CHAPTER 49

2.5K 53 4
                                    


"MULTO?" sabi ni Julio pagkababa ng drawing pen niya. "Kabago-bago ng bahay. Mumultuhin kaagad?"

"What do you know, eh kung dating libingan ang tinayuan ng bahay," sabi ni Marty. "But please spare me the details. At huwag na huwag mong iku-kuwento sa mga kawork mo iyan ha. Kapag yan nakarating sa management, naku. Baka mabulilyaso ang mga pangarap ko sa'yo."

"Marty, akala ko ba converted ka na, na ally," sabi ni Julio habang katabi ang boss niya sa work station niya.

"Oo, pero hindi mo pwedeng basta-basta biglain ang mga tao dito," sabi ni Marty. "Kahit naman mga straight, hindi pinagyayabang ang mga ganyang adventures nila."

"Well, hindi sa mga hindi nila ka-close," sabi ni Julio. "Kaya ikaw, chika mo na rin sa akin ang mga nakasex mo."

"Yul, friends tayo, pero boss mo pa rin ako," sabi ni Marty. "At nasa opisina tayo."

"Sorry," sabi ni Julio na parang natauhan. Oversharing na yata siya.

"But you can treat me sa dinner, then I'll tell you," sabi ni Marty.

"Okay," sabi ni Julio. "Saan mo ba gusto?"

"Sa mahal," sabi ni Marty.

"Grabe," sabi ni Julio.

"Well, deserve ko," sabi ni Marty nakakaiba ang ngiti. "At you owe it to me and to the universe."

"Ano na naman yan?" sabi ni Julio.

"Can't you see," sabi ni Marty. "Things are falling in their right places now in your life. Nanalo ang kuya mo sa eleksyon kahit na naging issue ang kabaklaan mo sa province ninyo. Nagkabalikan na kayo ng iniyakan mong daddy dati. You have a new house, na may multo pero I'm sure, house blessing lang ang katapat niyan. And finally, nalakad ko na ang promotion mo. Nire-review na ang position for a new Creative Director. At na-submit ko ang pangalan mo."

"O my god, Marty," sabi ni Julio. "I love you."

"I know," sabi ni Marty. "Love me. But I don't need the fucking part. Reserve mo nay an sa inyo ni Daddy mo."

"Thank you ili-libre talaga kita."

"Dapat lang," sabi ni Marty na tumayo na pero lumapit sa tenga ni Julio at bumulong. "Anyways, alam naman nating hindi lang ikaw ang bakla sa floor natin, di'ba?"

"Yes," mahinang sabi ni Julio. "And bakit tayo nagbubulungan?"

"Well, if ever may magtanong kung ikaw ba talaga yung mahilig sa threesome," bulong ni Marty habang lumilinga-linga sa paligid. "i-deny mo na lang. Alam mo naman ang management, ayaw nilang humarap sa mga clients ang alam mo na, makalat sa social media."

"KAHIT pala tapos na kayo ay hinahabol ka pa rin ng multo ni Sandino," sabi ni Aljur habang nagpapasahan sila ng volleyball bilang warm-up sa game nila.

"Oo nga," sabi ni Julio. "Pero sana hindi siya yung nakita ko sa bahay nung kinakabayo ko si Matt. natakot kaya talaga ko."

"Bakit kasi hindi mo sinabi kay Matt?" sabi ni Aljur. "Paano kung magnanakaw yun?"

"Nung bumaba naman ako, wala namang tao. Hindi nga lang nako-lock yung door, pero wala namang nawala. Feeling ko, malikmata ko lang iyon. baka Multo na nga lang ni Sandino."

"Grabe ka, nagkahiwalay lang kayo ni Dino pero hindi siya masamang tao," sabi ni Aljur. "Huwag mo namang patayin."

"Well, patay na siya sa akin," sabi ni Julio. "Kailangan eh. Hindi na pwedeng may iba pa. kami na ni Daddy Matt ulit. Kami na lang. Ma-proud ka sa akin, hindi ko siya ginawang kabit tulad ng request niya."

AS IF USOnde histórias criam vida. Descubra agora