CHAPTER 31

4.9K 98 51
                                    

"LUMAYAS ka?" tanong ni Aljur.

Isang general meeting na naman ang kinailangan sa apartment nina Vanessa at Rose. Wala na ang pangalan ni Julio sa apartment mula nang nakipagbahay-bahayan siya kay Sandino. Ngayong kwestyonable ang sitwasyon na iyon.

Agahan. Nasa dining area ang ang apat sa harap ng mural na ginawa ni Julio sa bahay.

"Should we be worried na mapapalitan na naman ang pintura nitong wall?" tanong ni Vanessa.

Huminga nang malalim si Julio.

"Hindi," sabi ni Julio. "Hindi ako malungkot. Hindi ako nasasaktan. Hindi ko alam ang nararamdaman ko. Baka overwhelmed lang ako."

"Saang part?" tanong ni Vanessa.

"Na okay lang kay Dino na magsama pa rin kami kahit na nakita na niya ang video," sagot ni Julio. "Hindi man lang siya nagalit na ginawa ko iyon."

"Well, ang totoo, nakakagalit naman talaga iyon," sabi ni Rose. "Pero mas nakakagalit yung alam na niya, tinatago mo pa sa kanya. To be fair, kung sa ten commandments, hindi ka nakiapaid kasi wala namang kayo, pero nagsinungaling ka."

"Hindi naman ako nagsinungaling talaga," sabi ni Julio. "May tinago lang ako. Meron lang akong hindi sinabi. Ayoko lang kasi siyang masaktan."

"Pero nasaktan siya nung wala kang sinabi nung nagtanong ka," sabi ni Aljur. "Parang ang haba ng usapan ninyo. Parang ang ligoy."

"Totoo," sabi ni Julio.

"Tangina yang si Sandino mo ha," sabi ni Rose. "Ang perfec tng pagka weird niya. Hindi ko na gets ang pagiging understanding niya. Gaano ba kalungkot yan at tanggap lang tanggap?"

"Hindi na mahalaga yun," sabi ni Julio. "Ang mahalaga, pinatawad niya ako. Hindi na nga siya nagtanong ng nangyari sa video. Kung paano iyon nagsimula o kung paano iyon natapos. Kung aalalahanin ko nga, parang hindi pa ako nagso-sorry, pinatawad na niya ako."

"Si Matt ba, pinapatawad mo na o hihintayin mo pa mag-sorry?" tanong ni Aljur.

"Pinatawad ko na siyang gagong hayop na walang hiyang bastos na napaka-niya, naku, kung hindi ako nakapagpigil, idedemanda ko talaga iyon ng cyber-crime, puta siya, nakakabit pa rin pala ang camera sa sasakyan niya na ginagamit sa mga car fun vids namin dati, hayup siyang puta siya!"

"Good answer," sabi ni Vanessa. "Because im sure, kapag nag-usap pa kayo, even for that sorry, naku, bibigay ka parin."

"Oo naman, sa liit nga ng sasakyan, napatuwad siya eh," sabi ni Rose. "Ganun siya karupok pagdating kay Matt."

"Tang-ina niya. Never!"


PAGPASOK pa lang sa unit ni Sandino ay amoy na ni Julio ang nilulutong ulam. Kumalam ang sikmura niya. Bago ito. Hindi pa niya naamoy na ang ganitong putahe sa bahay.

"Anong niluluto mo, Di?" tanong ni Julio.

Walang sumagot.

Naglakad si Julio papasok. Inilapag ang mga gamit sa salas bago pumunta sa kusina.

"Buti hindi ako nag-take out," sabi ni Julio. "Naisip kong magpa deliver na lang. Pero para saan pa. ano ba yang niluluto mo Di?"

Napahinto sa paglapit si Julio nang mapansing ibang lalaki ang nasa kusina. Nakatalikod ito. nakasando kaya't kitang-kita ang mapipintog na braso. At kahit jeans ang suot, putok na putok ang hita nito at ang matambok nito puwit. Leather ang sapatos at ang laki ng paa.

Napansin ni Julio ang paghinga nang malalim ng bisita. Ang pagngiti nito kahit nakatalikod pa at ang marahang paglingon na alam niyang may kasamang gayuma.

AS IF USWhere stories live. Discover now