Kabanata 17

19K 639 141
                                    

Kabanata 17

"Ready na ba lahat ng pagkain?" Tanong ko sa cook na pinadala ng mama ni Konsi.

"Yes po Mam." Ako kasi ang inatasan ni Konsi na tumingin sa mga ihahanda sa dinner. Mga anim na putahe lang at isang malaking litson ang pinaluto ni Konsi.

Dito na lang sa bahay ginanap ang birthday ni Cassia.

"Ate Fe, dumating na ba ang cake na in-order?" Kasalukuyan ko nang pinapaayos ang dalawang grand table kung saan magkakainan mamaya. Pinalagay ito ni Konsi sa labas.

May kalakihan ang pamilya niya. Sabi niya ay invited din ang pamilya ng kapatid ng papa nila. At ang tatlo nilang anak. Nag-eexpect din si konsi na may kasamang tig-iisang date ang mga kapatid niya.

Halos maluluto na ang ilang putahe. Pag dumating na ang in-order kong cake. Mag-aayos na ako. Kakatulog lang ni Cassia. Si Konsi naman ay may urgent online conference lang kaya ako ang punong abala ngayon. Feel na feel ko ang pagiging may bahay.

Teka ano daw Ariana?

"Mam nariyan na po ang cake." Nawala ako sa malalim na pag-iisip nang marinig ko iyon.

"Sige ate, pakipalagay sa buffet table sa labas." Bilin ko kay ate Fe. Sumunod din ako at tinignan ang two layer rectangular cake na unicorn themed. Napapalibutan din ito ng cupcakes.

Si Rima ang pumili ng design ng cake. Pati ang flavor sa baba daw ay lemon cake sa taas ay marble cake tapos ang cupcakes daw ay chocolate.

"Ate Fe, kapag ready ang mga pagkain pakipahanda na lang sa food warmer. Baka dumating na maya-maya ang bisita.

"Okay po, Mam." Sagot niya naman. Nasanay na ron ako na Mam ang itinatawag sa akin dito.

Umakyat na ako sa taas. Papasok na sana ako sa kwarto nang makita ko si Konsi na sumungaw sa pinto niya.

"Aria, puwedeng patulong." Lumapit naman ako. Binuksan niya ng mas malaki ang pintuan ng kwarto niya at pinapasok ako.

Kakaligo lang ni Konsi. Ang bango. Nakasuot na siya ng white sando and jeans na itim.

Kinabahan ako bigla. Lumingon ako sa pintuan. Sarado na ito. Napahawak ako sa dibdib. Anong balak ni Konsi?

"Aria?" Si Konsi.

"Oh?" Medyo gulat na sagot ko.

Anong mas maganda? Inilabas niya ang isang short sleeved na polong baby pink at isa pang kulay itim.

"Pink na lang po Konsi. Masyadong malungkot ang itim para sa party ng baby mo." Suhestiyon ko.

"Sabagay." Sinuot niya na ang polo. "Thanks." Sabi niya na kumindat pa.

Syet Konsi, huwag naman pa-fall.

"Kamusta sa baba? Ayos na ba?" Tanong ni Konsi. Na nagpabalik sa 'kin sa ulirat.

"Oo, nai-deliver na ang litson at cake, may ilang putahe na ring luto. Naka-set up na rin ang labas." Sagot ko.

"Good. Bababa na ako. Mag-aayos ka ba?" Tanong niya habang inii-spray ang pabango niya.

"Oo. Sige na Konsi, labas na ako." Paalam ko at nauna nang pumunta sa pinto." Pabukas na sana ang doorknob nang magsalita siya.

"Aria?" Lumingon ako at sa gulat ko ay malapit na sa akin si Konsi. "Thank you for everything." Tapos hinalikan niya ako sa pisngi.

Naiwan ako doong tulala. Wala na si Konsi. Nakalabas na siya.

Ano 'yon? Bakit may paghalik pa sa pisngi?

Casimiro's Instant First Lady : ZBS 1 (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon