CHAPTER 6

7.6K 131 6
                                    

SANDINO

"PAAKYATIN na ninyo," cue ni Sandino kay Kuya Isko. Being the company's operations manager's "good friend" kilala ni Mang Isko, ang building guard, si Nathan. Gusto nga lang talaga ni Sandino na mayroon pa ring limit ang bata sa pagpasok sa buhay niya. Ito ang dahilan kung bakit hindi nakaakyat si Nathan the last time na nagdalaito ng pagkain na labis na ikinagalit ng bata.

Reasonable naman si Sandino. Hindi pa naman niya ito forever partner. At kapag naghiwalay sila, ayaw niyang akyatin siya nito sa paghahabol. Mas iyon ang dahilan niya, ayaw niyang kaya siyang habulin ni Nathan sa pagdating nang panahong magkahiwalay sila.

"Ako talaga ang hahabol sa iyo?" tanong ni Nathan habang pinag-uusapan nila ang paglabas-pasok ni Nathan sa building, na may valid sagot si Sandino na empleyado pa rin siya sa kumpanya. Hindi ito sa kanya para magpapasok kahit ng mga malalapit sa kanya. Tanggap naman iyon ni Nathan. Pero yung siya ang hahabol, somehow, alam ng bata ang kanyang worth.

"Bakit naman hindi?" sabi ni Sandino.

"Dahil ikaw ang mayaman? Ikaw ang may ganitong opisina? Ikaw ang mas nakaaangat?" line up ni Nathan ng mga dahilan.

Totoo naman. Ang ganda ng opisinang ito. Commanding ang malaking table ni Sandino at sa likod nito ang corner glass wall kung saan kita ang magandang view ng lungsod sa dalawang direksyon. The furniture were very manly. May dalawang single-seater at isang two-seater Barcelona chairs na may katernong center table. Sa isang side naman, may mas meeting table na pinarisan din ng apat na designer chairs. Sa likod nito ang shelf ni Sandino ng kanyang mga trophies, plaques, medals at iba pang mga achievements. Sa mesang ito rin sila ngayon kumakain ng dalang pagkain ni Nathan.

Sa lahat ng ito, ang corner sa likod ng table ni Sandino ang favorite spot ni Nathan. He would never forget the time na nakatuwad siya doon nakatingin sa buong lungsod habang nasa loob niya si Sandino at pinapalo ang kanyang likuran. Kaya't napangiti na lang si Sandino sa tanong. Agad niya itong binawi at hindi nagpahalata sa kilig na naramdaman.

"Tandaan mo, student pa lang ako ngayon," sabi ni Nathan. "At alam ko, magiging successful ako someday. Kaya hindi ko hahabulin ang kahit anong meron ka ngayon. Tatapatan pa kita..."

"Because I am good at making you happy," untag ni Sandino.

"Sige," sabi ni Nathan na natigilan. Masaya naman talaga siya tuwing kasama niya si Sandino. Hindi na siya nagsalita at itinuloy na ang ngiti.

"Good," sabi ni Sandino.

"Good-good ka dyan," sabi ni Nathan. "Mag-rice ka nga. Maalat ang Afritada ni Mama. Kailangang samahan ng kanin."

"Alam mo namang hindi ako nagka-carbs," sabi ni Sandino. "Sumubo na nga ng dalawa eh."

"Susubo ka pa mamaya," biro ni Nathan.

"I can't," sabi ni Sandino. "Bibisita kami ni Tin sa Pasay. May tinatayong bagong branch doon."

"E di ba may usapan tayo," nagbago ang mood ni Nathan. "Akala ko pupunta tayo sa..."

"Let's just move it next week," sabi ni Sandino.

Hindi na nagsalita si Nathan. Naubos ang pagkain nila na hindi nagkaroon pa ng anumang salita.

"DUH," sabi ni Justine. "It's like work naman ito. Hindi ba niya yun gets? Ang liit-liit na bagay para hindi maintindihan."

"Hayaan mo na," sabi ni Sandino. "Minsan talga ganyan yan. Pero mamimiss din ako nun, bukas, mag-gu-good morning din yun."

Nasa likod silang dalawa ng company car papunta sa site ng ginagawang building.

"Or not," sabi ni Justine. "When I was his age, 'pag sinabi kong next week mo na ako text, next week na talaga ako magpaparamdam."

AS IF USWhere stories live. Discover now