CHAPTER 50

3.4K 72 31
                                    


NAGMAMADALING pumasok si Julio sa office ni Marty. Late siya sa meeting dahil hinatid pa nila si Nate sa campus bago siya ihatid ni Matt sa opisina niya. Hindi naman iyon issue. Excited lang talaga si Julio na ibigay ang body of works niya kay Marty na requirement para sa kanyang promotions.

"Hindi naman ako mawawala," sabi ni Marty na kakaiba ang tingin kay Julio parang may pagnanasa. "Pero if you are that excited to see me, dito ka na lang mag-work sa office ko."

"Eew," sabi ni Julio kay Marty. "Alisin mo nga ang pagkakakagat mo sa lips mo. Hindi tayo talo."

"Ito naman," sabi ni Marty. "Sinabi ko na namang sa'yong mas dry pa sa cactus na naiwan sa bahay ang sex life ko..."

"Alam ko," sabi ni Julio. "Pero huwag sa akin. Bakit sa akin?"

"Eh ang sarap pala ng lahi ninyo," sabi ni Marty. "Hindi naman kita nakitang sex object until makita ko ang kuya mo. Kamukhang-kamukha mo, pero uhm. Lalaki. Parang nagka low pressure area sa panty ko. Hinigop ang lahat ng tubig sa dagat at binuhos sa..."

"Marty please," sabi ni Julio. "Saan mo nakita si Kuya?"

"Nasa waiting area," sabi ni Marty. "Sabi ko, late ka pumapasok, pero iyon, hinihintay ka niya. Pakilala mo nga ako. Ready na ulit akong mabuntis."


"BAKIT iniiwasan mo si Nanay?" tanong ni Kuya Joaquin kay Julio.

"Tanuning mo kaya ang sarili mo?" sabi ni Julio. "Ang laking tulong na umalis ako sa eleksyon di'ba? nanalo ka."

"Oo nga," sabi ni Joaquin. "Pero may pahabol ka pang gulo. Nagkalat ka sa internet. Yung kalandian mo tatluhan talaga?"

Natahimik silang dalawa.

"Pero tapos na yon," sabi ni Joaquin. "Nandito ako para magpasalamat. Kahit papaano sinubukan mo pa ring pagbigyan si Nanay at si Tatay na suportahan ako."

Hindi pa rin nagsalita si Julio.

"Gusto sana ni Nanay na mag-celebrate kasama ka," sabi ni Joaquin. "Ang panalo, ko, panalo ng pamilya natin."

"Kayo na lang, okay na ako," sabi ni Julio. "Nagpa-pamilya na rin ako dito."

"May iba ka na namang lalaki?" tanong ni Joaquin.

"Nakarating na pala sa inyo na wala na kami nung dinala kong kahihiyan sa kwarto ko," sabi ni Julio.

"Julio naman," sabi ni Joaquin. "Para to kay Nanay. Kahit para sa kanya na lang. Nakakahiya na hindi natin mapagbigyan ang nanay natin."

"So pinagbibigyan mo lang siya?" tanong ni Julio.

"Oo," sabi ni Joaquin.

"Huwag na," sabi ni Julio. "Kung effort lang din sa iyo. Huwag na. Hindi talaga madaling tanggapin kaming mga bakla. Kaya kung nahihirapan ka, huwag mo na lang tanggapin. Huwag mo na lang din kaming guluhin. Huwag mo nang ipilit yung mga gusto mong mangyari sa amin, na hindi naman talaga kami apektado. Kasi hindi ko naman pinakikialaman yung mga bagay na nakakaapekto sa inyo."

"Talaga ba?" sabi ni Joaquin.

"Ano isisisi mo na naman sa kabaklaan ko yung pagkatalo mo sa eleksyon?" tanong ni Julio. "Nanalo ka na naman di'ba?"

"Hindi na ito tungkol sa eleksyon at sa kabaklaan mo," sabi ni Joaquin. "Tungkol na to sa kung paano mo pahalagahan ang pamilya natin."

"Ang pamilyang hindi nagpapahalaga sa akin?" tanong ni Julio.

"Ano ka ba ngayon?" sabi ni Joaquin. "Ang ganda ng trabaho mo dito di'ba? Mapo-promote ka pa, sabi ng boss mo. Sa tingin mo ba, ikaw lang ang trumabaho nyan? Sa tingin mo ba, walang tulong dyan yung pagpapaaaral sa iyo nina Nanay at Tatay. Na kahit gusto nila na mag-law ka tulad ko, pumayag sila na mag-fine arts ka? Hindi ka scholar. Sina Nanay at Tatay ang nagbayad ng tuition mo. Sila ang bumili ng mga gamit mo. Sila ang nagpondo ng exhibit mo. Lalaki ka pa ba nung ginawa nila yun? Hindi. Highschool ka pa lang pumipilantik na yang mga daliri mo. Inusuot mo na ang mga sapatos ni Nanay, pero pinag-aral ka pa rin. Hindi pa ba pagpapahalaga sa iyo yun."

AS IF USWhere stories live. Discover now