Chapter 29 | A Peck to Silence

498 39 122
                                    

Musa’s Point Of View
___

There are times that I can hear the voices inside of the heads of the person that I wanted to hear, but now, I can’t hear anything. Sinubukan ko ang aking makakaya para pakinggan ang mga iniisip ni Nath pero wala akong nakuha. His power became stronger than before, and my magic can’t reach it.

Kanina pa kami naghihintay na magsalita si Nath pero wala niisang katagang lumabas mula sa kaniyang bibig. Nanatili siyang tahimik at nakatingin sa amin habang nagdidilim ang kaniyang mukha, na para bang may ginawa kaming kasalanan sa kaniya. Walang kaemo-emosyon ang mukha niya, kaya sinubukan kong pakinggan ang iniisip niya ngunit wala rin akong marinig.

The energy around him just keeps rising as minutes passed by.

“I can’t feel his breathing,” bahagyang bulong ni Sky na siyang ikinagulat ko. Si Sky lang ang tanging nakakaramdam ng mga paghinga namin, siya rin ang nagsasabi kung nanghihina ang isang tao o patay na ito gamit lamang ang mahika niyang pakiramdaman ang hininga nito, pero iba ngayon…

“He’s not dead,” Rain whispered as he stared even more at Nath. “I can still feel his heartbeat.”

“Why—what is happening?!” natatarantang tanong ni Angel. Alam ko mang gusto niyang lapitan ang kaniyang kapatid pero hindi puwede dahil nararamdaman kong mapanganib pa ngayon si Nath.

I tightened my hold on her right arm to stop her from going closer to her brother. “H-He’s dangerous… now.” I slowly gulped the lump on my throat. “Please, don’t go. Hindi natin alam kung ano ang puwede niyang gawin sayo.”

“He’s like a predator, ready to attack his prey,” sambit naman ni Nix dahilan para mapalingon ako sa kaniya. Nakita ko kung paano niya titigan si Nath, kung papaano siya ngumiwi habang nakatingin sa binata. “Sa ngayon huwag muna tayong lumapit sa kaniya. We’ll think of a way to get him,” tumigil siya saglit pero hindi nagtagal ay nagpatuloy ito, “Mas lumakas ang mahika niya, kaya sigurado akong wala tayong laban sa kaniya kapag nilabanan natin siya ngayon.”

Wala akong alam sa mga nangyayari kay Nath. Nang matapos niyang makuha ang gem at pumasok na ito sa katawan niya ay hindi man lang ito nahimatay, katulad ni Sky at Rain. Nanatili itong nakatayo na parang walang nangyari, ngunit nag-iba ang atmospera sa kaniyang paligid, nararamdaman ko iyon at sigurado akong nararamdaman din ng mga kasama ko.

“What’s wrong with you?” I heard Trisha asked him but he didn’t reply. Masasabi ko ring nawala na ang masiyahing Trisha, ang Trisha na maingay at makulit na parang isip bata. Nawala na ito sa ngayon at napalitan iyon ng seryoso niyang pagkatao. “Please don’t be like that, Nathaniel. Kausapin mo kami.”

Tumingin ako sa mga mata ni Nath at napansin ang bahagya niyong pag-ilaw. Parang may apoy na sumasayaw sa kaniyang mga mata. Habang nakatingin sa kaniya ay may napansin akong kakaibang mahika na nagmumula sa kaniya. While he’s standing in front of us, his eyes are glowing like fire, his hands are glowing too. He was just standing silently like he is not in his self.

“Nath…” malambing na tawag ni Winter at sinubukan nitong dahan-dahan na lumapit sa binata ngunit napatigil rin nang bigla siya nitong batuhin ng isang fire ball. Buti na lang ay nakailag siya kaya tumama lamang iyon sa lupa, sa harapan niya. “Putangina! Ikaw na nga ‘tong sinusuyo ikaw pa ang may ganang manakit!”

“S-Shut it, Winter,” nanghihinang pigil ni Lemon kay Winter sabay hawak sa kaliwang balikat ni Zen para mabalanse ang bigat ng katawan niya. “He’s not in his self,” pabulong na sabi nito.

Scars of ChaosWhere stories live. Discover now