CHAPTER 3

10.6K 198 27
                                    



JULIO

"YOU made me the happiest man today Dad," sabi ni Julio.

"I am the happiest too," sagot ni Matt at hinawakan ang kamay ni Julio na nasa kanyang tabi, sa passenger's seat, habang nagmamaneho pabalik sa Maynila.

"I love you daddy."

"I love you Julio."

"I love you more," laban pa ni Julio at kahit alam niyang pang-ilang I love you na niya ito mula pa kanina, wala siyang planong tumigil para ipadama kay Matt kung gaano siya kasaya sa pagkakataong ito.

Saan kaya sila pupunta? Nakabili na kaya ng bahay si Matt? Sa Davao siguro. Naikwento ni Matt na may negosyo sila doon. Pero baka habulin ng asawa niya ang negosyong iyon. Baka magtayo na lang sila ng sarili nila.

Nilingon niya ang mga gamit sa likod ng sasakyan. Pero paano na ang anak ni Matt. Kaga-graduate lang ni Nathaniel. Pero si Nessa, college pa lang. Forty six na naman si Matt, karapatan na rin niyang lumigaya.

Ang daming iniisip ni Julio at napansin ito ni Matt.

"Matulog ka muna," sabi ni Matt. Mahaba pa ang biyahe.

"Okay lang Daddy?" pag-aalala ni Julio. Ang totoo, antok na siya. Pagod ang puhunan sa gold medal sa badminton. Pagod din ang kasunod ng gold earing kanina.

Tumango si Matt at hinalikan ang kamay ni Julio, bago pakawalan para makaidlip. Walang ideya si Julio na ayaw lang ni Matt na marinig ang mga bagay na naglalaro sa isipan niya.

NAGISING si Julio sa mga tapik ni Matt.

"Saan na tayo?" tanong ni Julio. Hindi naman talaga siya naghihintay ng sagot. Kailangan lang niya ng masasabi para alam ng kasama niya na gising na siya.

Lumingon si Julio at nakita ang bus station. Nakatingin lang si Matt sa malayo.

"Mahal na mahal kita Julio," sabi ni Matt. "

"Mahal na mahal din kita," sabi ni Julio na may pagtataka. "Bakit?"

Bakit ang tanong sa lahat ng nangyayari. Bakit nasa bus station? Bakit may mahal na mahal na mga kataga? Bakit hindi ka tumitingin sa akin? Anong drama ito?

"Bakit?" tanong ulit ni Julio.

"I'm leaving for Canada," paliwanag ni Matt.

"Matatagalan ka ba?" tanong ni Julio. Napalingon ulit siya sa mga gamit sa likod ng sasakyan. Alam na niya ang sagot. Matagal. Shit, akala niya itatanan siya ni Matt sa dami ng dala. Ganoon katagal. "Kailan ka babalik?"

Humarap si Matt kay Julio at hinalikan ito sa mga labi. Ibinigay ni Julio ang tamang ganti lang nang paghalik dahil gusto pa niya ng usapan.

"Gets ko naman yata, dami niyan, matagal, pero kailan ka babalik?" inihanda ni Julio ang sarili niya upang maging maunawain. Malungkot ang mga paalamanan, pero mahal niya si Matt. Kinaya niya ang maging kabit, kakayanin niya ang maghintay. "Dito lang naman ako. Gusto ko lang nang aasahan. Malay mo, ako pa sumunod sa iyo doon."

"Umiiyak ka noon sa Campus habang nagjo-jogging. Iniwan ka ng ex mo nang walang paalam," nakatitig si Matt sa mga mata ni Julio, inalala ang kanilang simula. "Galit na galit ka sa kanya na nabura ang limang taon ninyong masaya kayo. Hindi ka kasi niya binigyan ng paalam. Hindi mo alam kung tapos na kayo o may babalikan pa. Hindi ka lang galit. Sira ka. Sirang-sira. I don't want that to happen to you again."

"Dad, kailan ka babalik?" Hindi naintindihan ni Julio kung ano ang uunwain sa pagbabalik-tanaw na naganap. Bakit may ganito?

"Huwag mong isiping pinakasalan kita para iwan kita," tuloy ni Matt. "Pinakasalan kita dahil mahal kita."

"Matt, kailan ka babalik?"

"Mahal na mahal kita, Julio."

Napapikit si Julio. Nanginig ang labi.

"At hindi kita kayang iwan tulad nang unang nanakit sa iyo. I'm saying goodbye. I'm letting you go."

Huwag mo akong pakawalan. Ayokong kumawala. Wala akong pupuntahan. Umiling si Julio sa pagtutol sa kanyang narinig. Hindi niya alam kung paano bibigyan ng kahulugan ang sakit na biglang sumakop sa kanyang buong pagkatao. Naninikip ang kanyang dibdib. At ang paghinga, hindi niya alam kung paano pa niya nakakayanan. Pinapatay siya para lang buhayin ulit para maramdaman ang sakit na muli lang papatay sa kanya. Iyon ang kanyang bawat paghinga.

Hinawakan siya ni Matt at niyakap. Mahigpit. Hindi gumalaw si Julio. Nagpatuloy lang siya sa pag-iyak. At ngayon, walang ulan na magtatago sa kanyang nararamdaman.

"Mahal na mahal kita eh, mahal na mahal pa kita."

"Hindi na pwede, Julio."

Sa sandaling panahon ng sakit, tinanggap ni Julio ang kanyang kapalaran. Niyakap niya si Matt pabalik. Hinalikan naman ni Matt si Julio, sa buhok papunta sa noo, sa pisngi papunta sa mukha at mga labi. Hinawakan ni Matt ang mukha ni Julio at marubdob na hinalikan. Hindi sila tumigil. Ito na ang kanilang huling oras.

Hanggang sa tumunog ang telepono ni Matt.

Beth calling...



--------------


Please like and share your thoughts on this chapter.

Also, follow me on IG: JustAlbertLang

"Oh Boy I Love You" and "Sylvestre's Wedding" are also available on Precious Pages and other leading bookstores. You can also order online on PreciousShop.Com.Ph

AS IF USOù les histoires vivent. Découvrez maintenant