Kabanata 40

13.7K 426 46
                                    

Kabanata 40

Matapos ang kasal ay dumiretso kami sa bahay sa Manila. May flight daw kami kinabukasan ng tanghali. Sobrang swift lang magplano ng asawa ko. Todo kung todo. Sabagay minsan lang naman din kasi siya kung magkaroon ng leave sa office. Sobrang busy talagang maging public servant.

"Gawa na tayo ng baby?" Napapitlag ako mula sa pagkakaupo ko sa sofa nang bumulong siya sa batok ko.

"Ginulat mo ako." Nakahawak pa ako sa dibdib.

"Did I?" Lalo akong kinilabutan sa lamig ng boses niya. Hindi na ako nakasagot nang mag-umpisa siyang halikan ako sa batok patungo sa leeg ko.

Hindi ko maiwasan ang ungol na kumawala mula sa labi ko at napa-awang ito. Unti-unting gumapang ang mga labi niya sa balikat ko. It sent shiver to my whole body.

I was already wearing a robe over a sexy lingerie. Pag-uwi kasi rito ay nag-shower ako agad, habang ang asawa ko ay nagbigay pa ng instructions via call sa kaniyang sekretarya dahil sa honeymoon namin na aabutin ng isang linggo.

Yes, isang linggo na solong-solo ako ng asawa ko, solo ko rin siya.

"Let's make babies. Bunch of them." Nakangising bulong niya sa akin na nagpatawa sa akin.

"How many do you want?" Nakabungisngis na tanong ko, nakikiliti kasi ako sa ginagawa niyang paghalik sa pisngi ko.

"Four? So we have five with their Ate."  Hinalikan niya ako sa pisngi hanggang sa makarating sa labi ko. I immediately returned the kiss with the same passion.

We made love the whole night. I don't know how many rounds we had. All I know was I was fulfilled and satisfied in the arms of my husband.

The next morning, I was awoken by kisses all over my face.

"Good morning, my Sleeping Beauty." Matamis na ngiti agad ng asawa ko ang bumungad sa akin. I mouthed 'good morning.' Habang kinukusot ko ang dalawang mata ko. Medyo nasilaw ako sa liwanag. Nakabukas pala kasi ang kurtina ng kwarto.

"Let's have our breakfast, then prepare early for our flight." Malambing na sabi ng asawa ko. Na unti-unti na akong inaalalayan patayo.

"Sunod ako, Sweetie." Paalam ko noong makabangon at makatayo sa kama. Tumango naman siya at parang ayaw pa akong bitiwan. Ngunit tinanguan ko at ngumiti kaya lumabas na rin siya.

Pumunta ako sa bathroom para maghilamos at umihi muna. Isinuot ko ang robe at lumabas para sa breakfast.

American breakfast ang niluto ni Casi. Toast bread, ham, egg and bacon.

Wala kaming katulong sa bahay na ito. May twice a month lang na napunta para mag-maintain, si Marinette na sekretarya niya rito ang nagmamando sa mga kailangan sa bahay na ito.

Like groceries. To replenish items for the house and other supplies. Kaya may makakain pa rin anong oras man kami maligaw dito.

Mula nang naging Mayor si Casi nadadalas na kami rito. Walang buwan na hindi kami umuwi.

"Smells yummy." Komento ko nang makalapit ako sa kaniya.

"Pero I bet, I am yummier that these." Kumindat pa siya.

Itinatas ko ang dalawang kamay ko at tumango.

"No doubt." Natatawang sabi ko.

"Good, then." Sa gulat ko ay hinapit niya ako palapit sa kaniya. Tapos sobrang lapit ng mukha niya sa akin. Kumabog ng sobra ang dibdib ko. Para akong teenager na in love for the first time.

"Let's eat, before I think of eating something else." Pakiramdam ko ay nag-init ang buong mukha ko sa sinabi niya. Lalo na noong hagurin niya ang ako mula ulo pababa. Napahigpit ang kapit ko sa buhol ng robe.

Casimiro's Instant First Lady : ZBS 1 (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon