Chapter 6

504 27 0
                                    

Hazel's pov

"Cheers!!!"

Agad naman akong lumagok ng alak at ngumiti kanila Elizabeth, damn I missed this!! Nakakamiss mag enjoy. Masyado kasi akong nagbabad sa pagaaral these past few weeks.

"Tara sayaw!!" masayang aya ni Olivia, agad naman akong tumayo at nagpakawild.

Nang mapagod kakasayaw ay agad akong umupo sa pwesto namin at nagsalin ng alak. What a lifeee!

Mabilisan 'kong nilagok ang alak na sinalin ko at agad na nagsalin uli. Lalagukin ko na sana ito nang marinig ang isang pamilyar na boses.

"Lasinggera."

Agad naman akong napatingin sa nagsalita at ngumiti. "Tara, tumabi kaa sakeen. Inom tayoo." masayang sabi ko rito. Damn, lasing na yata ako.

Nakita 'ko naman ang gulat na itsura ni Troy  bago napangisi. "Woah, parang mas gusto ko ang Hazel na lasing." natatawang sabi nito sabay tabi sa akin. Napatawa nalang din ako.

"Lahat naman yata gusto mo eh." pangaasar ko rito.

"Huwag ka magalala, di kita gusto." natatawang sabi nito, agad ko naman siyang hinampas.

"Aray! Bakit? Gusto mo ring magustuhan kita noh!" natatawang sabi nito habang hinihimas ang braso.

"Baliw! Sarap mo sapakin, alam mo yon?" inis na sabi 'ko sabay lagok ng alak. Agad ko namang kinuha ang Black Label para isalin ito sa baso 'ko.

"Tsk, awat na nga." sabi nito sabay agaw sa akin ng black label.

"Eeeh!!" pagreklamo 'ko.

"Umuwi ka na nga, lasing ka na." naiiling na sabi nito.

"Tss okay po tatay!!" pangasar na sabi 'ko sabay buklat ng bag ko. "Damn, where are my keys." sabi ko sabay buklat sa bag ko.

Napatingin naman ako kay Troy nang mapansing biglang tumahimik. I saw him glaring at me.

"Ano?" tanong ko rito nang mapansin ang titig niya.

"Magdadrive ka pauwi? Eh lasing ka? Nababaliw ka na?"

"Oh ano gusto mo? Maglakad ako pauwi? Edi mas lalong delikado! Isip isip din pag may time." natatawang sabi 'ko.

"Di usong may maghatid sa'yo pauwi ganon?" sarkastong sabi nito.

"Eh tumotoma pa ung tatlo, ano gusto mong gawin 'ko? Hilahin sila at sabihing ihatid nila ako pauwi?"

"Sino nagsabing sakanila ka magpahatid?"

"Eh kanino ba?"

"Sa'kin."

--

Kasalukuyan akong nagtetext kanila Olivia na mauuna na ako habang paika ikang lumalakad papuntang parking lot. Katabi kong naglalakad si Troy ngayon na may kausap sa phone.

"Oo pre, geh talon ka una ulo." natatawang sabi nito sa kausap niya kaya't napatingin ako sakaniya. Napkita 'ko namang napasulyap siya sa'kin ng bahagya.

"Oo pauwi na 'ko." sabi nito habang nakatingin sa'kin. "Sige pre, bye na." sabi pa nito.

Agad naman akong napaigtad nang biglang hawakan niya ang bewang 'ko. "W-what are you doing?" hilong tanong ko rito.

"Hilong hilo ka na, baka madapa ka pa riyan sa daan." natatawang sabi nito. Napakibit balikat lang ako at hinayaang siyang alalayan ako.

Nang huminto si Troy at pindutin ang hawak niya ay nanlaki ang mata ko. Napatingin ako sa BMW na umilaw.

Napatulala ako sakaniya habang pinagbuksan ako ng pinto. Agad naman niyang pinitik ang noo 'ko kaya't nabalik ako sa ulirat.

"Kanino mo 'toh hineram?" tanong 'ko sakaniya nang makapasok siya sa driver's seat, nakita ko namang napakunot ang noo niya sa'kin.

"Yung sasakyan, mahal 'toh ha! Aba, may bigtime kang kaibigan." natatawang sabi 'ko, agad akong napatigil nang marinig ko itong natawa.

"Yung sasakyan 'ko nga pala! Paanoo?" tanong ko rito.

"Give me your keys, ako na ang bahala." sabi nito, agad ko namang inilabas ang susi 'ko at iniabot sakaniya.

Inilagay ko naman sa waze ang direksyon kung saan ang condo 'ko at pumikit. Nahihilo talaga ako gosh!





"Doktora may emergency!! Napakadaming pasyente ang naghihintay sa'yo!!"

Agad namang nanlaki ang mata 'ko nang magulat sa malakas na boses ni Troy. Agad naman akong napasimangot nang marinig nanaman siyang natawa. Ba't ba tawa nang tawa itong lalaking 'toh?

"Yun lang pala magpapagising sa'yo." naiiling na sabi niya.

"Bakit? May iba ka bang sinabi sa akin kanina at hindi ako nagising?" sabi ko habang palabas ng kotse.

"Oo." nangingiting sabi niya.

"Ano 'yon?"

"Secret." sabi nito.

"Bahala ka riyan!! Mauuna na ako ha." sabi 'ko sabay turo sa building ng condo 'ko.

"Ingat ka sa pagakyat." nakangising sabi nito.

"Ingat sa pagdrive."

"I will." sabi nito at tumango.

Kinabukasan ay napahawak ako sa ulo ko. Napakasakit kuya Eddie!

Sa sobrang sakit ng ulo 'ko ay agad akong gumayak at sumakay sa grab papuntang school. Pagkababa ng grab ay agad akong napatingin sa relos 'ko.

Agad akong nagulat nang makita ang oras. 7:00 palang!!! Damn!!

Alam 'ko namang wala na akong magagawa kaya't dumiretso ako sa garden. Ang engot ko naman, agad akong gumayak pagkagising nang hindi tinitingnan ang oras. Ayos.

Agad 'ko namang nilabas ang phone 'ko at nagscroll sa social media 'ko. Agad akong napatingin sa facebook at nagulat.

Troy Sebastian Santos sent you a friend request.

Agad 'ko namang inaccept ang friend request. Sino ba ako para hindi mag accept ng kakilala 'ko?

Nang buksan ang instagram ay napataas din ang kilay 'ko nang makita ang pagfollow niya sa'kin. Agad ko namang inaccept, nakaprivate kasi ako.

Pinindot 'ko naman ang pangalan niya dahil sa curiousity. Napatingin ako sa mga posts niya, napalunok ako nang makita ang post na nakatopless siya!!

Nagscroll pa ako, he looks like a model! Ang gwapo! Napatingin naman ako sa comments at agad na napataas ang kilay.

georgiamae: u look hot hehe kita us later

troyseb: sure ;)

serenamartin: pakiss

troyseb: tara kiss mo 'ko.


Pucha!! Ang lantod talaga ng bwisit na Troy na 'yan. Gosh! Iniscroll ko pa ang feed niya at napatitig, ang gwapo ni Troy kaso nga lang playboy kaya't napailing ako. Napatingin naman ako sa isa pang post niya na nasa likod niya ang eiffel tower. Wow! Infairness, galing nakapunta na siya sa ibang bansa kahit manggagawa pang siya? Omg Hazel don't be judgemental.







Isa isa 'ko pang tiningnan ang post niya, may pictures siya sa Korea, Japan at marami pang bansa. May picture rin na kasama ang family niya, napangiti ako. Napalunok uli ako nang makita ang picture niya na nasa Boracay na topless uli. Bakit ba ang hilig niya magpost ng topless? Hmp!






"Gwapo 'ko naman diyan."




Gulat akong napalingon nang makita si Troy na nakadungaw sa phone 'ko. Agad ko naman itong tinago.


"H-ha? P-pinagsasabi mo?" sabi 'ko sabay yuko.


Agad siyang tumabi sa upuan 'ko at isinandal ang braso sa may likod ng upuan nang inuupan 'ko.


"Ikaw ha, pakipot ka pa. Crush mo rin pala ako."

Autumn Love (Season Series #3)Where stories live. Discover now