CHAPTER 17

5.1K 96 25
                                    


CHAPTER 17

JULIO

ILANG ulit na matapos mag-break, tumatakbo si Julio sa bag niya para tingnan kung may message sa phone niya. Napansin ito ni Aljur na hindi na nagawang magkomento. Mas gusto niyang magfocus sa pagkapanalo. Elimination game na ulit at gusto ulit niyang makapasok sa finals.

Change court.

"Yul, dito tayo," tawag ni Aljur kay Julio na sa side ng mga kalaban napunta.

"Sorry," sabi ni Julio sa dalawang players sinamahan niya sa area.

"Kung gusto mong matalo tayo, sabihin mo lang ha," sabi ni Aljur. "Para hindi na ako mag-effort."

"Sorry na," sabi ni Julio. "Si Ano kasi, hindi nagte-text?"

"Jowa?" sabi ni Aljur.

"Magkikita kasi kami mamaya," sabi ni Julio. "Hindi ko alam kung tuloy pa."

Nagsimula ang laro at nagsalitan sina Aljur at Julio sa pagpalo sa shuttlecock. Ilang puntos din, nakalamang sila sa kalaban.

"Jur, don't worry, wala akong planong magpatalo," sabi ni Julio.

"Dapat lang," sabi ni Aljur.

Hanggang sa may napansin si Julio na pumasok sa court. Lilinga-linga ang lalaki na tumigil lang nang tumama ang panginin nito sa kanyang mga mata.

Kasabay nun, tumama sa mukha ni Julio ang shuttlecock.

"Patay," sabi ni Aljur.

Natapos ang set. Talo sina Aljur at Julio. pero walang pakialam si Julio. Agad itong lumapit sa nakaupong si Sandino.

"Anong ginagawa mo dito?" tanong ni Julio.

"Lalabas tayo mamaya di'ba?" sabi ni Sandino. "I got bored waiting so dumeretso na ako dito. I guess, this is Aljur."

"Yes po," sabi ni Aljur na inabot ang pakikipagkamay ni Sandido. "Huwag mong higpitan ha, may naghihigpit na sa akin."

"Wow," sabi ni Sandino. "Words."

"Huy," sabi ni Julio na gulat pa rin sa presensya ni Sandino sa kanyang laban. "Bakit ka nandito?Paano mo nalamang nandito ako?"

"Ayaw mo ba?" tanong ni Julio. "I can just go."

"Ay huwag," sabi ni Aljur. "Sayang naman. Maraming malulungkot."

Iniikot nila ang paningin, at napansin ang mga matang lihim na sumisipat kay Sandino. Mga matang sabik sa pagkakita ng bagong gwapong lalaki sa area.

"Parang Animal Planet di'ba?" dugtong ni Aljur. "Ang mga predator, nakakita ng bagong prey."

Tahimik pa rin si Julio na nakatingin kay Sandino.

"I can wait sa Mcdonalds?" sabi ni Sandino kay Julio. "Ilang game pa ba kayo?"

"No, no." sabi ni Julio. "Huwag na. okay lang. Ano lang kasi... Medyo, creepy na alam mong nandito ako."

"Oh, I am not stalking," sabi ni Sandino. "Friend ko yun, siya ang nagyaya sa akin. Siya ang pinunta ko."

Tinuro ni Sandino ang isang lalaking nasa game pa sa isa sa mga courts. Ngumiti si Sandino at tumango. Ngumiti rin ang lalaki pabalik.

"Ah okay," sabi ni Julio. "Sorry. Assuming ako."

"O galingan mo ha. Talunin ninyo sila. Magaling din yan," sabi ni Sandino.

AS IF USOnde histórias criam vida. Descubra agora