Chapter 20 | The Call Of The Bird

559 37 119
                                    

Musa slowly opened her eyes when someone suddenly spilled water over her face. Unang bumungad sa kaniya ang isang lalaking na sa palagay niya ay isa sa mga tauhan ng demonyong lalaking iyon, agad na tumayo ang lalaking bumuhos sa kaniya ng tubig at saka lumabas ng kulungan.

Napaubo siya at akmang igagalaw ang mga kamay niya ngunit napatigil rin nang mapagtanto niyang nakaposas na naman iyon mula sa likod. Napangiwi na lamang siya bago bumangon. Hindi niya rin maibuka ang kaniyang bibig dahil may mahigpit na nakatakip roong isang puting tela.

"What're we going to do now?" Lumingon siya kay Sky nang marinig niya ang malungkot nitong boses.

"They even covered Musa's mouth so that she could not sing and destroy the chains again." Malakas na bumuntong-hininga si Angel.

Gaya ni Musa ay nakaposas na ulit ang mga kaibigan niya, nasa likod rin ng mga ito ang kanilang mga kamay katulad niya, pero wala namang takip ang mga ito sa bibig. Sunod niyang binalingan ng tingin si Lemon na ngayon ay gising na pero mukhang nanghihina naman ito. Nakasandal ito sa rehas ng kulungan at ang katabi nito ay si Zen. Namumutla si Lemon at mukhang kinapos sa hangin dahil habol-habol nito ang kaniyang hininga.

"Our things... they took it," mahinang wika ni Zen. "Shit! May ginto pala sa loob ng supot ko. Oh-hoho, they will going to regret it when I'm out of here."

"Are you okay?" tanong sa kaniya ni Nix na nasa tabi niya pala at nakahiga siya kanina sa kandungan nito.

Tango lamang ang isinagot niya kahit na nakakaramdam pa siya ng kaunting pagkahilo.

"Ang ganda na ng labanan kanina, ramdam na ramdam ko na 'yung pagiging hero ko." Halatang naiinis si Winter dahil sa nakalukot ngayon ang kaniyang mukha. "Kaso 'yong putanginang karayom na 'yon!"

"Huwag ka ngang maingay, nag-iisip ako." Nath gave Winter a glare.

Winter scoffed. "Oh, yeah?" He smirked. "Nag-iisip ka pala."

"Winter my man, human being has a brain and we use it to think." Pinaningkitan ni Nath ng mata si Winter. "Pero may ibang tao ring hindi iyon ginagamit, tulad mo."

"I'm using my brain, idiot!"

"Hmmm... really?"

"Tangina, oo nga!"

"Parang wala naman akong maalalang ginamit mo 'yung utak mo," pang-aasar pa ni Nath.

Akmang lalapit na si Winter kay Nath dahil sa sobrang inis pero bago pa siya makalapit ay sinipa na siya ni Nix sabay tingin sa kanilang dalawa ng masama. "At nagawa niyo pa talagang mag-away sa oras na 'to?"

"He started it!" sabay na sabi ng dalawa kaya naman sinamaan nila ng tingin ang isa't isa.

"Huhu, gusto ko ng lumabas dito!" Dinabog-dabog ni Trisha kaniyang paa sabay nguso. "Pag talaga makawala ako rito, ililibing ko sila ng buhay."

Tumango si Rain bilang pagsang-ayon. "I'll drown them."

"Hmm-mm. kakatayin ko sila!" maangas na saad ni Angel.

Napangiti na lang si Musa dahil sa mga inasal ng mga kaibigan niya. Wala man lang siyang makitang takot sa mga ekspresyon nito kahit na nakakulong sila at nandito na ang pinuno ng mga bandits na isang Slave Trader. Siya lang ata ang natatakot para sa kanila. Alam niya ang kayang gawin ng demonyong lalaking iyon.

"Lemon..." Nag-aalalang tinignan ni Zen si Lemon nang pinilit nito ang gumalaw. "Don't move too much."

Lemon just gulped before talking, "We need to get out of here. We shouldn't waste time-"

Scars of ChaosWhere stories live. Discover now