CHAPTER 47

3.3K 111 90
                                    

"BREAK na ba talaga kami?" tanong ni Julio habangnakaupo sa sa salas ng bahay nila sa Maginahawa.

"Break na kayo," sabi ni Aljur na may dalang apat na cups ng kape, inilapag sa harap nilang apat at umupo sa tabi ni Julio.

"Dear, survey says, break na kayo," sabi ni Vanessa. "Nasagot ko na 'yan. Rose answered na rin. 100% na ang nagsabi. Break na kayo."

"Tama naman si Sandino," sabi ni Aljur. "Mabuti na tinapos na ninyo bago pa maging mas masakit."

"At hindi nasolusyunan ng pakikipag-threesome ninyo ang kakulangan sa realsyon ninyo," sabi ni Rose.

"Hindi naman sila nakikipag-threesome para maka-excitement ang relasyon nila," sabi ni Aljur. "Mukha bang boring na ang sex life nila?"

"Well, mayroon pa rin naman sigurong fini-fill na something iyon" sabi ni Vanessa. "Else, hidni na nila iyon gagawin."

"Kung anuman yun, huwag na nating alamin, kasi para na lang din sa wala dahil wala na sila," sabi ni Aljur.

"Break na ba talaga kami?" tanong ni Julio.

"Feeling ko nagjo-joke lang si Sandino," sabi in Rose. "Gusto mo, i-pack na ulit natin yung mga gamit mo tapos balik tayo dun sa condo niya. Baka tapos na ang gag. Tara. Baka kayo pa talaga."

"Paano kung hindi joke?" tanong ni Julio.

"Nag-joke ka ba nung sinabi mong magdamag kayong magkasama ni Matt bago ka niya ihatid dito?" tanong ni Rose.

"Hindi," sabi ni Julio.

"Then most probably, hindi rin nagjo-joke si Sandino," sabi ni Vanessa. "I'm sorry Yul. Need mo na ulit mag-move on."

"Ang unfair lang," sabi ni Julio. "Napaka-infair lang."

"Saan naman nanggaling ang issue na 'yan?" tanong ni Aljur.

"Bakit kapag ako nagkamali, ayawan na kaagad," sabi ni Julio. "Pero siya, ang kapal niyang makipagbreak sa akin, eh nakipagsex din naman siya sa ex niya. Ako lang ba ang may kasalanan? Ako lang ba ang nagkamali?"

"I don't know lang talaga," sabi ni Vanessa. "Pero if you were mali, siguro it's doon sa part na umamin ka. Ikaw na rin kasi ang nag-say na you were with Matt, pero si Dino, he was todo deny na may nangyari sa kanila ni Nathan. So if the presented data lang ang pag-uusapan between your arguments, ikaw lang ang nakipag-sex sa iba."

"Eh paano naman yung kwento ni Nathan?" Tanong ni Julio.

"Yung kwento niya, kwento lang niya," sabi ni Aljur. "Hindi ko sinasabing hindi iyon totoo, hindinatin alam iyon, pero nag-deny si Dino. Ikaw nagpipilit. Hindi ka lang nakipagsex sa iba, pinagbintangan mo pa siya, na parang siya pa ang may kasalanan kaya ka nakipagsex kay Matt."

"Eh siya naman talaga," sabi ni Julio.

Nagbago ang mukha ni Julio.

"Sino ba ang kaibigan ninyo, ako o si Dino?" tanong ni Julio.

"Ikaw syempre," sabi ni Rose. "Pero ano ba ang gusto mong sagot sa tanong mo? Break na ba kayo?"

"Hindi ko nga alam," sabi ni Julio.

"Ano bang gusto mong sagot?" tanong ni Rose.

Natahimik lalo si Julio. Napaisip.

"Hindi ko rin alam," sabi ni Julio.


MAS malungkot ang kalungkutan kapag nag-iisa na. hawak ang volleyball na hinahagis haggis niya sa kisame habang nakahiga sa kama pinilit intindihin ni Julio ang sarili niya. Tama ang ginawa niya. Si Nathan ang nagsabi ng totoo kaya niya ginawa ang ginawa niya kasama si Matt. Pero hindi mawala sa isip niya si Sandino.

AS IF USWhere stories live. Discover now