CHAPTER 54

3K 70 45
                                    


"AKO ba ang pipiliin niya?" tanong ni Julio.

"Anak niya yun," sabi ni Rose.

"But asawa naman si Yul, right, di'ba?" sabi naman ni Vanessa.

Nagbihis lang si Julio at sa bahay na sa Maginhawa dumeretso dala ang kanyang mga gamit. Alam niyang wala sina Rose at Vanessa doon, pero hindi siya makatakbo kay Aljur. Ito siguro ang problemang tinutukoy ng bestfriend na huwag siyang makahingi-hingi ng tulong kapag nangyari.

Nahiga lang si Julio sa sofa hanggang sa makatulog. Ngunit walang isang oras, dumating ang dalawa. Noong una ay hindi nila ginambala si Julio. Pero mababaw ang tulog ni Julio.

Hindi na nakapagbihis ang dalawa at tinabihan na si Julio.

Hindi na kailangan ang mga salita. Alam na nina Vanessa at Rose na may problema si Julio. Sa paghawak pa lang ni Rose sa balikat, bumuhos na ang luha ni Julio.

Ilang minutong hinayaan nina Vanessa at Rose ang pag-iyak ni Julio. Wala itong salita pero may mga hikbi. Tumutulo na ang sipon ni Julio, kasabay ng mga luha. Halos maubos ang laman ng tissue box.

"Hindi niya ako asawa," sabi ni Julio. "Kung ano kayo ni Rose, ganun lang din kami. Wala akong karapatan sa kanya kahit na divorced na sila ng asawa niya. Mga bakla kami, mga bakla tayo. Wala tayong karapatan tulad ng mga 'normal' na tao sa bansang ito."

"Bansa naman agad," sabi ni Rose. "Hintay ka lang."

"Anong hihintayin ko?" sabi ni Julio. "At paano yung walang paalam na pagdaliri niya sa akin? Ganun na lang yun? Kanino ako magrereklamo? Krimen yun sa totoong buhay. Pero sinong maniniwala sa akin. Si Matt? Kakampihan ba niya ako? Ako ba ang pipiliin niya?"

Narinig nilang bumukas ang gate. Inipon ni Julio ang natitira niyang dignidad. Kinha niya ang cellphone at tiningnan kung may mga text sa kanya si Matt. Kung hinanap ba siya nito.

May text. Nate said sa mga friends mo daw ikaw nag-overnight. Ingat ka lang ha.

"Oh may ha naman," sabi ni Rose. "Sweet yan if like that right? Ingat ka ha. Kumainka ha."

"Gago sila ha," sabi ni Julio.

"Ang sweet," sabi ni Rose.

Nagulat na lang sila nang si Aljur ang dumating. Nakasunod si Julio.

"Anong ginawa ni Matt?" sabi ni Aljur nag alit na galit.

"Wala," sabi ni Julio na sinusubukan pa ring itago ang pamumugto ng mga mata at ang ang nagka-crack na boses. "Okay lang, konting away lang. Kaya ko."

"Vanessa naman," sabi ni Aljur. "Iniwan ko yung Three Moons, nagpahatid pa ako kay Drew."

"Julio," sabi ni Vanessa. "Why don't you make sabi na kasi. Ako ang magmumukhang liar."

"Jur," sabi ni Rose at tinuro ang mga gamit ni Julio.

Lumapit si Aljur kay Julio. "Sinaktan ka ba ni Matt? Anong pinag-awayan ninyo? Wag ka mag-alala, nandito naman kami.

"Hindi," sabi ni Julio. "ayoko na lang dun. Ayokong sumama sa kanya sa Singapore. Nag-away kami."

"Don't lie na kasi, Yul," sabi ni Vanessa na naiinis na. "Hindi ganyan ka-petty ang dahilan para iwan ni Jur ang work niya, at ako ang magmumukhang evil. Pwede ba?"

"Fininger siya ni Nate habang natutulog," sabi ni Rose.

"Gusto mo ba yun, Yul?" tanong ni Aljur na titig na titig kay Julio.

"Syempre, hindi niya gusto," sabi Rose. "E di sana, hindi yan ngumangawngaw dito."

"Gusto ko lang malinaw, sa akin, sa inyo, sa kanya," sabi ni Aljur at nag-utos. "Tayo, pupuntahan natin ang mag-amang yan."

AS IF USWhere stories live. Discover now