Chapter 17 | Lost In A Desert

512 38 45
                                    

Musa’s Point Of View
___

“Excitare…”

Dahan-dahan kong minulat ang aking mata nang may narinig akong isang tinig ng babae. Mahiwaga ang tinig na iyon at kasabay no’n ay ang malakas na tinig ng agila—no, more like a phoenix. A roar of a phoenix. Malakas ang tinig ng ibon na iyon at mahiwaga, na para bang tinatawag ako no’n.

Nang naimulat ko na ang aking mga mata ay bumungad agad sa akin ang madilim na kalangitan. For one year of living with this sky, the sky that is as dark as an ash, nasanay na ako. Every time that I see the sky, I am not surprise at all.

“Argh!” Bumangon ako mula sa pagkakahiga ko sabay sapo ng aking nuo nang maramdaman ko iyong kumirot bigla.

What happened—teka, nasaan si Nix?!

Luminga-linga ako sa paligid saka ko lang nakita ang mga kaibigan ko na nakahandusay sa buhangin? Teka—inilibot ko ang aking paningin sa kabuuhan ng lugar. Napatayo na lang ako ng bahagya habang nililibot pa ang aking paningin sa lugar, kasunod na namilog ang aking mga mata sabay hawak sa bibig ko at umiling-iling.

“This can’t be…” Napakagat ako sa kuko ko habang nakatingin sa lugar.

Why are we in a desert?!

Mabilis kong nilapitan si Nix bago ko tinampal-tampal ng marahan ang pisnge niya para gisingin siya. Lahat sila ay mahimbing ang tulog na para bang komportableng-komportable sila sa pagkakahiga nila, ang mga gamit naman namin ay nakakalat at natatabunan na ng buhangin.

“Nix…” Marahas kong niyugyog ang balikat niya. “Wake up, please.”

Nakahinga naman ako ng maluwag nang makita ko na unti-unting minumulat ni Nix ang kaniyang mga mata at saka kumunot ang nuo.

“W-What happened?” tanong niya nang makabangon mula sa pagkakahiga. Hinawakan niya ang kaniyang leeg at itinagilid iyon para mainat.

“I don’t know. Nagising na lang ako tapos napagtanto kong nasa isang disyerto tayo,” sagot ko saka tumayo at pinagpagan ang suot ko dahil maraming buhangin ang dumikit doon. Pagkatapos kong ayusing ang suot ko ay dali-dali ko siyang tinulungang tumayo.

“Musa…”

“What?” I asked, looking at him.

Abala siya sa pagsu-suri ng buong paligid, habang nakakunot ang kaniyang nuo at tila naguguluhan. “Bakit tayo napadpad dito?”

“Hindi ko nga rin alam, eh.” Lumapit ako kay Angel at saka niyugyog ang balikat niya tulad ng ginawa ko kanina kay Nix para magising ito. “Wake them up. We need to know what time or what day it is.”

Agad siyang tumango at sinunod ang sinabi ko. Nakita ko ang pag-liwanag ng kaniyang kamay habang hawak-hawak niya ang braso ni Nath. Unti-unting nababalot ng manipis na yelo ang braso ni Nath pero agad rin namang natunaw, dahil siguro sa mahika ni Nath. Nang magising si Nath ay ginawa niya rin iyon sa mga iba pa naming kaibigan.

“Angel…” Nilakasan ko ng kaunti ang pag-yugyog sa balikat niya dahilan para magising ito. Tinulungan ko naman siyang bumangon at pagpagan ang damit niya.

“Where are—fuck!” she hissed as she touched her head and massaged it.

“I think, we’re in a desert,” sagot ko bago tinignan ang mga kaibigan namin na ngayon ay gising na at kasalukuyang pinapagpagan ang mga damit nila, maliban na lang kay Lemon na ngayon ay pangko-pangko ni Nath dahil hindi pa ito nagigising.

Scars of ChaosWhere stories live. Discover now