Chapter 34 | Discovering Harmony

516 39 90
                                    

Third Person’s Point Of View
___

As they took a journey to the north, without a proper location, they didn’t stopped even just to rest because all of their minds are occupied about the upcoming war. Iniisip nilang lahat na malapit na ang itinakdang araw ng digmaan, the clash between the Phantoms and the livings. Hindi nila na muna inisip ang pinakahuling gem na dapat ay hinahanap nila ngayon dahil sa sinabi ng pinuno ng Tribus Terrae.

However, Trisha is starting to feel tired as she step her feet on the ground. Napapagod man ay hindi na muna siya nagsalita dahil nararamdaman niya ang pagkaseryoso ng mga kasama niya, katulad nila ay nalulungkot at nababahala rin siya dahil hindi pa nahahanap ang pinakahuling gem ngunit heto na sila ngayon, patungo sa hilaga. Hindi alam kung kalian titigil o kung ano ba ang dapat nilang gawin kapag nakarating na sila sa pupuntahan nila.

Napatigil na lamang sila nang makita nilang ang isang ilog na nagsilbing harang sa dararaanan nila. Napatingin naman silang lahat sa kabilang bahagi ng ilog at nakitang nagyeyelo at natatakpan ng makapal na nyebe ang kalupaan doon, pati na rin ang mga puno at mga halamang naroroon ay natatabunan ng nyebe.

“Looks like we’ve arrived…” pagputol ni Nath sa katahimikang bumabalot sa kanila saka siya humarap kay Nix at nagsalita ulit, “Can you get us on the other side of this river?”

Tumango lang si Nix bilang sagot bago ito naglakad papunta sa unahan kaya naman ay umatras silang lahat para bigyan ito ng space. Lahat sila, maliban kay Nix, ay umupo muna upang magpahinga para naman ay kahit papaano ay may kaunting enerhiya silang naipon upang ipagpatuloy ang kanilang paglalakbay.

Pagkaupo na pagkaupo ni Trisha sa damuhan ay may naramdaman siyang maliliit na pag-apak sa lupa at ‘yon ay ang mga langgam na nagli-linya-linya papunta sa kanilang kaharian. With a smile on her face, she slowly closed her eyes to feel the energy of the nature that surrounds her.

Habang si Nix naman ay prente lang na nakatayo at nakatingin sa ilog na nasa harapan niya. He then raised his both hands and motioned it as it glows, glowing like his eyes. Sandaling nabalutan ang buong kamay niya ng yelo pagkatapos ay iginalaw niya ang kaniyang dalawang nag-iilaw na kamay at itinuro ang ilog. As he motioned his both hands, a bridge that is made of ice formed in between of both land, connecting it together.

Pagkatapos ng ginawa ni Nix ay sandali silang nakaramdam ng lamig maliban na lamang sa tatlong lalaki. Sabay-sabay silang tumayo at saka inihanda ang kanilang mga sarili para salubungin ang malamig na temperatura na nasa kabilang bahagi ng ilog.

“Lemon,” tawag ni Nath sa dalaga at saka inabot ang kulay ginto na pito na ibinigay sa kaniya ng hari. Si Lemon lang kasi ang marunong na tumawag sa Hippogriff or kay Sunny. Pagkatapos na ibigay ang pito ay lumapit si Nath kay Angel upang ibigay ang kaniyang balabal para hindi ito lamigin pagkarating nila sa kabilang bahagi.

“Luna, please?” pakiusap ni Sky sa alaga habang nakatingin ito sa kaniyang balikat kung saan nakahiga si Luna. Bumangon naman kaagad si Luna at humikab muna bago bumaba, at saktong pagkababa niya sa lupa ay lumaki siya.

Tumingin naman si Sky kay Trisha. “Mae, come here.”

“Hmm? Bakit?” Dahan-dahang lumapit si Trisha kay Sky habang nakatingin ito kay Luna.

“Get on top of Luna,” sabi nito na agad rin namang sinunod ni Trisha. Kinailangan pang buhatin ni Sky si Trisha para makaupo ito ng maayos sa likuran ni Luna, pagkatapos ay isinunod niya ang mga gamit na dala nilang dalawa. Inilagay niya ang mga iyon sa likuran ni Trisha.

Si Rain naman ay sumakay sa likuran ni Sunny at kasama niya si Lemon na siyang nakahawak sa lubid na nakatali sa leeg ng Hippogriff. Ang mga gamit na mabibigat ay inilagay nilang lahat sa likuran ni Sunny at ang mga natirang supot ay dala-dala ng mga lalaki.

Scars of ChaosWhere stories live. Discover now