CHAPTER 27

4.8K 75 6
                                    


CHAPTER 22

"THEY have their arrangements na hindi natin alam, di'ba?" sabi ni Vanessa habang umiinom ng kape sa island sa kitchen ng bahay ni Sandino. Dumating si Julio nan aka-boxer shorts, bagong paligo na sinundan naman ni Sandino na parehas din ang suot.

"Nagtimpla na kami ng kape," sabi ni Rose at pinakita ang sachet ng 3-in-1 na kasama sa mga dala nina Aljur noong gabi.

"Are you sure you're good with that?" tanong ni Sandino. "May coffee ako galing Baguio. And the coffeemaker is working. I can brew some for all of us."

"Ay mas gusto ko yan," sabi ni Rose. "Ikaw ba, nakapili ka na sa mga gusto mo?"

"Huh?" hindi naiintindihan ni Sandino ang tanong ni Rose.

"May from Baguio kasi na coffee, baka maybe you have from Batangas, may gusto ka pa ba sa mga kape mo?" sagip ni Vanessa na malikot ang mga mata, hindi alam kung paano pipigilan si Rose.

"Alin ba doon ang pinakamatapang?" tanong ni Rose.

"Batangas, syempre," sabi ni Sandino. "And yeah, you prefer that, meron pa yata ako. Bigay ng staff ko last Christmas."

Nakatingin na si Julio kay Rose at Vanessa. Alam na niyang may kung anong alam ang dalawang ito na hindi niya alam.

Pumunta si Sandino sa kitchen cabinets para hanapin ang kape. Hindi niya nakita.

"Hanapin ko lang," sabi ni Sandino.

"Go, please," sabi ni Julio na gusto nang paalisin si Sandino para maharap na ang dalawa niyang kaibigan. Tumugon naman agad si Sandino.

"Anong arrangements ang may ibang kahulugan sa pagkakaintindi ko nang inabutan ko kayong nag-uusap dito?" isang hingahang tanong ni Julio.

"Gusto mo ba talagang malaman?" tanong ni Rose.

"Ang sinasabi ko lang naman kay Rose is you have your terms in whatever relationship you have, di'ba?" sabi ni Vanessa. "And parang it's none of our business na makialam."

Napaisip si Julio. Alam nina Vanessa at Rose ang nararamdaman niya kay Sandino at kung paano ito ginugulo ng pagbabalik ni Matt.

Kinabahan si Julio. Anong alam ng dalawang ito? Alam ba nila na tuloy pa rin ang pakikipagtext niya kay Matt? Na nag-thank you siya sa raketa at nagsabi si Matt na may kasunod pa iyon. Ang totoo, excited siya sa mga regaling ibibigay sa kanya ni Matt. Hidni dahil sa material na bagay, kundi ito ang listahan ng mga paborito niyang bagay. The fact that Matt knew all of it, meant that he really had not forgotten about him.

"Alam kong mahal ninyo akong dalawa," sabi ni Sandino. "Pero tama si Vanessa, Rose. Subukan ko muna itong nangyayari sa amin na kami muna. Okay lang ba iyon?"

Huminga nang malalim si Rose.

"Oo naman," at yumakap kay Julio.

Dumating si Sandino na dala ang kapeng barako.

"Sure kayo?" sabi ni Sandino papunta sa coffeemaker. "Matapang talaga ito,"

"Yung Baguio na lang," sabi ni Rose. "Cool na ako."


"SUMAMA ka na sa team namin," yaya ni Aljur kay Sandino. Parehas na ng suot sina Julio at Aljur. May lima pang lalaking kaparehas nila ng suot. Legit na laban ito, sineseryoso na nila ang paglalaro. "Kami ang team to beat. At kahit hindi ka magaling, sigurado ko, mapipilitan kang galingan."

"Gym lang talaga ako," sabi ni Sandino. "Crossfit lang ang competition. You'll just lose if I join you."

"Huwag mon ang pilitin si Di," sabi ni Julio. "Baka mag-away pa kami niyan kapag naging magkakampi tayo."

AS IF USWhere stories live. Discover now