Kabanata 36

596 40 23
                                    

Kabanata 36:
Enemy


Grief, sorrow, wrath, resentment. Ang mga pagtangis mula sa kawalan ng hustisya ang hindi ko makakalimutan, ang orihinal na pinagmulan ng kasakiman ng pamahalaan, nasa lupa ka pa lang ay makakaramdam ka na ng impyerno.

Sa huling pagkakataon, nasilayan ko ang taong hinding-hindi ko makakalimutan sa paglalakabay na ito, tumatakbo siya sa kalagitnaan ng mga tao na siya namang binibigyang daan ng mga ito.

Duguan siya at halatang hinang-hina pero buong lakas pa ring nakaharap sa akin. Lumuhod siya sa harapan at tumangis.

Umupo ako sa maliit na silyang parte ng garote.

Pumikit ako upang hindi na makita pa ang kanyang mukha. Ang makita siyang umiiyak ay mas maagang kamatayan para sa akin.

No Irineo, this time please don't save me again, you have saved me a lot at sapat na ang lahat ng iyon.

Patawad, patawad kung hanggang dito na lang Irineo..

Si Don Mariano at ibang mga pari ang nag-iismirang pinapanood ako. Ang Kapitan Heneral ay nakangisi habang humahalukipkip ang kamay, ganoon rin si Victoria.

Si Susan, Erlinda at Cristina ay nagyayakapan at naghahagulgulan. Masama ang tingin nila sa mga nakatataas.

Inilapat ko na ang ulo sa kahoy, hinawakan na ng mga lalaking nasa gilid ko ang hawakan na papaikutin para malapat ang talim sa leeg ko.

Pumikit na ako kasabay ng pagtanggap ng kapalaran. Tinabunan na nila ang mukha ko ng isang supot.

Sa mundong puno ng pandaraya. Sa panahong kahit ang tama ay ginagawang mali at ang mali ay nagiging tama, sa oras na para bang nasa impyerno ka dahil sa mga pasakit. Kahit na gaano kamapaglaro ang mundo, magbabayad pa rin ang lahat ng nagdulot nito.

"Sandali!" Isang malakas na boses ang pumigil sa kung ano ang dapat gawin sa akin ng mga lalaki sa aking magkabilang gilid.

Si Madame! Anong ginagawa niya?

Lumingon ako sa direksyon kung ko narinig iyon.

"Hindi niyo dapat pagbayarin si Amara, ako! ako ang may kasalanan!"

Kumunot ang noo ko sa kanyang idineklara. Anong sinasabi mo Madame!?

Nagsitahimikan ang lahat. Ang mga nasa bandang harap naman ay umaalma.

Nanlaki ang aking mata ko. Nang naramdaman kong lumuwang ang talim na malapit sa aking batok ay nagawa kong kumawala. Agad kong tinaggal ang supot sa mukha ko.

Pinipresenta ni Madame ang kanyang sarili sa lahat habang nakaluhod, sumusuko. Ang mga gwardya sa kanyang paligid ay tinututukan siya ng baril.

Lumapit ako kay Madame at hinawakan ang pisngi niya.

"Madame! Madame! Hindi mo kailangang gawin ito, hindi mo magagawa ito! Pakiusap! Ako, ako ang dapat magbayad!"

Hinawi niya ang kamay ko at mapait akong tinignan.

"Amara, may kailangan ka pang protektahan, may dapat ka pang patunayan, may nagmamahal pa sa'yo," bulong niya na mas lalong nagpabuhos ng luha ko.

A loud groan coming caught everyone's attention.

Pinipigilan siya ng kanyang ama sa paglapit kay Madame.

"Ina, huwag, huwag mong gawin ito.."

Tuluyan na siyang nakalapit kay Madame at hinalik-halikan ang kamay niya.

"Hindi, hindi ikaw ang may kasalanan.. ako." She mouthed.

Halo-halo ang nararamdaman ko, naaawa ako, makitang nasasaktan ang mag-ina, nagagalit ako dahil sa katotohanang siniwalat niya.

Waves Of TimeWhere stories live. Discover now