Chapter 22

467 17 0
                                    

Hazel's pov

"Hoy babae hinay sa alak, pangarap mo yatang operahan ang sarili mong atay 'no?" masungit na sabi sa'kin ni Olivia, natawa tuloy ako.



"Gagi paano mo nalaman?" natatawang sabi 'ko. Sinimangutan lang tuloy ako ni Olivia.


Kinabukasan ay hilong hilo akong pumasok sa trabaho. Hirap na hirap tuloy akong magpark dahil sa hangover. Napatingin ako sa katabi 'kong sasakyan, it's familiar. Saktong pagkababa 'ko ay ang pagkababa ng may-ari ng sasakyan nito.


Saglit akong tumingin sakaniya bago umiwas ng tingin, pagkasara ng sasakyan ay aalis na sana ako nang,

"Hazel."


Inis akong tumingin kay Troy, "what?!" mataray na sabi ko rito.

"Can we uhm talk?" he nervously said, I saw him holding some flowers, so makikipagbalikan ba siya, I just rolled my eyes. "Para saan pa? Wala na akong pake sa'yo so please tantanan mo na 'ko."


Agad akong dumiretso sa loob ng ospital. Wow Hazel buti nakayanan mong magsalita ng ganon sa taong mahal mo hanggang ngayon. Tumambay muna ako sa station kung nasaan si Greg at napansing papunta sa amin si Troy pero hindi 'ko pinansin, nakita 'kong napangisi si Greg.


"Abaa, it's him right?" natatawang sabi nito, agad 'kong tinakpan ang bibig nito kaya't lalo siyang natawa.

"Excuse me."

Agad akong kinabahan nang maramdamang nasa tabi si Troy, nakita 'kong napatingin si Greg kay Troy at inentertain ito habang ako ay nagkunwaring may sinusulat.



"Geila Gomez po? Room 101 po. Diba pasyente mo 'yon Doc Hazel?" pagngisi ni Greg. Ako naman ay plastik na ngumiti. "Oo nurse Greg." hilaw na ngiting sabi 'ko.

"Thank you." sabi ni Troy at sumulyap pa sa'kin bago umalis. Napatingin ako sa nakatalikod niyang katawan, parang may nagbago. I can't define it.

"Pucha gwapo ng ex ha." naiiling na sabi ni Greg, "syempre 'no, alam mo naman ang beauty 'ko kailangan sa fafi papatol!!" panggagatong 'ko kaya't napatawa siya. Naging boy bestfriend 'ko siya simula nang lumipat ako sa Limuel's kaya't sobrang close kami.


Nagpaalam muna ako kay Greg at ginawa ang pagchecheck sa mga pasyente 'ko nang mapadaan ako sa kwarto ni Geila, I need to check her too, but huwag muna ngayon, Troy is there.

Nang mag alas dose ay agad akong pumunta sa office 'ko at kumain. Iinom na sana ako ng kape nang biglang may magsalita sa intercom. "Room 101 nagising na ang pasyente." sigaw ni Greg, pucha narinig 'ko naman kailangan pang sumigaw. Agad akong tumayo at pumunta rito.


Agad akong dumiretso sa kwarto ni Geila, I saw the vase at her table, nandoon ang bulaklak na dala ni Troy kanina. So, that's for her not for me? Ouch.

Agad 'kong chineck ang pasyente at kailangan 'kong kausapin ang guardian niya. Asan ba magulang neto o kapatid? Pucha. I need to act professional.


"Uhm excuse me? Are you the patient's guardian?" pormal na tanong 'ko kay Troy. I saw him looked at me with his amused face.

"No?" nangising sabi nito. "Okay then, mauna na ako." sabi 'ko, nagulat ako nang bigla ako nitong hilahin.


"Talk to me, I mean sabihin mo sa'kin yung sasabihin mo sa guardian niya, sabihin 'ko nalang kay tita maya."


"Okay?" pilit na sabi 'ko bago magsimula magbilin ng mga kailangan ni Geila, nailang pa ako dahil nakatitig lang ito sa'kin na para bang hindi nakikinig kundi nakatingin lang, ganto ako sa teacher 'ko nung highschool e!!


"Eto yung mga gamot na kailangan niya inumin lagi." sabay abot ng reseta, nang makuha niya ito ay agad niya itong binasa, I saw him stare deeply at the names of the medicines. I just shrugged. Aalis na sana ako nang,



"Kailan siya makakalabas ng ospital? Will she recover fast?" tanong nito sa'kin kaya't napaharap uli ako sakaniya, woah he cares too much for Geila. Is Geila his new flavor?


"She will recover soon, hindi kailangan madaliin." sabi 'ko. "At makakalabas siya kapag magaling na siya, 'di mo alam 'yon?" pamimilosopo 'ko. I heard him chuckled.


"May tanong ka pa ho?" labas sa ilong na sabi 'ko. I saw him look at the ceiling then to his left as if he's thinking. "Uulitin ko ho may tanong pa ho ba kayo?"

"Wait, nagiisip ako." sabi nito sabay wait sign sa'kin gamit ang kamay.

"Ay nagiisip ho pala kayo." pabulong na sabi 'ko, narinig 'ko ulit siyang tumawa, nahiya tuloy ako bigla.

"Can you suggest some fruits? Sa'n siya bawal?" sabi nito na halatang mema lang kaya't napabuntong hininga ako.

"Well any fruits will do, but berries are rich in antioxidants which can protect lungs so I suggest banana." pabirong sabi 'ko kaya't napangiti ito. Omygosh! Galit nga pala ako sakaniya, I need to act cold. No jokes for today Hazel!


"Berries and bananas will do and by the way sana'y umiwas na siya sa may mga naninigarilyo at mauusok masama 'yon lalo na sa baga niya." simpleng sabi 'ko, when I saw his satisfied look, "Ano? Meron pa?" i annoyingly said.

"Oo."




At ayon, nagtanong siya nang nagtanong ng mga walang kwentang tanong tulad ng "pwede ba siya pakainin ng sopas?" "Pwede ba siya sa softdrinks?" at kung ano ano pa. Letseng buhay 'to.








Autumn Love (Season Series #3)Where stories live. Discover now