Kabanata 23

13.5K 470 87
                                    

Kabanata 23

Tulog pa si Konsi sa tabi ko nang magising ako. Alas-sais pa lang pala ng umaga. Mahimbing din ang tulog ni Cassia na nasa pagitan namin.

Tumayo ako para pumunta sa banyo para umihi. Nakita ko ang mga natumbang sanitizer at hand washing soap sa ibabaw ng counter. Biglang nag-init ang mukha ko nang maalala ko ang mga nangyari kagabi.

***

Binuhat ako ni Konsi, awtomatikong napapulupot ang mga binti ko sa beywang niya at humigpit ang pagkakasabit ng mga kamay ko sa bandang leeg niya. Ang kamay niya naman ay nakalapat sa pang-upo ko. Upang umalalay.

Binuksan niya ang pintuan ng CR at iniupo ako sa counter. Gamit ang isang kamay ko ay pinaglandas ko iyon sa dibdib niya.

Maganda ang katawan ni Konsi. Malapad na dibdib at mayroon siyang abs. Kasalukuyang naglalandas ang kamay ko roon, habang ang kanyang kamay ay nasa may beywang ko.

Bumaba ang halik niya sa leeg ko. Napaungol ako. Nilipat ko ang isa kong kamay sa kanyang ulo. Sinasabunutan ko siya dahil nakikiliti ako sa paghalik niya sa leeg ko.

"'Tart, I can't hold it." Hinubad niya ang suot kong t-shirt. Tanging bra na lang ang suot kong pantaas. Habang naka-upo ako sa lababo at nasa pagitan siya ng hita ko ay nararamdaman kong tumutusok sa akin ang umbok sa gitna niya.

Nakatitig siya sa mga mata ko, parehong mapupungay ang mga mata namin. Gusto ko na rin naman. Handa na akong isuko ang sarili ko...

Muli sana akong hahalikan ni Konsi nang mapaatras ako. Nagtumbahan ang mga bote ng handwash at sanitizer. Nagtawanan kami pareho.

Pero hindi nagpapigil si Konsi muli niya akong hinalikan. Mas maalab kaysa sa kaninang pinagsaluhan namin.

"God! I can't stop thinking of you," mahinang bulong sa akin ni Konsi.

Hindi ako makasagot, kasi nadadarang ako sa pinagsasaluhan namin. Gustong-gusto ko ang ginagawa niya sa akin.

Unti-unting bumaba ang halik niya sa akin. Mula sa labi ko papunta sa leeg ko. Nagbabad siya roon bago bumaba sa may kanang balikat ko. Ibinaba niya ng dahan-dahan ang strap ng bra ko. Sa kabila ay ginamitan niya ng kaniyang kamay.

Maya-maya ay lumipat siya sa bandang dibdib ko. Ibinaba niya ang aking bra. Mabilis na tinakpan ko iyon ng isa kong braso.

"Don't be shy, 'tart. Let me play with those sweet peas." Dahan-dahan niyang inalalayan ang kamay ko pababa.

Nawala ang hiya ko lalo na nang pagmasdan niya iyon. Punong-puno ng pagnanasa ang mga mata niya.

"You are beautiful, 'tart," mahinang bulong niya. Muling pinaglandas niya ang mga labi sa balikat ko.

Darang na darang na ako sa init na pinagsasaluhan namin. Humahalinghing ako sa bawat halik na iniiwan niya.

Akmang pababa na siya sa aking dibdib nang makarinig ako ng pag-ingit hanggang sa unti-unti iyong lumakas.

Cassia!

Napatalon ako mula sa kinauupuan ko. Nakaawang ang pinto kaya rinig mula rito sa banyo ang iyak ni Cassia. Mabilis na dinampot ko ang t-shirt ko sa sahig. Inayos ko ang bra ko at sinuot muli ang t-shirt ko.

"Baby!" Mabilis na lumpit ako kay Cassia. Nakaupo na siya sa kama. Nasanay na ang batang ito na may kasama sa kwarto. Madalas kasing tinatabihan ko siya. Kawawa rin naman na mag-isa rito. Pati Daddy niya dito na rin natutulog.

Casimiro's Instant First Lady : ZBS 1 (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon