Kabanata 16

18.3K 547 93
                                    

Kabanata 16

Nananaginip ba ako? Napapikit ako. May malambot na labi na nakadampi sa labi ko. At nakayakap naman sa akin ang matitipunong bisig. Langhap ko din ang pabangong panlalaki na hindi masakit sa ilong.

"Da-da? Ma-ma?" Bigla akong nagising sa panaginip at napadilat. Nakatitig sa akin ang pares ng itim na itim na mata.

Nawala na ang malambot na labi sa bibig ko.

"Are you okay?" Nakahilig pa rin ako sa mga bisig niya.

"Ah-oo, a-ayos naman ako." Sagot ko na kumapit sa braso niya para maalalayan ang sarili ko sa pagtayo. Kumalas na ako sa bisig niya pero sa pag-attempt ko ay muntik pa akong matumba. Lumambot pa ata ang tuhod ko.

"Okay na ako. Salamat Konsi." Humawak ako sa seradura ng pinto para mabawi ko ang panlalambot.

'Nako! Naka strike two na sa 'kin si Konsi. Wala bang strike 3 tapos home run?'

Hinampas ko ng bahagya ang pisngi ko para maalis ang mga iniisip ko.

"Da-da!" Excited na sigaw ni Cassia na nagpadausdos pababa ng kama. Sa edad niyang 11 months magaling na siyang lumakad. Kaya nag-baby proofing na kami sa bahay ni Konsi sa Batangas.

"Konsi, next week na pala ang birthday ni Cassia. May plano ka na ba?" Tanong ko sa kanya, para mawala ang tensyon sa pagitan namin.

"Oo nga ano? Tatawagan ko si Rima." Sagot niya habang nilalaro si Cassia.

***

Nakapananghalian na kami at kasalukuyang tulog si Cassia. Nagshower muna ako, dahil medyo mainit.

Pagkalabas ko sa kwarto ay narinig ko ang maingay na boses ng babae.

Si Rima?

"Tulungan mo akong planuhin ang birthday ng pamangkin mo." Ani Konsi.

"Ano magka-clown ako kuya?" Natatawang sabi nito.

"Hindi naman na kailangan ang engrandeng birthday. She's only turning one, hindi niya pa iyon ma-eenjoy."

"Hmm sa bar ni kuya Rod?" Suhestyon ni Rima.

"Sa bar? Ano yong anak ko manginginom?" Sarkastiko pero hindi pikon na sagot ni Konsi. "Family dinner is enough. I'm just not sure kung saan."

"Sige kuya pili ka. Madami tayong puwedeng choice.
A. Kay Kuya Caleb- sa rooftop ng opisina niya. May jacussi doon at pool.
B. Sa penthouse ni Kuya Ellie sa top ng opisina niya, pero I doubt kung papasukin niya tayo sa bahay niya.
C. Sa bar nga ni Kuya Rod
D. Sa bahay mo? Just like noong nagpabinyag ka.
E. Sa studio na pinag-papractisan ni Kuya Em at ng mga kasamahan niya.
F. Sa bahay nila Mama. - kaso siya ang magiging party host.
G. Or pwede naman sa bahay ni Mamita, matutuwa 'yon.
Ano kuya may napili ka ba?"

Malapit na ako sa kusina kung nasaan sila, kaya kitang-kita ko, kung paanong ang noo ni Konsi ay nagsalubong.

"Tigilan mo nga ako Rima! Oh ba't di mo in-offer ang taniman mo?" Tatawa-tawang sagot niya sa kapatid.

"H'wag ka nga mang-asar kuya. Naiinis na nga ako, bakit ang taniman pa ng mais ang pinahawak sa akin ni Papa. Duh! Malayo sa kurso ko ang pagmamais!" Maarteng sabi ni Rima.

"Oh, andyan ka na pala Aria." Ani Konsi na nakatingin na pala sa akin.

Ngumiti lang ako at mabilis na nag-iwas ng tingin. Medyo nahihiya pa ako sa nangyari kaninang umaga. Tumango naman ako kay Rima na lumingon sa puwesto ko.

"Hi Aria, gumaganda tayo lalo ah." Kumindat pa siyang lumapit para magbeso sa akin.

Totoo ba? Napahawak ako sa pisngi ko. Mukhang epektib mga sabon at pampaganda na binigay sa 'kin ni Mamita ah.

Casimiro's Instant First Lady : ZBS 1 (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon