Kabanata 13

22.6K 664 101
                                    

Kabanata 13

"Aria, ikaw na bahala sa magandang batang ito ha! I need to be at the office now. Madami na raw akong gagawin dahil galing ako sa bakasyon." Paalam ni Konsi na humalik na kay Cassia na buhat niya at iniabot na sa akin.

"Ah oo, sige ingat." Nakayukong sagot ko.

"Bye my princess!" Paalam pa niya sa anak bago lumabas ng bahay.

"Dadadada ba." Si Cassia na nagbabye sa daddy niya.

Nagtaas lang ako ng tingin nung makaalis na si Konsi. Hanggang ngayon kasi ay naiilang pa ako sa nangyari noong nakaraang Sabado.

***
Flashback

Sa pagdilat ko ay narealize ko na nasa likod ko si Konsi at nakadantay sa bewang ko ang isa niyang kamay. Ni hindi ko malaman kung paano yon nangyari.

Dahan-dahan akong umisod para maka-alis ako sa puwesto ko. Ang galing ko gumapang. Buti na lang din at hindi rin nagising si Cassia na katabi ko. Lumipat ako sa kabila at humiga ng maayos. Nakakahiya kung mas naunang nagising si Konsi. Dahil napagtanto ko, na ako ang napalipat ng puwesto.

Ibig sabihin ba noon ay ako ang nanggapang? Oh My God! Lamunin mo na ako lupa!

Mabilis akong tumalikod noong makita kong kumibot si Konsi. Nag-iinit ang pisngi ko. Nakakahiya! Paano naman kaya ako napadpad dun? E sa pagkakaalam ko dito naman ako natulog! At nasa pagitan dapat namin si Cassia. Juskolored! Kahiya-hiya! Buti na lang nauna akong nagising kay Konsi.

Pero infairness ang bango ni Konsi. Napangiti ako nung maalala ang amoy niya.

End of flashback
***

Maghapon lang kami sa bahay ni Cassia. Minsan nga ay nakakabored na rin. Malaki nga ang bahay, buhay Donya ang peg ko, pero hindi kasi ako sanay na walang ginagawa. Hindi pwede ang byuti ko maging full time mom! Natawa ako sa naisip ko. Feel na feel ko ang pagiging maybahay ni Konsi!

"Ay kabayong may kurikong!" Napapitlag ako mula sa pag-aambisyon ko nung tumunog ang phone ko.

'Hey beautiful! Are you available tonight? - Lucas'

Napakurap-kurap ako hindi dahil sa invitation niya. Kun'di dahil sa pagtawag niya sa 'kin ng beautiful. May naniniwala pa lang maganda ako bukod sa sarili ko.

"Ay kabayo ulit!" Sigaw ko nung biglang nagring ang phone ko. May tumatawag. Si Lucas.

"Ehem!" Tinanggal ko muna ang bara sa lalamunan ko bago ako sumagot. "H-hello." Mahinhin na sagot ko. Dapat medyo pabebe.

"Hi." Bati niya mula sa kabilang linya.

"Uy Lucas, napatawag ka." Yon lang ang nasabi ko.

"I texted you, hindi ka nagreply so I tried to call you." Paliwanag niya.

"Ay oo. Kakabasa ko lang nung text mo." Nasabi ko, jusko Lucas, segundo pa lang ata mula nang mareceive ko ang text mo e, nainip agad?

"So what's your answer?" Tanong niya.

"Uhm, san ba tayo pupunta?" Tanong ko pa, kunwari pa-hard to get ang lola mo.

Casimiro's Instant First Lady : ZBS 1 (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon