Chapter 12

466 20 0
                                    


Hazel's pov




Nakatingin ako ngayon sa kisame at tila nagiisip. Sino kaya yung gusto ni Troy ngayon? Hala, ba't ako nacucurious?





Gusto 'ko ba si Troy? No! This can't be huhu.





Natapos ang ilang araw at parati akong ginugulo ni Troy tuwing umaga. Palagi siyang dumadaan sa bahay namin kapag magjojogging kaya't sinasamahan niya rin ako. Minsan naman ay dala niya si Dexter at tinatakot ako.





Nasa mall ako ngayon at kasama ang tatlong bruha habang nagshoshopping. Minsan lang 'to kaya't sumama ako agad. Namiss 'kong magshopping kasama ang mga bruha na 'to.





"Uy look! Bagay sa'yo to Hazel." masayang tawag sa'kin ni Elizabeth.





Agad akong lumapit sakaniya at tiningnan ang hawak niyang maroom fitted dress.




"Masyadong revealing." pagcomment 'ko.




"Eh ano naman? Minsan ka lang naman magsuot ng ganiyan 'no." pagsabat pa ni Maddie sabay tingin sa dress.




Agad akong napatingin sa dress, well sige na nga. I should try something new din naman. Life is short. Habang namimili ay bigla akong napahinto nang may makitang pamilyar na mukha.





"Oh Hazel, ba't ka tulala riyan?" tanong ni Olivia sabay tingin sa tinitingnan 'ko, nakita ko itong gulat ding nakatingin sa lalaki.





"R-roi."

-----


"Hoy gaga hinay hinay ka lang!!" panenermon sa'kin ni Maddie sabay agaw ng alak sa kamay 'ko.




"Ano ba Maddie!! 'Di naman kita pinipigilan kapag ikaw ang umiinom ha?!" pagalit na sabi 'ko rito.





"Ay may paganon?" sarkastikong sabi nito sa'kin. "Edi yan, magpakalasing ka riyan hanggang sa di mo kayanin!! Akala mo kung sinong may high tolerance!" galit na sabi sa'kin nito sabay umalis.





Hindi 'ko naman siya pinansin at ininom uli ang alak. Hindi 'ko alam na magiging ganito uli ang reaksyon ko nang makita siya. Napakadaming bagay at memorya ang bumalik sa'kin. Lahat ng sakit, naramdaman 'ko.





"Hazel, totoo nga naman ang sinabi ni Maddie. Hinay hinay 'ka lang, nagaalala lang sa'yo yung tao."





"Wala akong pakee okay? Wala akong pake!!" inis na sabi 'ko. Nakita 'kong napatahimik si Olivia at napatingin sa may gilid 'ko. Napatingin din ako, I saw Maddie with her hurted face. 'Di ko ito pinansin at uminom nanaman.





"Umayos ka riyan Hazel, I don't want to tolerate a drunk friend." seryosong sabi sa'kin ni Elizabeth.





"Then go!! Iwan niyo 'ko. Alis na sige na." naiiyak na sabi 'ko. Naramdaman 'ko namang niyakap ako ni Olivia. Doon na nagsimulang tumulo ang luha 'ko.






"Huwag mo 'kong plastikin, I know that you are annoyed at me right now!! Don't hug me!!"






Kinabukasan ay nagising ako nang masakit ang ulo 'ko. Napamura ako nang maalala ang mga pinagsasabi 'ko kagabi. Agad akong nagcompose ng text kanila Maddie para humingi ng tawad.





From: Maddie

We are always here and care for you and I understand that you are hurting but please mind your friend's feelings. Gusto mo yata na maramdaman din naman yung sakit na nararamdaman mo. Don't be selfish.





Autumn Love (Season Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon