Fire and Blood

Mulai dari awal
                                    

"Anong ginagawa mo kay Jaranilla?" May pangaakusang tanong ni ma'am.

"What do you think?" Hinigpitan pa lalo ni Alec ang yakap sa akin at lalo lang akong hindi makagalaw dahil ramdam na ramdam ko ang init ng katawan niyang nakadikit sa likuran ko. Maingat na hinawakan ni Alec ang panga ko para itagilid ng bahagya ang ulo ko.

Pakiramdam ko ay hostage ako ni Alec.

"Sabi ni Sophie bampira daw ako, eh? Just gonna drink her blood." Pabirong sabi ni Alec. At sa mahinang boses na tanging ako lang ang makakarinig ay bumulong siya. "I want you so bad I want to kiss you."

Huminga ng malalim si Alec at marahang hinalikan ako sa leeg. Nagsitayuan ang balahibo ko at para akong tinamaan ng kidlat sa naramdaman kong kiliti na dumaloy sa katawan ko.

Nakanganga lang si ma'am Perez, gulat at walang masabi sa ginawa ni Alec.

Binitawan ako ni Alec at hinawakan niya ang kamay ko. "Obviously, hindi ako bampira. Pero hindi naman pinagbabawal ng St. Anne ang ginawa ko sa girlfriend ko, di ba?"

Halos mabali ang leeg ko sa mabilis na paglingon ko kay Alec. Ngiting ngiti siya. Napataas naman ang kilay ni ma'am Perez.

Girlfriend? Ako? Ano na namang binabalak nito sakin?!

"May limits ang PDA sa school, Alec. Kung di niyo mapigilan ang sarili niyo, wag naman sa gitna ng hallway."

"Sorry, maybe we'll be a little more discreet next time." Sagot ni Alec. "Una na kami."

Hinila ako ni Alec papalayo kay ma'am Perez at nang magpumiglas ako ay bigla niya akong binuhat, bridal style. Ngiting-ngiti pa siya kaya't hinila ko yung ponytail niya dahilan para mabitawan niya ako.

"Aray ko naman!" Hiyaw niya.

"Kaya ko maglakad!" Halos pasigaw kong sabi sa kanya. "San mo ba ako dadalhin?!"

"Sa labas. Kakain tayo."

Pinaghahampas ko siya sa braso, walang pakialam kung matamaan ko yung mga pasa at sugat na natamo niya noong nabugbog siya ilang gabi na ang nakakaraan. "Bwisit ka, bwisit, bwisit!"

"Sabi mo ayaw mo sa drama nila Louisse, then stick with me. I want you anyways. Maybe having you for a girlfriend will be for the best."

Gusto ko siyang sampalin sa paghalik niya sa leeg ko. Kinikilabutan pa rin ako hanggang ngayon. Nagbabadya nang tumulo ang mga luha ko. Pakiramdam ko minolestya niya ako.

Napatigil naman si Alec at mukhang naramdaman ang sama ng loob ko. "Fine, if you don't want to be my girlfriend, eh di wag."

"Akala ko ba friends tayo?" Hikbi ko. "Ganun ka ba sa friends mo?!"

Nabalot ng pagkalungkot at pagsisisi ang mukha ni Alec at nang lumapit siya sa akin ay nanigas ako bigla.

"Sophie?" Mahina ang boses niya pero may kakaiba sa pagkakasabi niya ng pangalan ko. Pinunasan niya ang luha ko. "Pwede ba kitang ligawan?"

Tinitigan ko yung mukha niya. Nakakaawa siya tingnan dahil sa black eye niya at sa putok niyang labi pero seryoso ang mukha niya, hindi nagbibiro.

"Gusto kita. And it's the first time I've ever considered having a girlfriend."  Pagpapatuloy niya. "Kung kailangan kita ligawan, gagawin ko."

"Pano pag sinabi kong ayoko?"

Umatras siya. "Tatanggihan mo ako?"

Inirapan ko siya. "Di lahat ng manliligaw sinasagot. Bakit kita papayagan kung ngayon pa lang di ka makapaniwalang tatanggihan kita."

Polar OppositesTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang