Chapter 3

556 19 0
                                    

Hazel's


"Girl ang astig mo rito!!!" tuwang tuwa na sabi ni Olivia sa akin sabay pakita sa akin ng phone niya.

"Oo nga!! Pasadong pasado na maging doktoraaaa." gatong pa ni Elizabeth.


"Pucha famous ka na." natatawang sabi naman ni Maddison.



Napailing ako sakanila at napatingin sa video na nagviral. Grabe, di ko akalaing may maguupload, lalo tuloy akong nahiya.



"Loko 1m views na! Pwede nang magasawa." sabi ni Maddie kaya't kinonyatan ko ito.



"Anong connect?!" sabi ko pero hindi niya ako sinagot, sa halip ay tinawanan lang ako.


"Girl look at the comments!!" hyper na sabi ni Elizabeth at sabay abot sa'kin ang phone niya. Napatingin naman agad ako sa unang comment,


Bonjie: putek kainlove, ganda na nga may mabuting puso pa.



Natawa naman ako bigla kaya't napasilip sila Maddison sa binabasa ko. Nakita kong natawa rin sila sa nabasa.



"Wow mabuting puso?" pangaasar naman ni Olivia nang makita ang comment na 'yon. Binaliwala ko naman ang pangaasar niya at nagbasa uli.



Kontrey: gosh, mapagmagaling! Kung napatay niyan yung lalaki nako dapat maparusahan yan.

View 100 replies

Napairap naman ako sa comment na iyon at pinindot ang view 100 replies.


Gregoria: totoo yan!! Feeling maganda pa.



Stella: kung ako nandiyan babatuhin ko yan ng patatas.

Kalia: KONTREYbida ka ghorl?


Rom: pag nalaman naming gumaling yung lalaki ikaw paparusahan namin, malaman mo @ kontrey.



Oracle: oo @ stella, kung nandyan ako sa bahay mo babatuhin kita ng sandamakmak na patatas isasakto ko pa sa ulo mo sapol na sapol.


Suzzling: basher nyo naman stella, inggit lang kayo.


Greya: atleast may tumulong don sa lalaki noh!! Ang alam ko pag di na cpr ang inatake sa puso ay may tendency na mamatay.


Gregoria: hu grabe kung makatanggol sa girl? Siguro poser accounts kayo no? Tas yung girl gumagamit. What an attention seeker.


Shiro: putchang pangalan yang Gregoria, malapit na maging gorilla.


Shishi: @ oracle, wag patatas ang ibato mo riyan. Masyadong precious patatas sayang, di bagay ibato sa basura. Bato nalang sana.


Oracle: ay oo nga noh? Baka sakaling batuhin niya ako ng tinapay pabalik. I like that!





Napatawa naman ako ng mahina dahil sa mga nababasa ko. Gosh!! They are so funny.



Kung ano ano pa ang nabasa ko sa comments. May mga compliment at may mga hindi magandang comment pero napansin ko na mas marami ang good comment kaya natuwa ako.


Pagkarating sa school ay puro tinginan ang natanggap ko. Pinilit ko nalang pakalmahin ang sarili ko at dumiretso sa room.


"Omg Hazel!!!!" tili ng mga kaklase ko. Inirapan ko naman sila kaya natawa sila.


Autumn Love (Season Series #3)Where stories live. Discover now