Kabanata 38

584 35 27
                                    

Kabanata 38:
Huli


"Amara, hindi man ito ang panahon at naaayon sa plano, ito na siguro ang hudyat. Dadanak ang dugo at wala tayong ititira." Hindi pa rin ako makapaniwala pero tumango na ako.

Nagkatinginan kami ni Irineo na tumatayo at may kinukuhang kung ano.

"Irineo, huwag, hindi ka pwedeng sumama sa amin, hindi ka pa magaling!"

Umigting ang panga niya at nandidilim ang matang inungaw ako.

"'di ba't pinangako kong pagbabayarin ang dapat na magbayad?" Kinuha niya ang isang rebolber mula sa kanyang cabinet at isinuksok sa tagiliran.

"Hindi! Huwag, dito ka lang, pakiusap." Nagsusumamo ako pero hindi niya ako pinakinggan.

Kahit na hindi pa rin ako sang-ayon sa desisyon niya ay kailangan na naming magmadali para hanapin si Susan, siguradong hindi pa siya nakakalayo.

Pababa pa lamang kami ng hagdan palabas ng mansyon ay sumalubong sa amin si Ybañez, inuubo siya dahil sa usok na nasa labas.

"Amara! Tinutugis na ng mga gwardya sibil si Susan, ang ibang mga rebelde at tumakas sa piitan, i-isa ka sa tutugusin nila dahil ang wari nila ay isa ka sa naghimok ng pagrerebelde at himagsikan ng mga tao sa pamahalaan." Nanginginig siya at hingal na hingal.

Lumapit si Irineo sa kanya.

"Ybañez, itakas mo si Amara at Rowena, ihatid mo sila sa baybayin ng Manila, may naghihintay roon para sunduin sila, pupunta rin ako," utos niya.

"B-bakit hindi na lang ikaw?" tanong niya.

"Mas hindi halata kapag ikaw ang kasama niya, marahil ay iniisip na nilang kasama ko siya, sige na magmadali kayo!"

Isinakay ako ni Irineo sa kayumangging kabayo ni Ybañez. Mariin ang hawak niya sa mga kamay ko at ilang segundo pang tinitigan ang mga mata.

Hindi pa man nakakasampa si Rowena sa kabayo ay may mga yabag na ng kabayong dumating.

Si Alejandro ang tumambad sa amin na may hawak na mga balabal habang pinapatakbo ang kanyang sariling kabayo. Minaniobra niya iyon sa tabi ng kabayo ni Ybañez.

"Binibining Rowena, dito ka na lang sa'kin sumakay, mahihirapan si Ybañez kapag dalawa kayong isasakay niya." Hinila ni Alejandro ang kamay ni Rowena para tuluyan siyang makasampa.

"Isuot niyo 'to." Inilahad niya ang mga balabal na dala niya sa amin at ibinalot namin ni Rowena sa mga mukha namin.

Nang makarinig kami ng ilang yabag pa ng mga kabayo at mga anino ng mga papalapit na gwardya sibil ay nagsimula na silang imaniobra muli ang kabayo.

"Siguradong hindi pa sila nakakalayo! Hanapin niyo sa kwarto ni Señor Irineo! Hanapin niyo ang mga maharlika lalo na Gobernador Juan,  patayin niyo ang nakatakas na katulong!" Sigaw ng baritonong boses ng kung sino mula sa hindi kalayuan.

"Sige na, magmadali na kayo!"

Nilingon ko si Irineo na pinapanood kami habang palayo nang palayo ang imahe niya sa amin.

Hindi pa man kami masyadong nakakalayo at papatawid pa lang ng  tulay ay bumungad na sa amin ang mga bangkay ng ilang gwardya sibil at sibilyang nakaratay at naliligo sa sariling dugo.

Marami ng nalagas sa hukbo ng mga rebelde at sa mga gwardya sibil pero sa pagkakataong ito ay ang mga rebelde ang may hawak sa mga may katayuan sa pamahaalan.Sa kabilang bahagi ng tulay ay si Don Mariano at Gobernador Juan na nakagapos na nasa kamay ng mga rebelde.

Waves Of TimeWhere stories live. Discover now