Kabanata 44

642 42 29
                                    

Kabanata 44:
P

aalam





Hawak ko ang ulo na may nakabalot na benda, iniinda ko ang sakit habang tumatayo, may matinis pa akong tunog na narinig dahilan para mariin akong pumikit, pero ilang segundo ay nawala rin.

Walang tao sa paligid pero alam ko kung nasaan ako, nakabalik na ako sa casa nila Eugenio at kasalukuyang nasa kwarto niya.

Muli kong ininda ang sakit nang halo-halong alaala ang pumapasok sa utak ko.

"Sumulat ako.."

Iyon ang naalala kong isa sa huling sinabi ni Irineo nang mawalan ako ng ulirat.

Ngayon na narito ako sa kwarto ni Eugenio at isa sa mga konklusyong tumatakbo sa isip ko ang nangibabaw sa akin. Bumuntong hininga ako nang magsquat sa harap ng tukador na nasa gilid ng kama.

Kinuha ko ang tyansa para malaman kung ano nga ba talaga ang totoo.

Sana ay hindi tama ang hinala ko.

Suminghap muli ako bago buksan nang isa-isa ang tukador.

Naalala ko noong nakapasok ako rito para maglinis ng mga gamit niya. Galit na galit siya na para bang may tinatago, ngayon, napagtagpi-tagpi ko na ang lahat.

Ang mga nasa unahang bahagi ng tukador ay walang laman. Pero nang hindi ko masyadong mabuksan ang pinakababang bahagi ay buong lakas ko itong binuksan, halos mawasak ko na, na nagdulot ng ingay.

Nanginginig ang kamay ko habang hinahawakan ang mga naglabasang piraso ng mga papel na nakabalot sa kayumangging laso—ang madalas niyang ginagawa sa mga naipadala na sulat. Nagbabadya na naman ang luha ko habang hawak ang mga ito.

Humihikbi ako habang bigong nakayuko at sinasalod ng mga ito ang luha ko. Kahit na hindi ko na buksan pa ang mga sulat ay alam kong sa kanya ito. May isang sulat ang napukaw ang pansin ko.

Muli akong suminghap bago ko ito kuhain. Hindi na nakabalot sa laso dahil nakabukas lang ito at kulay puti hindi gaya ng iba. Napatakip ako sa aking bibig nang makita ang petsa kung kailan ipinadala ang sulat na ito.

Septyembre 28, 1897, isang taon lang ang nakalipas at wari ko ay ito ang huli niyang sulat. Halo-halong galit at lungkot ang nagpapabakiktad ng kalamnan ko.

"Anong nangya–" Kumalabog ang pinto dahil sa pagdating ni Eugenio.

Hindi ko pa man siya nalilingon ay alam ko ng nagulat siya. Nahuhulog-hulog ang talukap ko habang unti-unti siyang hinaharap.

"Eugenio! Bakit mo itinago sa akin ang mga sulat ni Irineo?!" Nanginginig ang kamay ko habang pinagsuntok-suntok siya sa dibdib.

"Bakit?" Nagsusumamo ako.

"Pa-patawad.." Umiling siya at tinanggap uli ang mga paulit-ulit kong sampal.

"Anong magagawa ng paghingi ng tawad mo, Eugenio?" Nanghihina na ako at sinasalo niya naman ako upang di matumba.

"Huli na ang lahat! Huling-huli na."

Ang mga mata niya ay nakatingin sa akin na parang puno ng pagsusumamo.

"Amara.. nagawa ko lang ito kasi mahal kita!" Hinahabol niya rin ang hininga niya gaya ko.

Ngumisi ako at umiling-iling.

"Mahal? Kung mahal mo ako, Eugenio, sana ay pinabayaan mo na lang ako na maging masaya, alam mo, alam mo kung saan ako masaya!" Hinilamos ko ang mukha.

Waves Of TimeWhere stories live. Discover now