Kabanata 5

1.7K 150 3
                                    

Kabanata 5:
Eugenio

His gaze locked on mine. Ang madilim at misteryoso niyang mga mata ay matalim akong tinitingnan. Bahagya akong napaatras nang makaramdam ng takot.

"Amara?" Naningkit ang mata ko nang marinig iyon mula sa kanya, kilala niya ako, si Amara? Sa pagkakaalala ko sa huli naming pagkikita ay hindi naman kami nagpalitan ng pagkakakilanlan. Syempre! Ang buong pamilya ng Montenegro ay kilala sa lugar na ito kaya't hindi na nakakapagtaka pa, isa pa kilala ko rin naman siya.

"Hoy tumingin ka nga sa dinadaanan mo!" panunumbat ko habang dinuduro siya.

He's leaning on me but I can't describe if he really is, natatakpan ng hood ang itaas na bahagi ng kanyang mukha at tanging ang matangos na ilong at mapaglarong labi niya lang ang nasisinagan ng araw. His lips twitched showing humor on it, kahit na hindi ko nakikita ang mga mata niya ay alam ko ang panunuya nito. At kahit takpan pa ng isang libong bandage ang mukha niya, makikilala't makikila ko pa rin siya.

"Hoy nakikinig ka ba?!"

Tinanggal niya ang kanyang kapa dahilan para umaliwalas ang mukha nito. Ngayon ko lang siya nakita ng ganito kalapit.

"Nasaan na ang mga mamamayan rito? Bakit ka naririto? Sino ang kasama mo?" pinulanan niya ako ng tanong ngunit hindi ko nagawang masagot ito.

"Hindi ko din alam, bigla na lang silang nagtakbuhan tapos nagligpit, tapos..tapos natatakot sila, hindi ko naman alam kung bakit, at saka pagtingin ko sa paligid wala na ang karwaheng sinakyan namin," pagpapaliwanag ko.

"Mukhang tinakasan na nila tayo, Señor, matatalino ang mga mamamayan ng San Fernando at naisahan nila tayo," sabi ng boses sa likod dahilan para ma-curious ako kung sino iyon.

Muli akong namangha nang makita siya, isang moreno at matikas na lalaki. Ang kanyang tindig ay puno ng awtoritasyon gaya ng kay Irineo.

Napawi ang lahat ng iniisip ko nang muling marinig ang sigaw ng bata.

"Yung bata! Tulungan natin!" agaran akong tumakbo patungo sa bata at pinilit na inaakyat ang kahoy. Nang lingunin ko ang mga kalalakihan na kasamahan ni Irineo ay nakatingin lamang ito sa amin. What the hell?

"Tulong!" muling sigaw ng bata.

Kung hindi niyo ako tutulungan, edi huwag, you damn heartless Irineo! Sa kalagitnaan ng pilit kong pagbubuhat ay nakarinig ako ng yapak na papalapit sa amin. Nagulat na lang ako nang tumulong ang isa sa kasamahan ni Irineo.


Ngunit nang marinig ko ang daing nang bata ay hindi ko na nagawang alalahanin pa ang sarili. Mayroon itong mga pako kaya't kaunting maling galaw lang ay maari niyang masugatan ang bata.

Hanggang sa matagumpay na itong naalis mula sa bata. Hindi agad nakatayo ang bata dahil sa tinamong sugat sa binti.

"'Yong bata, ano ba?!" I glared at Irineo.


"Ma-raming sala-mat po.." nag-aangat baba ang kanyang dibdib dahil sa paghihingalo.

"Paano ka ba naipit? Bakit ikaw lang mag-isa? Anong nangyari dito?" aniya sa pinakamhinahong boses.

Nagtaas ng tingin sa kanya ang bata at halata ang pagkagulat sa mga mata nito. Nabaling ang tingin ko sa nakahalukipkip na si Irineo sa tapat na'min. Aba! Nagawa niya pa kaming panoorin.

Waves Of TimeWhere stories live. Discover now