CHAPTER 13

5.9K 94 6
                                    

CHAPTER 13

TRIGGER

FIFTEEN minutes.

Trigger waited for five minutes. Then ten. Until another five minutes came. Noonlang bumukas ang gate at lumabas ang isang lalaking nakasando at shorts. Hindi basic na pantulog ang sando't shorts na ito. Hindi rin pambahay. Lalo pa't binagayan ng sneakers. Mukhang bagong hilamos. Maganda ang kutis, mula sa mukha hanggang sa maputing mga braso. Kita ang dibdib na parang may buhok ngunit para ring wala. Ganun din ang legs niyang parang maninipis din ang tubo ng buhok.

Iyon talaga ang unang napapansin ni Trigger sa mga nakaka-date niiya. Kapag malinis ang balat, maalaga sa katawan. Sumunod na lang ang lean nitong katawan. Kitang-kita ang mga cuts sa braso. Mayroon din sa dibdib. Just his type. Trigger is not into guy's like him. The brawny ones.

Bumukas ang pinto at sumilip si Julio. Tumango si Trigger para papasukin ang bagong dating. Pumasok naman si Julio.

"Saan tayo pupunta?" tanong ni Julio.

"Hindi ka pala inglesero sa personal," sabi ni Trigger. Mababa ang boses. Maamo ang mukha. Maganda ang ngiti. Lagi niya itong ginagawa at susundan ito ng kalahating segundong pagkatulala nang lahat ng kanyang mami-meet.

Ngumiti si Julio na may ning-ning ang mga mata. Alam na ni Trigger. His date had fallen once mo re to his charm.

Pinaandar ni Trigger ang sasakyan. Nagsimula nang magmaneho na hindi alam ang pupuntahan.

"Saan mo gusto?" tanong ni Trigger.

"Ikaw?"

"Ano bang gusto mo ng gawin? Kain? Inom? Beer? Kape? Sex is out of the picture right?"

"You want ba? Sa kwarto ko na lang tayo."

"Trigger," inabot niya ang kamay habang nagpapakilala.

"Matt," sabi ni Julio.

"Mathematics?" tanong ni Trigger.

"Oo?" pagsang-ayon ni Julio na nagulat. Ito talaga ang gagamitin niyang pang-introduce sa sarili. He was done witht the Matthew, Mathias, Mateo o kahit ano pang variation ng name ng ex niya. Matt is for Mathematics. "Ang Trigger mo ba ay..."

"Trigonometry," firm na untag ni Trigger.

"Faculty pa rin ang tatay ko sa university," sabi ni Trigger. "Soon to be emeritus na."

"So magaling ka sa Math?" tanong ni Julio.

"Mas magaling sa Trigo."

"Eh ang mga kapatid mo?" tanong ni Julio. "Luz ba? Or Gemma?"

"Ecco," sagot ni Trigger.

Tumingin lang si Julio na nagtataka.

"My Dad is a mathematician, my mom is a scientist," tuloy na ni Trigger. "Ecology."

HINDI nila alam kung saan pupunta. Kaya naman dinala na lang ni Trigger si Julio sa malapit na campus na bukas sa lahat. Hindi na rin naman tumutol si Julio. Gusto niya ang lugar na ito kung saan siya tumatakbo para ma-maintain ang katawan at kung minsan, pati katinuan.

Kahit lampas na ang hating gabi, may iilan pa ring mga tumatakbo.

"Old school pa rin ang iba sa pagkuha ng sex," sabi ni Trigger habang napapansin ang ilang mata ng mga tumatakbong bumabagal upang tingnan sila sa loob ng sasakyan.

"Na-try mo na yung ganyan?" tanong ni Julio.

Ngumiti si Trigger. Napansin niya kasing tumitingin ang kasama niya sa malaki niyang dibdib na nakalabas ang hati sa mababang bagsak ng kanyang sando.

AS IF USOù les histoires vivent. Découvrez maintenant