Chapter 13 | In A Silent Time

570 54 54
                                    

Third Person’s Point Of View
___

Dahan-dahan na minulat ni Rain ang kaniyang mga mata nang may naramdaman siyang mainit na bagay na dumampi sa kaniyang labi. At dahil nakaawang ng kaunti ang kaniyang labi ay naramdaman niyang unti-unti pa iyong ibinuka ng bagay na nakadikit sa kaniyang labi at tila binibigyan siya nito ng hangin.

When her gaze finally got back to its normal state, she hardly blinked two times before coughing. Kaagad namang lumayo ang bagay na dumikit sa kaniyang labi bago pa siya tuluyang umubo.

“Oh my!” rinig niyang natataranta at may pagkabahala na sigaw ni Musa bago siya bumangon mula sa pagkakahiga niya sa damuhan.

Ang mga kaibigan niya ay nakapalibot sa kaniya at halatang nag-aalala sa kalagayan niya ngunit napakunot na lamang ang kaniyang nuo nang mapatigil ang mga mata niya kay Nath at napansing basa saka wala na itong saplot pang-itaas.

Habol-habol nito ang hininga at nakapikit ang mga matang nakatingala ang ulo sa itaas. Basang-basa ito na parang kaka-ahon lang mula sa tubig. Bahagya nitong ginulo ang basa nitong buhok bago ito tumingin sa baba at saka inayos ang pag-hinga niya.

“What were you thinking?!” Biglang hinawakan ni Winter ang magkabilang-balikat ni Rain saka iniharap ang dalaga sa kaniya. “Nag-isip ka ba kanina bago ka tumalon sa ilog, ha?!”

Nanatili siyang tahimik at itinikom ang bibig. Tulad ni Nath ay habol-habol niya rin ang kaniyang hininga kaya hindi siya makasagot sa mga tanong ng mga kaibigan niya, at isa pa ay wala rin naman siyang balak na sagutin o sabihin ang tungkol sa nakita niya noong nasa ilalim pa siya ng ilog.

“What you did earlier is suicide, Woman.” Umiling-iling si Zen habang nakahalukipkip ang mga braso niya sa kaniyang dibdib.

“Don’t ever you ever do that again, or I’ll kill you myself.” Nanlilisik ang mga mata ni Angel sa sobrang galit. Galit siya sa ginawa ng dalaga kanina, muntik na nga siyang tumalon sa ilog para tulungan ito ngunit naunahan lang siya kanina ni Nath.

“Rainy, naman eh! Bakit mo ba ginawa ‘yon?” Maingat siyang niyakap ni Trisha saka kumalas rin agad para bigyan siya ng oras upang makahinga. “Nag-alala kaming lahat.”

Matiim namang tinitigan ni Nix ang dalaga. Hindi man halata sa ekspresyon niya ay nag-aalala siya para kay Rain, being with her for a year is enough to make him give his trust to her and care for her. “Huwag mo lang sabihin sa amin na wala kang mahalagang rason, pagkatapos mong talunin ang ilog na ‘to.”

Next was Sky, he shook his head and sighed. “You should thank Nath for saving you. I think he was the first one to see you jump onto the water, and then he quickly removed his shirt and dive into the river.”

“That’s right,” pagsang-ayon ni Lemon at saka pilit na pinipigilan ang ngisi niya. “And when you two got out in the river, he performed a lifesaving procedure when he noticed that you’re not breathing.”

Ang lahat ng sinabi ng mga kaibigan niya ay hindi niya pinakinggan. Nakakuyom lamang ang kaniyang mga kamay matapos niyang maalala ang nakita niya kanina sa ilalim ng ilog. Hindi pa sapat ang nakita niya, kaunti lang ang nakita niya kaya sumagi na naman sa isipan niyang tumalon muli para malaman niya na kung ano ang gustong sabihin ng kaniyang ina sa kaniya, gamit ang mga memorya ng nakaraan nito.

“If you’re thinking of jumping again, then forget it…” Madilim ang mukha ni Nath at nagtatagis ang bagang nito habang ang mga kamay nito ay mahigpit ang pagkakakuyom. “I won’t let you do that again.”

Nakagat niya na lamang ang pang-ibabang labi niya bago siya nag-iwas ng tingin. Hindi rin naman niya ginusto ang nangyari kanina. It just happened. She jumped because she can feel something inside of the river, like someone is calling her.

Scars of ChaosWhere stories live. Discover now