Chapter 35 | Aurora

497 33 118
                                    

“Northern lights?” namamangha pa ring sabi ni Trisha habang nakatuon ang kaniyang mga mata sa mga ilaw na nasa madilim na kalangitan. Nang bumalik siya sa kaniyang diwa ay mas namilog pa ang kaniyang mga mata at saka tumalon-talon siya sa saya. “Aha! Northern lights! Oh my gods, there’s light on the sky!”

Kahit ang kaniyang bibig ay nakaawang dahil sa pagkamangha at ang kaniyang mga kamay ay nakahawak sa magkabilang pisnge niya na parang sinisigurado niya pa kung totoo ang kaniyang nakikita ngayon. “Totoo nga!”

At ng dahil sa pananabik at sayang kaniyang nararamdaman ay tinawag niya ang mga pangalan ng kaniyang mga kaibigan nang hindi umaalis-alis sa kinatatayuan niya, dahil natatakot siyang mawala ito kapag umalis siya sa lugar niya ngayon. Habang sinisigaw ang mga pangalan ng kaniyang mga kaibigan ay nanatili ang mga mata niya sa kalangitang ngayon ay lumiwanag na ng kaunti.

“Trisha, can you shut the fuck up just for this moment — “ napatigil na lamang sa pagsasalita si Angel nang makita niya ang mga ilaw na nasa kalangitan. Natigilan siya sa tabi ni Trisha at unti-unting namilog ang mga mata. “Oh my gods…”

Habang namamangha at hindi makapagsalita ang dalawa ay nagsimula ng lumakas ang hangin, meaning, the storm is beginning. Ngunit hindi rin nagtagal ay nakarating na si Sky at Nix na kasalukuyang may dala-dalang mga sangang nakuha nila mula sa kagubatan. Si Sky ay nakasakay kay Luna habang si Nix naman ay naglalakad lang.

Kaagad nilang nakita si Trisha at Angel na nakatunganga sa itaas kaya naman ay noong pagkarating nila sa loob ng kuweba ay tinignan nila ang direksyon kung saan nakatingin ang dalawa. Their reactions are expected. When they saw the northern lights in the sky, their lips gaped and their eyes opened wide, and then amazement and confusion consumed them.

“Damn…” hindi makapaniwalang sabi ni Nix.

“W-What…”

Sabay na nahulog mula sa kamay ng dalawa ang mga sangang nakuha nila. Pati si Luna ay namamangha ring nakatingin sa kalangitan kaya naman nang dahil sa pagkawala ng diwa ay bigla na lang naging maliit si Luna dahilan para mahulog si Sky at pabagsak na napaupo sa lupa.

“Ah! Luna!” naiinis na sigaw ni Sky sabay himas ng kaniyang pwet dahil sa sakit.

“We gotta tell the others.” Nagmamadali namang nagtungo sa loob ulit si Angel at halatang sabik na sabik na sabihin sa iba ang nakita.

“Why didn’t we saw that when we were on the woods?” pagtatanong ni Sky bago siya tumayo at mag-inat ng kaniyang katawan.

“What happened, Trisha?” seryosong baling ni Nix kay Trisha kaya naman ay napatingin sa kaniya ang dalaga nang nanlalaki pa rin ang mga mata.

“Hindi kayo maniniwala,” iling-iling na sabi naman ni Trisha. “I just found the last gem. You guys, I found it!”

“W-Wha — how?!” naguguluhan namang tanong ni Sky.

“It’s because it is inside of her.” Bumaling ang tingin nilang tatlo kay Nath na ngayon ay nakapamulsa nang naglalakad papalapit sa kanila habang ang mga iba naman nilang kasama ay nasa likuran nito. Dumako naman ang tingin ni Nath kay Trisha at nginitian ito ng malapad. “I knew you could do it.”

“Well, I have a hunch but I’m not sure yet,” sabi naman ni Lemon at saka ngumiti rin kay Trisha. “All this time, we have a gem among us.”

“You guys…” Nanunubig ang mga matang binalingan ni Trisha ng tingin ang kaniyang mga kaibigan habang sumisinghot-singhot pa. “Natakot ako kanina, akala ko lumabas puso ko tapos mamamatay na ‘ko, huhu!”

Scars of ChaosWhere stories live. Discover now