Kabanata 42

618 33 29
                                    

Kabanata 42:
Time


"Ahh.. pasensya na hindi ko sinasadya." Umiling ako at kinagat ang labi. Kumukurap-kurap ako para magising sa panaginip na 'to.

"Ayos lang.. Nakita mo naman na ito." I saw a ghost of smile curved on his lips.

Malakas ang kalabog ng puso ko. Sobrang lakas, pinupunit pero parang binubuo rin.

Nanginginig ang labi ko at namumungay ang mata. Nang mahawakan niya ang palapulsuhan ko ay doon lang ng sink in ang lahat. Totoo siya, hindi ito panaginip!

"Na-nanlalamig ka," bulong niya na medyo nanginginig pa.

Nanlalaki ang mata ko at nanginginig pa rin ang tuhod.

Marahan niya ako itinutulak pababa para makaupo sa isang malaking bato—pamilyar at nakasaksi ng lahat ang batong ito.

"I-ikaw na ba ang may-ari ng lupaing ito?" mahina kong tanong.

He squatted in front of me that gave me a clearer view of him. I leaned on him.

He is still stunningly handsome. His masculine body screams more vigor and danger, he is more than a storm, he is more than everything. He grew some beard that made him look more fully grown. Ang liit-liit ko kumpara sa kanya. Nanliit tuloy ako, napayuko ako at ngumuso.

He smirked, this time with his teeth. Iyong lumilitaw talaga ang malalim na biloy niya. Natulala ako sa mukha niya, hindi pa rin ako makapaniwala.

After all these years.. he's still here.

"Oo, binili ko ang lupain niyo." Tinukod niya ang kanyang kaliwang tuhod sa lupa at ang braso niya naman ay nasa kabilang tuhod.

"Asensado ka na nga." I murmured

"Paano mo nalaman na andito ako? O baka.. ang mansyon niyo talaga ang sadya mo?" Dinungaw niya ako.

"Uh–" Nanunuyo ang lalamunan ko.

Pwedeng pareho? Pwedeng kuhain ko pati ang may-ari?

Nabigo agad ako sa naisip. Oo nga pala, may asawa na siya. Nag-asawa na siya..

"May- may asawa ka na? Balita ko nakapag-asawa ka na sa Europa, may anak na kayo?" Pinipilit ko na maging kaswal ang aming usapan.

"Ahh.." Yumuko siya at umiling.

Tumingala siya at marahang pumikit. Hindi ako makagawa ng asumpsyon sa ginawa niya, dahil ayaw kong mag-isip ng kung ano.

Hindi niya gusto ang usapan. Ako lang naman ang nasasaktan sa tanong ko, bakit ko pa ba tinanong.

Binalingan ko ang kabayong ngayon ay basa pa rin at kumakaluskos. Bago na ito, hindi na iyon si Whity, kulay kayumanggi na at mukhang mas matapang.

"May bago ka ng kabayo.. anong pangalan niya? Browny?" Tumawa ako sa sinabi.

Gayon rin siya. But I find it so sexy! His chuckle was!

"Amara.."

"H-huh?" Kumunot ang noo ko.

"Amara ang pangalan niya."

Waves Of TimeWhere stories live. Discover now