay. Napalapit din naman sila Olivia para tulungan ako.



Hihilahin na sana namin siya nang maramdamang nagpabigat ito sabay hila sa amin, sa halip na mahila 'ko ito ay ako ang nahila niya kaya tumumba kaming lahat!! Tumawa naman bigla si Elizabeth ng malakas which caught others attention. Nakakahiya!!



Agad akong nagpainosente at agad na tumayo at pinagpagan ang sarili. Napatingin naman ako sa lalaki na tumitingin sa akin kanina at nakita ko itong nakanguso na ngayon at halatang pinipigilan ang tawa.


Binaliwala ko ang pang inis na mukha niya at tinulungan ko namang tumayo ang iba. Grabe, medyo lasing na rin sila eh. Napaangat naman ang tingin ko nang makita si Ethan na palapit sa amin. Tinaasan ko ito ng kilay. What is he doing here?

"Uy kuya andyan ka pala, nako sige iuwi mo na yan." pagbibigay ni Olivia kay Elizabeth kay Ethan. Sinamaan ko lang ng tingin si Ethan na para bang sinasabi na humanda siya sa akin kapag may nangyaring masama sa kaibigan ko. Nginitan lang ako nito.

"Isang shot naman diyan Hazel!!!"

"Gaga, di pa ko nagrereview." sabi ko rito at inilabas ang reviewer. Kahit gusto ko kasing umalis ay walang magbabantay sa dalawang ito pag nalasing. At ako lang ang may dalang kotse sa amin kaya responsibilad ko rin sila.

Natapos ang ilang minuto at napagdesisyunan kong tumayo para pumunta sa banyo dahil hindi 'ko na kaya! Najijingle na ako.

"Wag kayong aalis diyan!! Lalo ka na Maddison ka." pagbibilin ko kay Maddie, tinawanan naman ako nito at tumango.

Iniwan ko ang reviewer ko sa lamesa at nagpunta na sa banyo. Umihi lang ako at nag hugas ng kamay. Inayos ko saglit ang itsura ko bago lumabas ng banyo.

Medyo napatigil ako nang makita ang lalaking kanina pa ako tinititigan sa labas ng banyo, animong may iniintay. Prente siyang nakasandal sa may pader at nakatitig sa sahig. Aalis na sana ako nang bigla itong nagsalita nang makita ako.


"Hey sexy nerd." sabi nito.

Gusto ko sanang wag magassume na ako ang kinakausap nito pero kaming dalawa lang ang tao sa may gawi na toh. Agad ko naman itong sinamaan ng tingin.

"Excuse me?!" mataray at nakataas na kilay na sabi ko rito. What did he just said? Tanggap ko pa sana kung nerd eh!! Kaso sexy? Ang manyak!


"Sige daan ka na." pabirong sabi nito.


Lalo naman akong nainis sa sinabi niya kaya't pinigilan ko ang sarili ko na sabunutan siya.


"Dapat lang, laki mong harang sa daan." inis na sabi ko bago mapagpasyahan na maglakad, I heard him chuckled.



"May I know your name?" he suddenly said. Nararamdaman kong sinudundan niya ako kaya't napairap ako.


"No."

"Why is that?" amused na tanong nito.

"I don't talk to manyaks." sabi ko, I heard him chuckled again.


"Well, I am not a manyak because you are talking to me." sabi nito habang nakangisi.


Agad naman akong natahimik. Nahiya tuloy ako bigla at pinilit na tumingin sa harap at naglakad.

"Hey miss." tawag nito sa akin.

"Hey." sabi pa nito.

"Hey babe."

Hindi ko na napigilan at inis akong humarap sakaniya. "Pwede bang tigilan mo--"

Agad akong napahinto nang may makitang sa ibang babae ito nakatingin habang nakangisi, tila ba'y eto ang kinakausap at hindi ako. Agad akong napairap dahil sa pagkapahiya. Well, una palang halata nang flirt siya!!

"Sinong kinakausap mo miss?" ngisi nito sa akin.

Napatingin naman ito sa akin at ngumisi. Agad akong tumalikod at tila napahiya. Shete!! Ang bilis naman niya, tumalikod lang ako saglit may babe na? Magaling talaga!!


"Oh badtrip ka?" tanong ni Olivia nang makita akong nakasimangot na umupo sa pwesto namin.

"Wala, may nakita akong bwisit."

"Nakita mo si Roi?!" gulat na sabi ni Maddison, nakita ko rin na nanlaki ang mata ni Olivia.

"No!!" agad na sabi ko sakaniya. Nakita ko naman silang napahinga na para bang nabunutan ng tinik.

"Oh sino yung bwisit?"


"I don't know the name, but he is so annoying. Sarap sakalin." nanggigigil na sabi ko. Nakita ko namang natawa yung dalawa.

"Sakalin mo na walang pumipigil." natatawang sabi ni Maddie.




"Talagang masasakal ko yon pag di pa tayo umuwi."

Autumn Love (Season Series #3)Onde as histórias ganham vida. Descobre agora