Kabanata 6

32K 925 31
                                    

Kabanata 6

"Anong balak mo Kuya? Kilala mo si Mama, alam na alam mo kung paano iyon magfreak out and this! Malalaman niya na lang na may apo na siya. Gusto mong magtampo iyon dahil sa paglilihim mo?" Tuloy-tuloy na sermon ng babaeng nagngangalang Rima na kapatid daw ni Konsi.

Kasalukuyan silang nag-uusap dito sa sala kung nasaan din kami ni Cassia dahil yon ang utos ng kanyang ama. Anong magagawa ko? Kaya pinili ko na lang manahimik at makinig sa usapan.

"You don't understand it Rima. Hindi ko naman balak na itago ang anak ko, it's just that kumukuha ako ng tyempo. Hindi ko pa napo-proseso, wala pang isang linggo mula nung malaman kong nagkaanak ako." halos nakakunot ang noong sagot ni Konsi sa  kapatid niya.

"Okay I understand now." Medyo lumambot ang boses ni Rima tapos bumaling sa akin. Bigla akong kinabahan sa tinging ipinukol niya sa akin. "Halos kilala ko naman ang mga naging seryosong karelasyon mo, pero bakit parang ngayon ko lang siya nakita." Hindi ito tanong kundi statement. Kaya nanlaki ang mga mata ko sa narinig ko.

Alanganing napatingin ako kay Konsi. Nahuli ko siyang pasimpleng tumatawa. Iniisip ba ni Rima na ako ay ka-live in ng Kuya niya dito?

"No, you got it wrong. She's Andrea's sister, remember her?" Ewan ko kung tama ang nakita ko, pero parang lumungkot siyang bigla."But she died when she gave birth to my Cassia." Nalungkot din ako sa kwento niya. Miss ko na kasi si Ate. Lagi ko yong nakikita kapag nababanggit ang pangalan ni Ate. Siguro totoong minahal niya ang Ate ko, kaso wala na silang forever, at hindi mabubuo ang pamilya ni Cassia.

Ako kaya magkaka-forever kaya kami? Syete ano ba tong tumatakbo sa isip ko? Ang ibig kong sabihin ay magkaka-forever kaya ako?

"Okay, akala ko pati ang mapapangasawa mo ay iilihim mo sa amin." Pakiramdam ko ay nasamid ako sa sinabi ni Rima, pero mabuti't nakabawi ako agad.

"Hi, I'm Rima." Baling niya sa akin na inabot ang kamay niya.

"Aria." tipid na sagot ko, inabot ko din ang kamay niya.

"Sorry pala kanina, nag-freak out lang ako. Paano kasi may gamit ng bata sa kwarto ko dito." Natatawa nang sabi niya. Akala ko pa naman maldita siya. Nagulat lang pala. Now I know. Di dapat siyang biglain.

"Pahawak nga sa pamangkin ko." Malambing na sabi niya. Inabot ko naman sa kanya si Cassia. "What's her name again?" Tanong niya habang nilalaro ang pamangkin niya.

"Cassia." Mahinanang sagot ko, na-iintimidate kasi ako sa presensya niya. Natutulala ako ang ganda niya pala pagmalapitan. Ang gandang lahi nila. Pareho silang mestiso ng Kuya niya.

Napapaisip tuloy ako kung ilan pa silang magkakapatid. Gusto kong makita kung gaano talaga kaswerteng magpalahi-- este lahi sila.

"Ate Fe, pakihanda ang hapunan namin." Utos ni Konsi, nakaupo pa rin siya d'un at seryosong pinapanood ang kapatid at anak niya.

"Ri, sa tingin mo anong magiging reaction nila Mama?" Tulalang tanong ni Konsi kay Rima.

"Well for sure magugulat, pero I think hindi naman yon magagalit kasi excited na yon magka-apo, tapos kasing cute pa ng batang ito. Kuchi-kuchi." Nilaro-laro niya pa si Cassia. "Yon nga lang ang apong ine-expect n'on ay yong kay Kuya Caleb and Kuya Eli."

Natahimik bigla si Konsi, palihim na inoobserbahan ko siya. "Isa pa Ri, anong sasabihin ko sa constituents ko?" Problemadong tanong niya.

"Aria, pahawak." binalik sa akin ni Rima si Cassia, tapos lumapit siya sa kuya niya.

"Kuya Casi, I know that you are a responsible guy, your supporters also know that, pinanindigan mo naman e. You accepted your daughter nagkataon lang na namatay si Ate Andrea. Hindi nila mamasamaing binatang ama ka. Saksi din ako sa pagmamahalan niyo ni Ate, at si Cassia ang bunga n'un." Pagpapakalma ni Rima sa kuya niya, minasahe niya pa iyon sa balikat.

Casimiro's Instant First Lady : ZBS 1 (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon