CHAPTER 56

5K 119 48
                                    

"NANDITO na siya," sabi ni Vanessa na nagkakape sa labas Three Moons Café pagkakita sa kotse ni Drew. Nasa labas sila nina Rose at Julio. Tumayo si Julio.

"Tatawagin ko na si Aljur," sabi ni Julio.

Ilang sandali lang, lumabas na si Julio at Aljur.

"Drew, yung pang-swimming ha," sabi ni Aljur paglabas ni Drew sa sasakyan.

"Nasa trunk na lahat," sabi ni Drew. "Put your stuff na rin doon."

Umandar ang sasakyan. Walang nagtanong kung saan sila pupunta. Sa Cabanatuan. Opening ng isang resort at ito sa mga nilakad ni Joaquin Concepcion para magkaroon ng kabuhayan ang ilan sa mga nasasakupan niya.

Gusto nga ni nanay Nena, magpakilala sila doon ng mga kaibigan ang anak. Para ipakitang tanggap sa lugar nila lahat Mas okay sana kung boyfriend, pero mag-iisang taon nang single si Julio. Kaya mga magjowang friends na lang ni Julio ang inimbita niya. Successful magjowang LGBT.

"Ano bang itsura nung resort?" tanong ni Rose. "Baka naman overdressed ako doon."

"Nakita ko yung inimpake mo sa bahay," sabi ni Julio. "Tatlong tatsulok lang ang tatakip sa mga utong at kepyas mo. Akala ko butch ka."

"Isusuot ko ang kahit anong gusto ko," sabi ni Rose.

"Bahala ka," sabi ni Julio. "Last time I checked, conservative pa rin ang mga taga-probinsya."

"You judged naman agad-agad," sabi ni Vanessa. "Hindi pa nga natin nakikita ang resort."

Ilang oras din ang minaneho ni Drew hanggang makarating sila sa Resort. Nagulat lang siya pagkakita niya ng pangalan ng Hotel. Sa ibabaw kasi noon, may pamilyar na logo.

"Hindi ba yan property nina..." sabi ni Aljur kay Julio. hindi na niya ito natapos. Nakita niya si Julio naglalakad papalayo sa kanilang apat.

Lumapit si Julio sa isang babae.

"Julio," sabi ni Justine. "You're here."

"Kapatid ko si Joaquin," sabi ni Julio at tinuro ang lalaking nakikipag-usap sa mga naka suit pang bisita sa hotel.

"Oh, that cute guy," sabi nI Justine. "Kaya pala he looks so familiar. He is you f you were straight."

"Or he is me, if he were gay," sabi ni Julio. "Justine, nandito ba si Dino?"

"Wala," sabi ni Justine.

"Ah okay," sabi ni Julio. "Akala ko, project niya ito."

"Akala mo or gusto mo," sabi ni Aljur na lumapit na kina Julio at Justine.

"Ay, Justine, si Aljur," sabi ni Julio. "Na-introduce ko na ba kayo?"

"Yeah," sabi ni Justine. "We went out one time sa coffeeshop niya."

"Ano ba naman yang si Sandino," sabi ni Julio. "May ganito pala siyang project with my family. Hindi man lang ako in-inform."

"Talaga ba?" Tanong ni Justine. "I knew he did. Yeah. He did a long one. Kakahiwalay lang ninyo noon eh. Yeah, oo. Binasa ko pa nga. Not unless he did not send it. But I'm sure he sent it."

"Tangina," sabi ni Julio. "Tangina. Hindi ko binasa. Binura ko na lang. ayoko na kasing..."

"Ayaw mo nang ma-distract pa," sabi ni Aljur. "Gusto mo kay Matt ka na kasi noon."

"Tangina," sabi ni Julio. "Justine, you have any idea, you remember any thoughts on what he wanted to say?"

"Ayoko nang maging as if us na lang," sabi ng boses sa likod ni Julio. "Kaya rin kitang ipaglaban at habulin tulad nang ginagawa ni Matt. handa na akong tumaya ulit sa love. And I am gonna fix you. You may think you are not broken, but you are. And I will start with your family. Kaya ilalaban ko ang tie up sa resort na itatayo dito."

AS IF USWhere stories live. Discover now