Chapter 7 | A Mermaid's Scale

641 47 61
                                    

Lemon’s Point Of View
___

Hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong ika-stress; ang katangahan ba ni Trisha o ‘yong piratang walang ginawa kundi ang mangulit at humingi ng pera sa amin…

“Shut up, Lunatic!” inis na sumigaw si Rain bago siya gumawa ng bolang tubig at binato iyon sa piratang nag-ngangalang Zeno, na kanina pa dumadaldal at nag-iingay.

“Trisha, puwede bang maglaro ka muna roon?” Itinuro ni Angel ang pinakadulo ng barko pagkatapos ay hinilot niya ang kaniyang sentinado dahil sa frustration. “Fucking far away from us, huwag mo muna kaming istorbohin. Please.”

Nakita ko ang pag-nguso ni Trisha. “Ihh! Tumutulong rin naman ako.”

“Well, yes, you’re surely helping us,” I said sarcastically and raised my brow at her. “Sino ba naman ang matinong tao na gagawaing pain sa mga isda ang mapa?”

“Speaking of fish, I have something to ask you, Lemon…”

Bumaling ako kay Nath at bored siyang tinignan. “What?”

This better be good…

“Do fishes ever gets thirsty?”

Madiin kong pinikit ang aking mata saka hinilot ang sentinado ko. Sumakit na tuloy ang ulo ko dahil sa mga tangang nakapaligid sa akin.

“Sagutin mo na. Ikaw lang naman ang naka-experience na maging isda. So, tell me.”

Hindi ko na lang ito pinansin at binalingan ng tingin ang mga piratang nakatali sa malaking kahoy ng barko. Nagpapasalamat ako sa labanang naganap kanina dahil kahit papaano ay nagalaw ko rin ulit ang mga braso at paa ko, palagi na lang kasing utak ko ang gumagalaw sa loob ng isang taon, kasi hindi naman nila ako pinapasama sa bayan dahil ako ‘yung gumagawa ng plano. Hays, minsan nakakapagod rin ang maging matalino.

But, anyways, we defeated the pirates and took over their ship.

And actually, fishes doesn’t get thirsty. Marine fishes are called hypertonic to the seawater, so, they never get thirsty because they’re going to drink tiny amounts of seawater when they need it. And they keep themselves topped up. That is according to Mr. Guogle, he is a well-known writer in the world, and people said that he knows everything.

“You…” Lumapit ako kay Zeno habang matiim ko siyang tinitigan. Nang makalapit ako sa kaniya ay lumuhod ako upang pantayan ang taas niya ngayon. “Since you’re a pirate, you must know where the island of the Mermaids is.”

Exactly! We’re now in nowhere, since Trisha destroyed the map by making it a bait to the fishes. Oo, pumunta si Sky kanina para i-check ang islang iyon, pero kahit anong pilit naming tanungin siya ay sinusukuhan niya lang kami. And now, we’re completely in nowhere! We even tried to ask Mister Frost’s men but they’re seemed to be lost too.

“Fish…” Gumuhit ang isang ngisi sa kaniyang labi. Sunod niya inilapit sa akin ang mukha niya ngunit hindi ako nagpatinag, hindi ako lumayo kahit ilang dangkal na lang ang mukha namin sa isa’t isa.

Tumaas ang isang kilay ko at mas lalo siyang tinitigan sa kaniyang maiitim na mata. “Fish is not my name, it’s Lemon.”

Kanina lang habang naglalaban kami ay may napansin ako sa kaniya. I can say, Zeno has magic. He can summon weapons if he wants to, any weapons, but not the weapons of the Dragon Warriors. He can be a great soldier or warrior for that.

“I prefer Fish.” Lumayo siya saka sumandal sa kahoy. “I’ll tell you where we are if you pay me for that, and also, you’ll pay me for the damages you’ve made earlier.”

Scars of ChaosWhere stories live. Discover now