Kabanata 43

642 40 24
                                    

Kabanata 43:
M

emories









Hiniwakan niya ang palapulsuhan ko saka hinigit patungo sa isang table. Tipid kong nginitian ang bawat tao.

"Mukhang pinaghandaan mo ang araw na ito, Binibining Amara, huh?" He shook his head a bit.

"Uh– Binibini pa rin ba hanggang ngayon?" tanong niya na nakapagpahilaw ng ngiti ko.

Umawang ang bibig niya sa naging reaksyon ko ngunit agad niyang nilihis ang usapan.

"Umm, this is Mrs. Alonzo, Emily, this is Miss Montenegro." Pagpapakilala niya sa aming dalawa.

Prinesenta niya ang blondinang babae na nasa tabi niyang tahimik na sumisimsim ng wine. She's wearing tight bodice with the skirt gathered at her waist and falling more naturally over her hips and undergarments. Tumigil ito sa pag-inom at naglahad ng kamay sa akin, tinanggap ko naman ito.

Did I heard it right? Mrs. Alonzo...

"Can she.. understand us?" Kumunot ang noo ng babae.

"Oh! Actually.. she's the one who taught me this language." Naghugis O ang bibig ng babae habang marahang tumatango.

"So you're the buyer of our mansion, huh?" Dinungaw niya ako.

Pumungay ang mata ko sa sinabi niya. Our mansion...

Kumpara sa akin, maputi siya, hubog ang dibdib at makurba ang katawan, mas matangkad rin siya at mukhang may alam sa fashion, elegante at mukhang marami ng narating sa buhay. Ako? Ito at pipitsugin lang, umaasa sa lahat ng taong nakikilala.

"Miss.. Montenegro?" Doon lang uli ako nahimasmasan. I shook my head as I smiled at her.

"Um.. yes but actually I don't have interest on buying it anymore, it's okay, I know it's for your family." Kahit anong pilit kong gawing kaswal ang usapan ay hindi ko pa rin mapigilan ang pait sa tono ng boses ko.

"Ayos lang Amara, napag-usapan na rin namin ito at kinonsidera na rin namin na pamilya mo ang dating may-ari ng lupaing ito." Ngumiti si Irineo. Hindi na lang ako umimik.

"Amara!" Isang baritonong boses ang tumawag sa akin. Sa sobrang bilis ng pangyayari ay nalaman ko na lang hinihigit na ako ni Eugenio palayo.

Nagulat si Emily at Irineo sa ginawa nito. Nagpatianod na lang din ako. Hindi pa rin nagsisink-in sa utak ko ang sinabi nila.

Mrs. Alonzo..

Our mansion..

Now I wonder if they already have a child.

"'Di ba't sabi sa'yo ay maghahanap lang ako ng uupuan, bakit ka umalis doon?" Madiin ang bawat sinambit niya.

Umiling lang ako. Bumuntong hininga siya para pakalmahin ang sarili.

Naglahad siya ng upuan at umupo naman ako rito.

Naging tahimik at nakakabagot ang buong usapan ng mga ilang kakilala ni Eugenio sa table na ito. Tahimik na nagtatawanan, pagkatapos ay kakain ulit.

"Oh, Eugenio, hindi nga pala namin natanong, may nobya ka na ba?"

Napirmi tuloy ako sa kinauupuan ko dahil sa itinanong ng isang matanda.

Natigil rin si Eugenio sa kinakain niya

at tila nasamid dahil napainom siya ng tubig.

"Uh.. nililigawan po, mayroon po akong nililigawan na ngayon," sagot niya na nakapagpatili ng mga kasamahan namin.

Waves Of TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon