CHAPTER 25

4K 85 57
                                    

HIMALA, nagreply ka.

Binasa ni Julio ang reply ni Matt sa telepono niya. Mag-isa siya sa kama sa kwarto niya. Matapos mabasa ang mga paliwanag at pagsusumamo ni Matt, finally, nagdesisyon siyang mag-reply. Hindi naman ibig sabihin nang pagre-reply ay magiging sila na. at wala naman silang relasyon ni Sandino, may kalayaan siyang gawin ang mga bagay na gusto niya. Kailangan lang niyang magpaalam. Bukas, magpapaalam siya.

Gusto ko sanang idirekta na sa MMK ang mga text mo. Lalagyan ko lang ng dear Ate Charo sa umpisa, at nagmamahal, Matt, di tunay na pangalan, sa dulo, baka manalo pa ako ng 10,000 pesos o kaya load. Reply ni Julio.

You're still the funny kid that I met running in the campus.

Naririnig ni Julio ang mbabang boses ni Matt habang binabasa ang reply na ito. Ang boses na nagpapnginig ng kanyang kalamnan. Nagpapapintig ng kanyang mga ugat. Nagpapakibot ng kanyang... ngunit bago pa siya madala ng ala-ala, pinigilan na naiya at mabilis na nagreply.

Mali ka doon Matt. Yes, funny pa rin ako. Pero hindi na ako kid. Nakaka-mature yung ginawa mo eh.

Kailangan niyang magtigas at hindi tigasan. May patutunguhan siya kay Julio. May inaabangan siyang isang magandang bagay, at hindi ala-ala ni Matt ang sisira noon. Sinara niya ang pangalan ni Matt at hinanap ang pangalan ni Sandino.

Gawa mo? Tanong ni Julio kay Sandino. Pinatay ang telepono. Kahit papaano, nawala ang guilt niya na si Matt ang huli niyang ka-text bago siya matulog.

Tumunog ang telepono. Hindi alam ni Julio kung sino ang gusto niyang magreply kaagad. Sana si Sandino. Sana.

Sorry. How can my sorry be enough? Sabihin mo kung ano ang kailangan kong gawin.

Bakit ikaw? Tanong ni Julio sa telepono, na para bang sasagot ito. Nag-type siya. Ano bang ginagawa mo Sandino. Ikaw ang gusto kong kausap. Bakit ang tagal mo magreply? Tapos ay binura rin niyang lahat. Busy ka?

Sabihan mo lang ako kung wala ng pag-asang bumalik ka sa akin. At gagawa ako ng paraan para magkapag-asa pa. I'll never give up on you.

Bakit ba kasi ako nagreply? Inilayo ni Julio ang telepono at ipinatong sa mesa sa tabi ng kama. Muli itong umilaw. Tinitigan ni Julio ang telepono. Hinintay mawala ang liwanag. Ngunit bago pa tuluyang magdilim, kinuha niya ang telepono.

Choosing my family was the right thing to do. You know that. But after choosing them, I knew I wasn't doing anything right for myself. Hinahanap-hanap ka ng katawan ko. Hindi ka mawala sa isip ko. And my heart stopped beating the way it was when I was with you.

Putang ina mo! Sinigawan ni Julio ang telepono at binaba ulit sa mesa.

Pumikit si Julio at tinangka nang matulog. Alam niyang walang darating na tulog at hindi mawawala sa isip niya ang message na iyon ni Matt. Tang-ina naman kasi, bakit pa ako nagreply?

Nakatalikod si Julio sa mesa nang magsimula itong mag-ring. Tang-ina mo. Minura ulit ni Julio ang telepono.

Ilang ulit na tawag ang hindi sinagot ni Julio. Nagpanggap siyang natutulog sa teleponong hindi naman siya nakikita ng nasa kabilang linya. Hanggang sa hindi na niya matiis. Kinuha niya ang telepono.

"Huwag mo na kasi akong guluhin!" sigaw ni Julio.

"Okay, sorry," kalmadong sagot ng lalaki sa kabilang linya. "I thought you wanna know kung anong ginagawa ko."

"Di?" tanong ni Julio. "Sandino? Sorry. Tangina, akala ko si..."

"Matt?" tanong ni Sandino. "Are you chatting na?"

AS IF USOù les histoires vivent. Découvrez maintenant