CHAPTER 26

4.1K 88 18
                                    

CHAPTER 21

"HINDI na nga siya dito nakatira!" sumisigaw na sabi ni Rose sa kausap nang dumating si Julio sa apartment nila.

"Anong hindi na ako dyan nakatira? Dito pa rin ako nakati..." tanong ni Julio nagmamdaling pumasok sa gate nang may makitang komosyon. Iniwan niya si Aljur sa sasakyan na nagpaparak pa. Napatigil siya nang makitang si Matt ay nakapasok na sa gate at nakaharap na ni Rose. "At paano ka naman nakapasok sa gate?"

"Hindi na ba ako welcome?" tanong ni Matt. "Our last messages seemed like we're okay."

"Wag kang pa-cool sa akin," sabi ni Julio. "Nagiging mabait lang naman ako sa iyo at ayoko nang nangsi-seenzone."

"So nagte-text pa rin kayo?" nakapamewang na sabi ni Rose kay Julio.

"Text lang naman iyon, wala iyong ibig sabihin?"

"You said goodnight," sabi ni Matt.

"Hoy, hindi ka na pasok sa category ng youth, at wala kang karapatang i-representa ang mga taong pwedeng magbigay ng ibang ibig sabihin sa message na goodnight," isang hingahang sabi ni Julio. "Good night lang yun na ang ibig sabihin ay goodnight!"

"Okay," sabi ni Rose. "Dito na ulit siya nakatira. Welcome home, housemate."

"At saan ka nga pala umuuwi at tatlong linggo na akong pabalik-balik dito, wala ka?" nagmamataas na tanong ni Matt.

Kinabahan nang kaunti si Julio. Hindi niya naiintindihan ang pagbigay ng kanyang pader sa commanding voice ni Matt. Kinailangan niyang huminga nang malalim para makabawi. He then found his center and composure.

"Yes po?" sabi ni Julio. "Daddy pa ba kita? Binibigyan pa ba kita ng karapatang pagalitan ako?"

"Hindi ko kailangan ang permiso mo," sabi ni Matt.

Muli may bumalik na kabang nilaban si Julio.

"Iaabot ko lang naman sa iyo ito!" iniabot ang isang mahabang kahon.

"Ano ito?" tanong ni Julio.

"Buksan mo," sabi ni Matt.

"Regalo to," sabi ni Julio. "Bubuksan ko kung kelan ko gusto o kung gusto ko pa bang may matanggap mula sa'yo. Ano ito at bakit may paganito kang nalalaman."

"You're compounding your sentences," sabi ni Matt.

Gumuguho lahat ng depensa ni Julio kay Matt. Nahihiya siya dahil nanonood sa kanya si Rose. Ngunit alam niya na alam ni Matt na kinakabahan siya kapag mahahaba na ang kanyang mga salita. May gusto siyang sabihin na hindi niya masabi. Nagiging defensive siya hindi para kay Matt, kundi para sa sarili niya.

"Just open it," sabi ni Matt.

Binuksan ni Julio ang regalo.

Rraketa. Yonex. Arcsaber 10. Pula. Ang ganda. Nagningning ang mga mata ni Julio. Napangiti si Matt.

"Ang ganda," sabi ni Aljur na kadarating lang. hinawakan ang raketa at tumingin kay Julio sa mata. Nagkatitigan sila. "Ako bang babali niyan o ikaw?"

"Aljur," sabi ni Matt. "Still feisty. Hindi ninyo kailangang sirain yan."

"Kasi mahal?" tanong ni Aljur.

"Because he's always wanted that," sabi ni Matt.

"Hindi mon a siya kilala," sabi ni Aljur. "Noong umalis ka, hindi na humawak ng raketa yang si Julio. Kailangang kong mag-adjust ng game kahit na gustung-gusto kong magbadminton. Pero ikaw ang naaalala niya. Kaya kailangan naming bumalik sa volleyball. Ganun kalaki ang epekto mo sa kaibigan ko. Damay ako. Kaya kung okay lang po, umalis muna kayo."

AS IF USWhere stories live. Discover now