Kabanata 4

39K 1K 71
                                    

Kabanata 4

"Saan po naka-admit si Cassia Audrey Trinidad?" Ako na ang nagtanong sa nurse station. Dahil mula nang malaman kong dinala si Cassia sa ospital ay hindi na ako mapakali sa loob ng dalawang oras ng byahe. Kung pwede ko nga lang tulakin o hilahin ang sasakyan para mapabilis kami sa pagluwas ng Maynila e ginawa ko na.

"Kaano-ano po sila?" Tanong pa ng Nurse. Letse ang daming tanong nag-aalala na ako sa pamangkin ko.

"Nanay!" Napatingin sa akin si Marinette ang ang assistant ni Konsehal Zaragoza, na kasama ko dahil sa gulat. Kahit ako ay nagulat din sa isinagot ko. Aligaga na kasi talaga ako.

"Room 108 po, Mam." Sagot ng Nurse na imunuwestra kung saan ang way papunta sa kwarto ni Cassia. Lakad takbo ang ginawa ko marating lang ang kwarto.

Malayo pa man kami sa room ay natanaw na namin ang isang body guard na nasa labas ng pinto.

"Caloy, nandiyan si Konsi sa loob?" Tanong ni Marinette sa guard na nasa labas.

"Yes Mam, kausap niya po ang isang Nurse." Magalang na sagot nang Guard na Rogelio daw ang pangalan.

"Sige pasok na kami." Pinagbuksan na kami ni Caloy ng pinto.

Mabilis akong pumasok sa loob, at medyo hinihingal pa kasi kanina pa ako tumatakbo, mula nung bumaba ako ng sasakyan.

"Asan ang baby ko?" Yon ang ibiningad ko, kahit rinig na rinig ko ang malakas na iyak ni Cassia. Grabe miss na miss ko na talaga siya. Bigla naman tumigil ang pag-iyak, at nakita ko si Cassia na hawak ng ama niya na kausap ng isang maliit pero magandang nurse.

"Ma--ma." Masayang tawag ni Cassia sa akin, na kumakawag pa mula sa pagkakabuhat ng ama niya. Nakita ko ang pagkarelieve sa mukha ng ama ni Cassia sa pagkakita sa akin.

"Baby, Tita nga, diba? Ti-ta." Pagtatama ko kay Cassia na agad na kinuha sa ama niya. Bumaling naman ako sa magandang Nurse, alam kong maganda ako, pero nakaka-insecure ang isang ito. "Thank you nurse." Tumango lang siya tapos nagpaalam na din. Kaya ibinalik ko na sa pamangkin ko ang atensyon ko.

"Baby ko, na-miss kita, na-miss mo ba ako?" Tanong ko kay Cassia, pero hindi naman siya marunong sumagot kaya siguro hinawakan niya na lang ang pisngi ko. Ah, ang lambing ni Cassia.

"Ma-ma..." Hinawakan ko ang pisngi ko na hinawakan niya, basa yon, naluha na pala ako.

"Baby... Naiiyak tuloy ako, hindi ako nakatulog ng maayos ng ilang araw kasi nakokonsensya ako..." Drama ko pa kay Cassia.

"Sorry, baby huh? Hindi na kita iiwan ngayon." Patuloy ko pa na niyakap si Cassia.

"Mawalang galang lang." Napalingon ako sa nagsalita at nakita si Konsehal Casimiro. Hala nalimutan ko palang nandito siya pati si Marinette. Putek, nakakahiya ang kadramahan ko.

Alanganing tumingin ako sa kanya. Mukha siyang galing sa stress at ngayon lang nakahinga ng maluwag.

"I'm glad you came, hindi ko alam ang gagawin ko sa kanya." Sabi niya na napahagod sa buhok niya. Medyo nawala ang kapormalan niya ngayon. Medyo iba sa dating niya nung puntahan ko siya sa munisipyo. Mukha siya ngayong ama na hindi pinatulog ng nagmamanyang anak.

"Hindi ko matitiis ang pamangkin ko, salamat at pinahanap mo ako." sagot ko sa kanya, na iniangat ang mukha ni Cassia. Hinalikan ko pa siya sa pisngi.

"Teka, lalabas muna ako para kausapin ang doktor, palagay ko kasi ay wala naman siyang problema." Paalam niya, tumango lang ako at pinanood siyang lumabas, kahit simple lang ang suot niya bagay pa rin at mukha pa rin siyag kagalang-galang.

Casimiro's Instant First Lady : ZBS 1 (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon