CHAPTER 4

10.9K 164 9
                                    



SANDINO

SINAGOT ni Sandino ang tawag.

"Bakit mo sinagot?" sabi ng lalaki sa kabilang linya.

"Tumatawag ka eh," sabi ni Sandino.

"Hindi mo kasi sinasagot ang mga text ko," sabi ng lalaki. "Basahin mo yang phone mo. At kung wala kang planong sagutin, tapon mo na lang."

"I was in a meeting," sabi ni Sandino. Nangiti lang si Sandino sa tuluy-tuloy na pangangatwiran ng kausap. Nakangiti rin sa kanya si Justine, ang kanyang bagong executive assistant na feel na feel ang bagong position. Nakapusod at may bagong designer glasses na patusok ang gilid Bumagay ang sungit na ito sa mapanghusga niyang tingin sa kanyang boss. Dinig kasi ni Justine ang iritang boses ng lalaki sa telepono kahit hindi ito naka-loud speaker na sinasabayan nang tuwang-tuwang ngiti ni Sandino.

"Pasahan mo ako ng load ha. Nakakainis ka. Ba-bye."

"Bata mo?" tanong ni Justine sa boss niya.

"Sino pa ba?" sabi ni Sandino pagkababa ng telepono. Tinanggal na ang necktie niya at binuksan na ang butones na sumasakal sa kanyang leeg. Tinanggal na rin ang susunod pang mga butones para makahinga ang kanyang namumutok na dibdib. Tapos ay itiniaas ang manggas ng longsleeves. Hapit na hapit ang mga braso niya tuwing gagalaw ang mga ito.

Pagkatayo, kinuha ni Sandino ang coat na hinubad bago sagutin ang tawag. Inilagay niya ito sa designated nitong lalagyan, sa coat hanger sa corner ng kanyang opisina. Mukha itong display doon na nagbabantay sa mga plaque niya may sariling lugar sa kanyang bookshelf.

"Kayo pa rin ba nyan?" tanong ni Justine na parang may pagkukumpara sa pagpapalaya ng mga self-confessed pusher sa kulungan. "Akala ko naghiwalay na kayo nung nakaraan?"

"Isang linggo, hindi namansin," sabi ni Sandino, tapos ay sinimulang basahin ang sunud-sunod na mga text messages habang tuloy ang pakikipag-usap sa EA niya. "Tapos tumawag kamakalawa, nagpapasundo."

"Nagpapasundo o nagpapasundot?"

"To follow na yun syempre."

"Tagal na rin ninyo."

"Magtu-two years," proud na sagot ni Sandino.

"I can't believe na sa bata ka ulit babagsak," sabi ni Justine. "Mukhang seryoso ka na ulit, eh. Masaya na ulit."

"Masaya naman," sabi ni Sandino na mukhang may paga-alinlangan.

Napansin iyon ni Justine pero sa mukha ni Sandino, hindi pa ito handang buksan ang usaping ito. Kailangang baguhin ang usapan. Mukha kasing masaya pa si Sandino sa binabasa niya at ayaw pa niyang magtrabaho.

"So ano? I-she-shave mo na naman 'yang dibdib mo," sabay turo ni Justine sa papatubong buhok sa dibdib ni Sandino na nakasilip sa polong mababa na ang pagkakabutones.

"Hindi pa niya ako nakikitang nakahubad ulit," sabi ni Sandino.

"Weh?" gulat ni Justine. "Nagpasundo kagabi, it follows na yun diba?"

"Hindi kami naghubad," sagot ni Sandino. "Alam mo naman sabik pa. One week tigang. Pero mamaya, tanggal na itong bigote at balbas ko."

"Well, I am happy that you are happy,," sabi ni Justine. "Masaya ka na ulit. May sundo't hatid ka na again. Kahit hindi kadalasan, nadadamay ang staff mo sa happy mood mo. Sana lang, mas madalas kayong magkita, para mas masaya kami."

"E mas madalas pa yata akong awayin nito kesa sa pagdating ng sweldo ninyo," sabi ni Sandino. "Na okay na rin. At least, nakaka-focus ako sa trabaho paminsan-minsan. Teka, na-survey mo na rin ba ang workforce dito?"

AS IF USWhere stories live. Discover now