Kabanata 14

1.1K 68 4
                                    

Kabanata 14:
Pamilya Alonzo

Pinapitas ako ni Lola Lourdes ng Malunggay mula sa bakuran ng isang magarang bahay. May kalayuan ang mga pagitan ng bawat bahay dito at kung mayroon mang nakatabi ay wala namang naninirahan.

"Salamat po" iniabot sa'kin ng isang batang babae ang ilan pang malunggay. Mukhang mas matanda ako sa kanya at mas matanda din ng kaunti si Susan sa kanya. Maybe 12-13 years old. Morena siya, straight ang buhok, mayroon siyang peklat sa kanang pisngi na para bang kalmot. Wala siyang binibigay na ekspresyon, suplada.

"Ipagluluto na lang rin po namin kayo nang may mapagsaluhan tayo" pag-aaya ko sa kanila. Lumapit sa amin ang isang babae at hinawakan siya sa balikat. Nanay ata ng bata.

"Ay maraming salamat binibini, nakakahiya naman" tugon nito.

Habang naglalakad kami patungong harap ng bahay may nadadaanan kaming maraming shelf. Para itong library. Napansin ko din na bago ako pumasok dito ay may karatula na nakadikit sa pinto nagsasaad na "Casa la Biblioteca"

Hinahawakan ko ang bawat shelf na madadaanan namin. Kung bibilangin ay 13 ata ang bookshelf na naririto.

"Ano kayang ibig sabihin ng 'Casa la biblioteca'?" tanong ko sa kawalan.

"Silid-aklatan" someone hissed from the back. It was the girl. I made an 'o' face. She maybe smart because of the books surrounding her.

"Dito po kayo nakatira?" tanong ko. The ale shook her head as a no.

"Tagabantay lamang ako rito tuwing umaga kasama ang anak ko, hindi kasi pampubliko ang silid aklatang ito at para lamang sa mga mestizo o kaya naman ay gwardya sibil" paliwanag nito.

"Pwede po ba muna akong manatili dito kahit sandali lang?" bulong ko sa ale.

"Oo naman, madami ding nagawang kabutihan si Irineo sa amin, siguro ay kahit sa'yo lang ay makabawi ako"

I just missed wandering around with the smell of these nostalgic books, those smell made nerds addicted to them. Silid aklatan ang huling namasdan ko bago ako maaksidente at mapunta rito. I even love books more for it.

Wow. Ang daming libro pero lahat ng pamagat ng mga ito ay nakasulat sa  spanish. Sa tuwing bumubukas ng libro ay para bang nahihilo ako. Hindi ko maintindihan. Bigla kong naalala ang lesson namin noong high school. Hindi isinulat ni Jose Rizal ang Noli Me Tangere at El Fili dahil ipinagbabawal ang mga akdang tagalog sa panahon na 'to, lalong-lalo na kung tungkol ito sa kanila.

Kumuha ako ng isang libro "La Ninya ku-- kuwe el amore (La Niña que el Amor-The girl that he loves) Ano naman kaya ibig sabihin nito? Hays dapat pala umaattend ako ng language class noon eh" nagkamot ulo ako.

"Ang binibining kanyang iniibig" muntik ko ng mabitawan ang librong hawak ko dahil sa boses na mula sa likod.

"I-Irineo, kanina ka pa nandiyan?" I'm stuttering.

"Hindi naman binibini, ikaw yata ang kanina pang naririto, nag-aabang ang lutuin ni Lola Lourdes sa malunggay" nabaling ang tingin niya sa basket na hawak ko. 

"p-pasensya na, na-miss ko lang talaga magbasa ng mga libro" paliwanag ko.

"Na-miss?" kumunot ang noo niya.

"Huh? May sinabi ba akong na-miss? sabi ko nangungulila ako hehe" palusot ko. I look away. Marahan akong naglakad palayo doon. Nagpunta ako sa isa pang sulok ng silid. I sighed. Sana naman nakaalis na siya.

Napansin ko ang isang librong nakapatong sa ibabaw ng shelf may kataasan ito kaya tumingkayad ako. Ginalaw galaw ko ang kamay ko para makapa ang libro pero parang mas lalo lang itong umurong. Napag-isipan ko na sanang kuhain ang upuan para doon na lang ako pumatong pero hindi ko pa nababa ang kamay ko ay may nakapa na akong kamay, nasa harap ko siya ngayon.

Waves Of TimeWhere stories live. Discover now