Chapter 21 | Beneath The Sand

583 45 151
                                    

Pagkatapos pakawalan ni Musa ang mga kaibigan niya ay nilabanan nila na muna ang mga natitirang tauhan ni Dimitrio bago sila nagtungo sa mga kulungan na siyang kinaroroon ng mga dinakip ni Dimitrio. Agad nilang pinakawalan ang mga tao na siya rin namang nagpasalamat sa kanila dahil sa kabutihang ginawa nila.

“Huwag na po.” Dahan-dahang ibinalik ni Trisha ang pera na ibinigay sa kaniya ng isang matandang babae. “Mas kakailanganin niyo po iyan kaysa sa akin.”

Gumuhit ang isang munting ngiti sa mga labi ng matanda matapos iyong sabihin ni Trisha. Napakabait mo namang bata ka. Nakikita kong mayroon kang mala-gintong puso, pati na rin ang iyong mga kaibigan.”

“Ahy hihi… hindi naman po,” nahihiyang saad ni Trisha bago niya sinuri ang kabuuhan ng matanda. Halatang wala ng nag-aalaga rito dahil sa damit nitong halos mapunit na at mga dungis nitong nasa katawan, kaya nanlambot ang kaniyang puso sa kaharap.

“Labis kaming nagpapasalamat sa inyo.” Akmang luluhod ito ngunit mabilis naman niya itong napigilan.

Hawak-hawak niya ang magkabilang braso nito at inalalayan niya itong tumayo. “Huwag niyo po iyang gagawin, ihhh! Ginawa lamang naming ang sa tingin namin ay tama.”

Napatingin naman siya sa mga kasama niyang kasalukuyang nakikipag-usap rin sa mga taong pinakawalan nila. Humihingi siya ng tulong sa mga kaibigan niya dahil hindi niya alam kung anong gagawin sa matandang babae.

Napakagat siya ng labi pero kalauna’y napaigtad nang may naramdaman siyang tumapik ng mahina sa kaniyang balikat. Mabilis niyang tinignan ang tumabi sa kaniya saka ngumiti.

“Tell her to go the biggest tent in here. The abducted people are there, currently eating,” bulong sa kaniya ni Sky dahil mukhang nahalata rin nito na hindi siguro nakakaintindi ng ingles ang matanda kaya hindi na lang sinabi ng diretso ni Sky sa matanda, at isa pa ay alam ni Trisha na hindi marunong magsalita ng tagalog si Sky pero nakakaintindi naman ito.

Tumango siya saka nilingon ang matandang nakatingin lamang sa kanila habang may ngiti sa labi nito. “Nasa pinakamalaking tolda po ang mga iba niyo pong kasama, ‘yong bang tolda ng pinuno rito. Kumakain daw ho sila, baka nagugutom na rin po kayo.”

“Sige,” sagot ng matanda habang hindi pa nawawala ang ngiti sa mga labi nito. “Mag-ingat kayong mag-asawa, ha. Ingatan niyo ang isa’t isa.”

“Ha?” Napatigil siya dahil sa sinabi ng matanda.

“We’re not married,” mahinang sambit ni Sky dahilan para mapabalik siya sa diwa.

She smiled. “Hindi ho kami mag-asawa, kaibigan ko lang po siya.”

“Ahhh… gano’n ba. Paumanhin. Akala ko kasi mag-asawa kayo dahil iba ‘yong tingin sa ‘yo ng lalaking iyan,” sabi nito bago nagpaalam at naglakad na palayo mula sa kanila.

“Why?” Humarap siya kay Sky matapos nitong mag-salita. “How do I look at you?”

“Huwag mo na nga iyon pansinin.” She giggled then she put her right arm around Sky’s neck, pagkatapos ay bahagya niyang ginulo ang buhok ng binata. “Tara na, baka hinahanap na tayo ng iba.”

“Okay.” Sky shrugged before following Trisha.

Lumipat sa balikat ni Trisha si Luna at saka pinagtuloy ang tulog nito roon. Napangiti na lang si Trisha saka nagpatuloy sa paglalakad. Nang makalapit sa mga kaibigan nilang kasalukuyang nakaupo sa buhangin at nagpapahinga, dahil sa kapaguran sa pag-aasikaso sa mga taong dinakip ni Dimitrio.

Scars of ChaosWhere stories live. Discover now