Nagulat ako ng paglabas ko andoon si Darius kasama si Kevin at Leo. Nilapitan ko sila.

"Anong ginagawa niyong tatlo dito?" tanong ko

"Kasi Aisha sabi ni Darius puntahan ka daw namin" turo ni Leo kay Darius. Tinaasan ko naman ng kilay si Darius.

"Mamaya pa usapan natin may class pa ako" sabi ko

"Oo nga sunusundo lang kita" sabi niya sabay akbay sakin. Nag-apir naman sila Kevin at Leo.

"Yun oh dumadamoves na siya bro" tuwang tuwa na sabi ni Kevin. Nagfist bump pa sila ni Leo.

"Bakit mo naman ako sinusundo? Hindi na ako bata para sunduin" sabi ko

"Kakain tayo tara" sabi niya nang hindi pa rin inaalis yung pagkakaakbay sa'kin.

"Kakain lang pala hindi mo kayang kumain mag-isa? Susubuan pa ba kita?" pang-aasar ko sa kanya. Pero imbes na maasar siya tumawa lang, may sakit ata 'to sa utak e maluwag turnilyo.

"You just gave me an idea subuan mo ko, tara na" sabi niya nagpahila na lang ako. Nakasunod naman sila Kevin at Leo samin.

Pagpasok namin sa cafeteria grabe kung makatingin sa'kin yung mga babae dito. Kung nakakamatay lang mga tingin nila durog-durog na katawan ko. Umupo kami sa usual spot nila.

"Ano sayo Aisha?" tanong ni Leo

"Bakit libre mo ko?" balik ko ng tanong sa kanya

"Hindi tinatanong lang kita e" napakamot siya sa ulo niya

"Hindi pala e" tumatawa kong sabi ang kulit kasi ng itsura niya.

"Libre daw ni Darius dali na kasi oorder na ako" sabi ni Leo na parang naasar o naasar na talaga siya.

"Kanin at adobo na lang" sabi ko. Tumayo na sila Kevin at Leo para umorder ng pagkain.

"Hoy Darius" tawag ko sa kanya

"Bakit?" busy siya sa paglalaro ng phone niya

"Saan condo mo? Hindi ko alam pano ako pupunta dun?" tanong ko

"Sabay tayo mamaya umuwi" sabi niya na hindi pa rin tumitingin sa'kin.

Dumating na sila Kevin at Leo dala yung mga pagkain namin. Nilapag na nila yun sa mesa at nagsimula na kaming kumain. Pero si Darius naglalaro pa rin. Siniko ko siya.

"Hoy 'di mo gagalawin yang pagkain mo?" tanong ko "Tigil mo na kasi yang paglalaro mo ng phone mo" akmang kukunin ko pero nilayo niya.

"Kala ko ba susubuan mo ko" sabi niya naglalaro pa rin ang gaga

"Ano ka baby?" tanong ko naasar na ako ah

"Baby mo? Oo kaya subuan mo na ako" sabi niya.

Napakamot na lang ako sa ulo.

"Bahala ka dyan kumain ka mag-isa mo" sumubo ako ng kanin

"Subuan mo na kasi Aisha hiya ka pa" sabi ni Kevin

"Ba't 'di mo subuan ikaw nakaisip e" sabi ko

"Hindi ako kakain hanggat 'di mo ko sinusubuan" nakapout na siya

Aaminin ko ang cute niya dyan ang sarap pisilin ng pisnge. Binaba na niya yung phone niya.

"Ang kulit mo 'no" sabi ko. Kinuha ko na yung kutsara at tinidor niya. Tiningnan ko siya nakangiti na si gaga.

"Oh nganga" nilapit ko yung kutsara sa bibig niya. Ngumanga siya tas sinagad ko yung kutsara charot mabulunan pa 'to.

"Sarap?" tanong ko. Tumango naman siya, sarap na sarap siya. May naisip akong kalokohan.

SAIL WITH ME (On-going)Where stories live. Discover now