CHAPTER 19

4.1K 83 22
                                    



JULIO

"ANO yan?" tanong ni Aljur kay Julio nang masilip na nakikipagchat na naman ito sa dilaw na app. "Nag CR lang ako, naghanap ka na ng ibang kausap."

"Hindi lang naman kausap ang hanap ko dito?" sabi ni Julio. Katatapos lang nilang mag-volleyball at tumambay muna sila sa tapat foodchain sa tapat ng campus kung saan sila naglaro. Hinihintay ang dalawa pa nilang barkada. Habang wala pa ang dalawa, tuloy muna ang usap nila. "Sa tingin ko naman, wala tayong planong tugunan ang pangangailangan nating iyon with each other."

"Totoo ka naman diyan," sabi ni Aljur. "Pero akala ko ba, okay ka na kay..."

"Nasaan na ba sina Vanessa at Rose? Hindi pa ba nagte-text?"

"Bakit may pagbabago ng usapan?"

"Hindi pagbabago. Ayoko na lang pag-usapan."

"Ay, ilabas yan, kapag ayaw pag-usapan, dapat lalong pinag-uusapan," sabi ni Rose habang binababa ang bag sa table.

"So true," sabi ni Vanessa. "Tungkol ba ito sa dalawang linggo nang hindi pagpaparamdam ni Sandino?"

"Feel ninyo siya?" tanong ni Julio.

"Ilang beses na kayong nag-agahan sa bahay," sabi ni Vanessa. "One week maybe forgivable, pero dalawang linggo..."

"Wala na ba?"

"Hindi siya nagpaparamdam eh," sabi ni Julio. "Na-ghost na yata ako."

"Akina ang phone," sabi ni Aljur.

"Bakit?" tanong ni Julio.

"Wag kang mag-alala. Hindi ko pakikialaman ang mga pangangaso mo ng kasex. Titingnan ko lang kung sino ang huling nag-text."

Nakuha ni Aljur ang telepono. Pinuntahan ang usapan nina Sandino at Julio.

"Ingat ka pauwi, see you again." Basa ni Aljur. "Si Sandino naman pala ang huling nagtext. Hindi ka nagreply."

"Hindi yun ganyan," sabi ni Julio. "Dapat bago siya matulog, magsasabi pa yan ng goodnight. Eh wala," paliwanag ni Julio.

"Eh bakit hindi ikaw ang naunang mag-goodnight?" Tanong ni Rose.

"Eh bakit ako?" napansin ni Julio ang pangangalikot ni ALjur sa phone niya. "Akina na nga yan, baka kung ano makita mo dyan, matakot ka."

"Well," sabi ni Vanessa. "You're the one who ghosted him. Sa kanya ang huling text."

"Ganun ba yon?" Sabi ni Julio. "Hindi ba pwedeng kaming dalawa ang nag-ghost sa isa't-isa?"

"Mga bakla na nga kayo, nag-go-ghost-an pa," sabi ni Rose. "Ano kayo, mga multong bakla?"

"Ang funny mo," sabi ni Julio. "Pinapaswelduhan ka ba para magpatawa?"

"Hindi," sabi ni Rose.

"Pwes itigil mo na," sabi ni Julio.

"Ay bakit may galit?" Tanong ni Vanessa. "Akala ko pa naman, makakapag-chill-chill lang tayo tonight. Saan ba tayo?"

"Dito na lang," sabi ni Aljur. "Mukhang hindi nga chill itong si Julio. Si Sandino ba? Miss mo?"

"Sige na, oo na!" sagot ni Julio. "Pero more than that, pinapauwi ako sa probinsya ni Tatay. Suportahan ko raw si Kuya sa kampanya."

"Sama kami," sabi ni Aljur. "Kailan ba yan?" malapit kayo sabeach, di'ba?"

"Kayo na lang ang pumunta," sabi ni Julio.

Tumunog ang telepono ni Julio. BInasa niya.

Im here. you know my car. Galing kay Sandino ang message.

AS IF USWhere stories live. Discover now