Chapter 14 | A Tribe In Welkin

546 50 53
                                    

“The river ends here,” ani Nix sa malamig na boses bago siya tumigil sa pag-lalakad upang humarap sa kaniyang mga kasamahan. “Where is the tribe, Sky?”

Kasalukuyan sila ngayong nakaharap sa isang malaking bundok at pareho silang nakatingala sa pinaka-itaas nito.

“We are already in the tribe,” sagot ni Sky kaya naman ay nagkatinginan silang lahat dahil sa pagtatakha.

Kanina pa sila palinga-linga sa kapaligiran ngunit wala silang nakitang tribo o kahit niisang tao man lang na nanggagaling sa tribo. Ang nakikita nila lang ay ang malaki at mataas na bundok na kaharap nila ngayon, at dahil sa sobrang taas nito ay natatabunan na ng makapal na ulap ang tuktok nito.

“Do enlighten me, Sky.” Nath bit his inner cheek because of confusion.

“We just need to climb this mountain because the entrance of the tribe is up there.” Itinuro naman ni Sky ang pinakatuktok ng bundok kaya halos lumuwa na ang kanilang mga mata sa narinig.

“What the—may balak ka bang patayin kami sa pagod?” Humarap si Winter kay Sky na halatang nainis ng kaunti sa nalaman. Maliban sa pagod ito ay nagugutom na rin siya kaya naman ay wala siya sa mood ngayon. “O ‘di kaya papatayin mo kami sa sobrang takot. Just look at it, Sky.” Bahagya pa niyang itinuro ang bundok. “How can we climb this mountain?”

“Aye,” pagsang-ayon ni Zen. “I think, this is the biggest and highest mountain I’ve ever seen in my whole life!”

“Well…” Nagkibit-balikat si Sky saka dahan-dahan siyang umangat sa ere. “As for me, I can just fly—“

“So, you’re leaving us, huh?” Tinaasan siya ni Nix ng kilay dahilan para agad siyang umiling.

“When we have visitors, we can just send some Pegasus to get them. But as of now, I have no contact to my Dad or anyone else in the tribe to inform them that we’ve finally arrived,” mahinahong saad nito.

“Pegasus is a mythical winged divine horse. It is usually depicted as pure white and is immortal!” manghang paliwanag ni Lemon habang ito ay nakatingala sa itaas na para bang may inaalala itong sagot sa isang tanong. “A Pegasus can be seen in Ventum Tribus and on the top of the mountain in Mystic Island. Ayon sa mga manglalakbay ay matatagpuan lamang ito sa matataas na lugar, kaya siguro mayroon kayo rito sa Ventum.”

“Yes.” Tumango si Sky.

“Puwede naman akong gumawa ng hagdan papunta sa taas,” suhestyon ni Trisha at pinaglandas ang kamay sa lupa ng bundok.

“Sige, si Trisha na ang bahala sa amin,” sabi ni Musa bago niya hinarap si Sky. “Mauna ka na at susunod na lang kami sa ‘yo.”

“No. I’ll come with you, I’ll walk.” Dahan-dahan namang bumaba si Sky sa lupa at saka ibinigay kay Trisha si Luna. “I think you need Luna.”

Malapad na ngumiti si Trisha bago siya tumango at kinuha si Luna, mukhang alam na alam talaga ni Sky ang mga mood niya. It’s true that Trisha really needs Luna right now. Gusto niya munang maabala sa iba para naman makalimutan niya ang problema niya ngayon, ang problemang hindi niya naman alam kung ano. Basta ay nasasaktan lamang siya ng hindi niya alam ang dahilan.

Humarap na muna si Trisha sa bundok bago niya ikinumpas ang kaniyang kamay, saka nagkaroon ng hagdan na yari sa lupa papunta sa itaas, kaya naman ay sinimulan na nilang akyatin ang bundok gamit ang hagdan na ginawa ni Trisha.

From time to time, gumagawa si Trisha ng hagdan upang dugtungan pataas ang putol na hagdan. Hindi rin kasi umaabot sa tuktok talaga ng bundok ang ginawa niya kaya siya gumagawa ng karugtong nito, at ang nadaanan naman nilang hagdan ay ibinalik niya na sa dating anyo nito.

Scars of ChaosWhere stories live. Discover now